CHAPTER 25- Her Evil's Plan

4.6K 62 11
                                    

Her Evil’s Plan
---oOo---

WALA nang nagawa pa si Samantha nang ipikit na ni Caleb ang mga mata nito. Wala na ito. Hindi na ito gumagalaw at mukhang hindi na rin ito humihinga. Hindi niya kayang isipin na siya ang nakapatay sa mismong kapatid niya! Kung alam lang sana niya nang maaga pa ay hindi na sana ito mangyayari pa! Hindi na sana hahatong sa patayan ang lahat. Napako siya sa kinatatayuan niya at hindi man lang niya magawang humakbang para lapitan ito. Napakagulo kasi ng isip niya. Hindi niya alam ang gagawin niya. Parang pinagsakluban siya ng langit at lupa. Ganito pala ang mararamdam mo kapag ginawan ka ng masama ng taong malapit sa’yo. Ang taong minahal mo bilang isang kadugo. Napakasakit! Walang hanggang sakit. Kahit kailan ay hindi na mawawala sa isip niya ang pangyayaring ito. Tatatak na ito sa pagkatao niya. Hindi na iyon mawawala kailanman!

Ilang sigundo rin bago nakapagdesisyon si Samantha na lapitan ang wala nang buhay niyang kapatid. Pinatihaya niya ito. Dahan-dahan niyang inilapit ang kamay niya sa mukha nito at marahang pinisil. Doon lang ulit tumulo ang luha niya. Bigla niyang na-missed ang kapatid niya. Ang mga araw noon na nagbo-bonding sila. Ang araw na masaya sila. Mukhang hindi na rin yata iyon mangyayari ulit. Magsisilbi na lamang iyong isang magandang alaala sa kanila ng kapatid niya. Mahal na mahal niya ang kapatid niya. Nadala lamang siya noon ng emosiyon niya kaya siya naglayas. Pero isang buwan lang ang lumipas ay bumalik siya sa dating bahay nila pero hindi na roon nakatira ang pamilya niya.

“P-patawarin mo ako, Caleb dahil hindi ko napanindigan ang ipinangako ko sa’yo noon.” Wala pa ring patid ang luha na nagsisihulugan sa mga mata ni Samantha. Kung pwede lang niya punan ulit ang lahat ng pagkukulang niya sa kapatid niya ay gagawin niya. Pero huli na ang lahat. Paano pa niya magagawa iyon gayong wala na ang kapatid niya? Magagawa naman niyang patawarin ito sa lahat ng nagawa nito sa kaniya. Dala lang iyon ng sakit nito at ang pangungulila ng kapatid niya sa kaniya kaya nito nagawa iyon.

Tumayo na si Samantha at ipinalis ang luhang nagkalat sa mukha niya. Siguro ay kailangan na lamang niyang tanggapin ang lahat. Ang dapat niyang isipin sa ngayon ay ang maka-alis sa isla at magsimula ng panibagong buhay.

Inihiga niya ng maayos ang katawan ni Caleb sa lupa. Hinalikan pa niya ito sa pisngi bago ito bumalik sa kubo para balikan si Zach. Kailangan na nilang maka-alis sa islang iyon para maipalibing na niya ng maayos ang labi ni Caleb.

Pagpasok niya sa kubo ay nadatnan niyang natutulog pa rin si Zach. Nabaling ang tingin niya sa duguang katawan ni Oliver sa lupa. Hindi pa pala niya nalilinasan ito. Pumunta siya sa kusina at kumuha ng malinis na damit at binasa niya iyon ng tubig. Nilinisan niya ang katawan ni Oliver. Kalunos-lunos ang ginawa ng kapatid niyang si Caleb dito. Halos maligo na ito ng dugo. Hindi niya hakalain na sa kamay rin ng kapatid niya natapos ang buhay ni Oliver. Napakabuti nitong tao at kaibigan. Hindi nito deserve ang mamatay ng maaga. Alam niya na marami pa itong pangarap sa buhay. Isa na roon ang maiahon sa hirap ang pamilya nito. Minsan na rin kasi ikinwento ni Oliver ang estado ng buhay nito sa kaniya. Naawa nga siya rito dahil ito ang bread winner sa pamilya nito. Wala na kasi itong ama buhat nang maaksidente ito at mamatay sa pinagtatrabahohan nitong construction site.

Sinikap nito na makapagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pagiging working student nito. At pinangako nito sa sarili nito na kapag nakapagtapos na ito sa pag-aaral at makakuha ng magandang trabaho ay ito naman ang tutulong sa mga kapatid at sa nanay nito.

Ano na lamang ang mangyayari sa pamilya na iniwanan ni Oliver? Paano niya sasabihin na wala na ito? Alam niyang hindi iyon basta-basta na matatanggap ng pamilya nito ang sinapit ni Oliver!

Matapos niyang linisan ito ay tinabunan niya ng kumot ang katawan nito. Sandali rin siyang nagdasal para sa ikatatahimik ng kaluluwa ni Oliver. Nagpapasalamat din siya dahil sa tulong na ginawa nito. Hindi niya lubos maisip na may mga tao pa palang kagaya ni Oliver na handang tumulong sa kapwa kahit na mapahamak pa ito. Kahit na mismo ang buhay nito ang nakasalalay.

The Lust Affair (Book Two)Where stories live. Discover now