CHAPTER 01- Moment Of Truth

20.4K 138 2
                                    

Moment Of Truth
-

--oOo---


ABOT langit ang saya na nararamdaman ni Samantha ng araw na iyon. Hindi mawala ang ngiti sa kanyang mga labi habang dahan-dahan siyang naglalakad papunta sa dulo ng aisle. Paano naman siya hindi sasaya dahil matutupad na ang matagal na niyang pangarap. Ang maikasal sa lalaking lubos niyang minahal. Ang lalaking nagpakita sa kanya kung gaano siya kahalaga rito. Si Zachary Montefalcon.

Sa isang malaking cruise ship ginaganap ang kasal nila. Siya talaga ang nag-isip ng ideyang iyon. Common na kasi para sa kanya ang mga garden at beach wedding motif. Gusto niya ay maiba naman. Kaya nang sabihin niya ang ideyang iyon sa mapapangasawa niyang si Zach ay agad naman itong pumayag sa gusto niya. Kaya ganoon na lamang ang pagmamahal niya sa mapapangasawa niya dahil lahat ng gusto niya ay ibinibigay nito. Kaya nang mag-propose na ito sa kanya ay hindi na siya nagdalawang isip at um-oo na agad siya. Apat na taon na rin naman ang kanilang relasyon. Sa apat na taon na iyon ay iginalang siya ni Zach. Hindi siya nito pinilit na ipagkaloob ang pagkababae niya rito. No'ng minsan nga na handa na siyang ibigay iyon kay Zach ay tumanggi ito. Ang gusto nito ay maging memorable ang gagawin nitong pag-angkin sa kanya. At mangyayari raw iyon sa unang gabi nila bilang mag-asawa.

Mag-isa lang siyang naglalakad papunta sa maliit na altar na kadalasan ay may mga magulang na naghahatid sa bride sa altar. Hindi naman kasi mahalaga iyon sa kanya. Wala rin naman siyang balak na ipa-alam ang kasal niya sa mga itinuring niyang magulang na siya palang sisira sa tiwala niya sa mga ito.

Labing-apat na taon lang siya noon ng maglayas siya sa kanila. Nalaman niya kasi mula mismo sa bibig ng mga magulang niya na hindi raw siya totoong anak ng daddy niya. Isa siyang bastardang anak sa labas ng mommy niya sa ibang lalaki. Nang sandaling iyon ay napaiyak na lamang siya nang muli na namang sumagi sa isip niya ang araw nang malaman niya ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya.

---oOo---

MALAPAD ang ngiti sa mga labi ni Samantha habang papasok siya sa loob ng kanilang bahay. Parang matatapilok pa siya sa sobra niyang pagmamadali na makapasok sa kanilang bahay. Excited na kasi siyang ipaalam sa parents niya ang magandang balita. Siya kasi ang hinirang na class valedictorian ng kanilang school. Hindi naman iyon kaduda-duda dahil consistent honor student na siya simula pa no'ng grade school niya. Namana niya yata ang talino niyang iyon sa daddy niya. Honor student din kasi ito no'ng mga panahon pa nito.

Dahan-dahan na niyang pinihit ang seradura ng pinto ng main door para makapasok siya sa loob ng bahay. Sigurado siya na nandito na sa bahay nila ang daddy niya dahil nakita niya ang sasakyan nito sa may garahe. Tamang-tama dahil gusto niyang sabay na marinig ng parents niya ang magandang balitang dala niya. Nangako pa naman ang daddy niya sa kanya na bibilhan daw siya nito ng bagong laptop kapag naging class valedictorian siya. Sisiw lang naman iyon sa kanya dahil alam niyang kayang-kaya niya naman iyon.

Nang makapasok na siya sa loob ng bahay ay nakasalubong niya ang isa sa mga katulong nila at itinanong kung nasaan ang mommy at daddy niya. Sinabi nito na nasa loob ng kwarto ng mga ito.

Nakangiti niyang tinungo ang kwarto ng mga ito na nasa pangalawang palapag ng kanilang malaking bahay. Nang malapit na siya sa kwarto ng mga ito ay nangunot ang noo niya nang marinig niya ang galit na boses ng daddy niya. Mukhang nag-aaway yata ang mga ito. Dahan-dahan siyang lumapit sa pinto ng kwarto ng mga ito para kumpermahin ang inuha niya. Ni minsan naman kasi ay hindi pa niya narinig na nag-aaway ang parents niya. Kaya nagtataka siya kung bakit parang galit ang boses ng daddy niya.

Bahagyang naka-awang ang pinto nang kwarto ng parents niya kaya maingat siyang sumilip doon. Naka-upo sa kama ang mommy niya nang makita niyang dinuduro ito ng daddy niya!

The Lust Affair (Book Two)Where stories live. Discover now