CHAPTER 15- New Life

6.3K 60 8
                                    


New Life
---oOo---

NAPABALIKWAS ng bangon si Allysa nang maramdaman niya ang pagtapik sa balikat niya. Pagdilat niya nang kaniyang mga mata ay si Zach agad ang nakita niya. Napaatras pa siya ng upo sabay sandal sa sandalan nang papag sa sobrang pagkagulat.

“N-nasaan si S-samantha?” bulalas niya.

“Ano’ng pinagsasabi mo, Allysa? Ano ba ang nangyayari sa’yo?” Nagtatakang tanong sa kaniya ni Zach.

“Nasaan si Samantha?!” natatakot na turan niya habang hindi mapakali na inililibot niya ang paningin niya sa kabuuan ng silid.

“Wala si Samantha rito! Ano bang pinagsasabi mo!” Bulyaw sa kaniya ni Zach. Hinawakan pa nito ang magkabila niyang balikat at niyugyog nito iyon.

“Nandito siya! Nahanap na niya tayo! Papatayin niya tayo!” giit nito. Parang nasisiraan na siya ng bait sa hitsura niya.

“Nananaginip ka lang! Wala rito si Samantha. Tumigil ka na!” bulyaw sa kaniya ni Zach at doon na lamang parang bumalik ang isip niya. Unti-unti na siyang kumakalma. Tama nga si Zach na nananaginip lamang siya. Pero hindi lamang iyon isang panaginip kundi napakasamang panaginip. Bangungot na nga yata kung tutuusin iyon, e.

“Kumalma ka at sabihin mo sa akin kung ano ang napaginipan mo?” nag-aalalang turan sa kaniya ni Zach.

Nang kumalma na siya ay ikinwento niya kay Zach ang mga nangyari sa panaginip niya. Wala siyang hindi sinabi rito. Nakadetalye lahat.

“Hindi naman porket nanaginip ka ng ganoon ay magkakatotoo na agad. Kabaliktaran ng panaginip ang mangyayari sa realidad.” Ani Zach.

“P-pero para kasing totoo. Hindi naman malabo na mangyari iyon dahil totoo naman na may nangyayari sa atin.”

“Alam kong mali sa mata ni Samantha ang nangyayari sa atin pero hindi naman ganoong babae si Samantha. Kaibigan mo siya, Allysa kaya alam kong kilala mo siya.” bwelta sa kaniya ni Zach. Oo. Kilala niya nga si Samantha. Kilala niya ito. Napakabait nito sa kaniya at hindi nito magagawa ang ginawa nito sa panaginip niya. Pero hindi nga ba? Niloloko nila ito at hindi lang isang beses kundi makailan na. Mapapatawad pa kaya siya ni Samantha kung labis-labis na ang panloloko na ginawa niya rito?

“P-pero paano kung dumating nga ang araw na mahuli tayo ni Samantha?”

“Hindi niya tayo mahuhuli dahil hindi na natin uulitin ang ginagawa natin. Naku-konsensiya rin naman ako sa tuwing gingawa natin iyon kaya mas mabuti pang itigil na lang natin kung ano mang nangyayaring kataksilan sa atin sa loob ng kubong ito.” Ani Zach. Kahit alam niyang mali at baka mahuli nga sila ni Samantha ay parang ayaw pa rin niyang sumang-ayon kay Zach na itigil na nila ang nangyayari sa kanila. Masisira kasi ang plano niya na mapapa-ibig niya ito kapag wala nang nangyayari sa kanila. Hindi siya makakapayag na mangyari iyon. Wala na nga siya sigurong pagpipilian. Kailangan na niyang ipaglaban ang nararamdaman niya kay Zach kahit na magkamatayan pa sila ni Samantha!

“B-bakit naman natin ititigil? Hindi ka na ba nasasarapan sa ginagawa natin?” Tanong niya rito.

“Hindi ba’t ikaw na rin ang nagsabi na baka mahuli tayo ni Samantha kapag ipinagpatuloy pa natin ito?” sagot sa kaniya ni Zach.

“Oo. Pero hindi ba’t sinabi mo rin na kabaliktaran lamang sa realidad ang nangyayari sa panaginip. Kaya hindi naman siguro mangyayari iyon.” Pagkasabi niya niyon ay agad naman niyang sinunggaban ng halik si Zach. Pero nagulat siya nang itulak siya nito. Nagtataka namang tiningnan niya ito.

“What is this, Allysa? Ginagawa mo pa rin ba ito para lamang punan ang kalibugan ko o--”

“Oo. Tama ka sa iniisip mo, Zach! Mahal kita. Mahal na mahal kita noon pa! Noon pang hindi pa kayo ni Samantha!” Hindi na niya napigilan pa ang sarili niya na sabihin iyon kay Zach. Tutal parang ayaw na rin namang makipagtalik ni Zach sa kaniya kaya mas mabuti pang sabihin na niya rito ang totoo niyang nararamdaman dito.

The Lust Affair (Book Two)Where stories live. Discover now