CHAPTER 10- His Needs

8.7K 70 4
                                    

His Needs
---oOo---

AKALA ni Allysa ay tuluyan na siyang matutuklaw ng ahas ng bigla siyang makarinig ng mga yabag na parang papasok sa loob ng kweba na kinaroroonan niya. Pag-alis niya ng mga braso niya na nakaharang sa mukha niya ay bigla siyang nabuhayan ng pag-asa nang makita niya si Zach. Nahanap siya ni Zach!

Gamit ang matulis na ginawa nitong patalim ay walang pagdadalawang isip nitong pinagsasaksak ang ahas na nasa harapan niya. Hindi ito tumigil hanggat nakikita pa nitong gumagalaw pa ito. Nagpapasalamat talaga siya dahil naabutan siya ni Zach sa kweba bago pa siya matuklaw ng nakakatakot na ahas na iyon. Dahan-dahan na rin siyang nakahinga ng maayos nang makita niya na parang hindi na gumagalaw ang ahas. Tumigil na rin si Zach sa pagsaksak dito.

"Z-zach?!" Puno ng kasiyahan na lumapit siya rito at niyakap niya ito. Paano na lamang kung hindi siya nit< nahanap. Malamang ginawa na siyang pagkain ng ahas kanina.

"Akala ko ay hindi mo na ako mahahanap dito." Mangiyak-ngiyak na turan niya nang kumalas na siya sa pagkakayakap dito. Napapaluha siya sa labis na saya. Utang niya talaga ang buhay niya kay Zach.

"Hindi naman maatim nang konsensiya ko na hahayaan ka--" Hindi na niya natuloy ang sasabihin nito nang muli niya itong yakapin. Hindi lang talaga siya makapaniwala na nahanap pa siya ni Zach.

"Promise... Hindi na talaga ako aalis ng mag-isa..." Aniya habang umiiyak.

"Sorry din dahil sa mga sinabi ko. Alam kong napanghinaan ako ng loob na makagawa pa ng paraan para maka-alis sa islang ito. Narealize kong tama ka nga. Kailangan nating maging positibo. 'Wag tayong susuko hangga't kaya pa natin. Makakagawa rin tayo ng paraan para maka-alis sa islang ito." Ani Zach. Mabuti naman at narealized na nito na dapat ay 'wag silang mawalan ng pag-asa. Iyon lang naman ang gusto niyang mangyari ang maging positibo ito kagaya niya.

"Salamat. Iyon lang naman ang gusto kong marinig mula sa'yo, e. Ang hindi basta sumusuko." Nakangiti niyang saad dito. Parang unti-unti na yata itong nabubuhayan ng pag-asa.

"Hoy! Zach! May dumi ba ako sa mukha?" Napansin ni Allysa na parang nakatulala itong nakatingin sa kaniya. Niyugyog pa niya ang balikat nito nang sabihin nito iyon.

"W-wala. Wala." Mabilis na tugon nito at agad naman nitong binawi ang tingin sa kaniya. Pero infairness ay napaka-gwapo naman talaga ni Zach sa wet look nito.

"Paano na ito? Parang hindi pa tayo makaka-alis sa kwebang ito. Parang wala ganang tumila ang ulan." Ani Allysa. Napansin kasi niya na parang walang ganang tumigil ang ulan. Mukhang palakas pa ito nang palakas. Nagawi naman ang tingin ni Zach sa labas ng kweba.

"Dito muna tayo hangga't hindi pa tumitila ang ulan." Saad ni Zach. Wala na rin naman silang magagawa pa kundi ang hintayin na lamang na tumila ang ulan bago sila makaalis sa kweba.

"Sige. Pero parang dumidilim na rin yata." Pagkasabi niyon ni Zach ay napansin niya na parang may hinahap ito. Pagkabalik nito ay may dala na itong mga kahoy at alam na niya ang gagawin ni Zach sa mga iyon. Gagawa siya nang siga para magkaroon ng liwanag sa loob ng kweba dahil unti-unti na rin kasing dumidilim ang paligid. Napako ang paningin ni Allysa sa gawi ni Zach nang makita niyang naghubad ito at saka pinatuyo nito ang damit nito sa init na nagmumula sa siga na ginawa nito. Napansin ni Allysa na parang giniginaw si Zach. Lumapit pa ito sa may siga.

"Nilalamig ka ba?" Nag-aalalang tanong niya rito. Mukha kasing giniginaw nga ito.

"Medyo." Mabilis na sagot nito habang yakap nito ang sarili nito.

Dahil sa nag-aalala siya kay Zach ay nilapitan niya ito at sinalat ang leeg at noo nito.

"Ang init mo, a! Nilalagnat ka!" Bulalas niya. Napakainit kasi nito. Parang mapapaso siya sa sobrang init ng katawan nito. Napansin niya na parang nanghihina na ito. Pipikit-pikit na rin ang mga mata nito. Hindi inaasahan ni Allysa ang sumunod na mangyari. Natumba ito at nahimatay. Mabuti na lamang at naging maagap siya kaya agad naman niyang nasalo ang katawan nito. Dahan-dahan niya itong hiniga sa hita niya. Natataranta na si Allysa nang oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kailangan ay may gawin siya! Nabaling ang tingin ni Allysa sa damit ni Zach. Dahan-dahan niya munang hinihiga si Zach sa madamong bahagi ng kwebang iyon. Kinuha niya ang damit nito na may bahid pa nang dugo. Lumabas siya sa kweba at nilinis niya iyon sa tubig ulan. Nang malinis na niya iyon ay naghanap siya ng bagay na pwede niyang lagyan ng tubig. Hindi naman siya nabigo dahil may nakita siyang bao ng niyog. Kinuha niya iyon at nagsalok ng tubig ulan. Binalikan na niya si Zach. Inilagay niya sa noo nito ang basang damit nito para maibsan ang init nang katawan nito. Ilan ulit rin niyang binabasa ang damit nito sa tuwing natutuyo ito. Hanggang sa unti-unti nang nababawasab ang init ng katawan nito. Hinubad na rin niya ang damit niya para gawin nitong kumot kay Zach. Wala na siyang choice kahit na mag-bra na lamang siya. Wala na rin naman siyang choice sa sitwasiyon nila ngayon. Kailangan niyang kumutan si Zach para hindi ito tuluyang lamigin. Napayakap na lamang siya sa kaniyang sarili nang maramdaman niya ang lamig na nanunuot sa kalamnan niya.

---oOo---

MAY pagtataka sa mukha ni Zach nang magising siya ng oras na iyon. Napapikit pa uli siya nang makaramdam siya ng kabigatan ng kaniyang mata. Natatandaan niya ang nangyari sa kaniya. Nahimatay siya kanina nang hindi na niya nakaya pa ang sobrang kabigatan ng katawan niya. Napakasama kasi kanina ng pakiramdam niya kaya siya nahilo at nahimatay. Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili dahil parang may nakayakap sa kaniya. Nang ibaling niya ang tingin niya sa mukha ng taong iyon ay ang maamong mukha ni Allysa ang tumambad sa kaniya. Ibig sabihin ay inalagaan siya ni Allysa nang magkasakit siya? Hindi siya nito pinabayaan?

Napansin niya na nakapikit ang mga mata ni Allysa at parang natutulog ito. Nakaramdam siya ng pagkailang habang nakayakap sa kaniya si Allysa. Ang lalo pa niyang ikinagulat ay tanging bra lang ang suot nitong saplot pantaas. Nakita niyang nakakumot sa katawan niya ang damit nito. Hinubad pa talaga nito para lang proteksiyonan siya sa lamig. Bigla siyang na-touch sa ginawa ni Allysa. Napakabait talaga nito at may malasakit. Maswerte talaga ang taong mamahalin nito. Napakaresponsable kasi nitong tao at napakapositibo pa nito. Dahan-dahan siyang gumalaw para magising ito. Naiilang na talaga siya sa pagkakayakap sa kaniya ni Allysa. Dumidikit kasi sa dibdib niya ang dibdib nito. Medyo nakikita pa niya ang umbok ng dibdib nito na hindi nasasakop ng cup ng bra nito.

"Hmm..." Ungot pa nito at parang tinatamad pa itong imulat ang mga mata nito.

"Allysa..." Mahinang tawag niya rito. Dahan-dahan namang iminulat ni Allysa ang mga mata nito at napangiti pa ito nang magtama ang mga mata nila. Napatingin siya sa maninipis at mapupulang labi nito. Bigla siyang nakaramdam ng kung ano sa katawan niya na hindi niya maipaliwanag. Parang gusto niyang sunggaban ang mga labi nito. Nagulat pa siya nang maunahan siya ni Allysa sa iniisip niya. Ito na kasi ang unang gumalaw palapit sa kaniya. Inilapit na nito ang mukha nito sa mukha niya at siniil agad siya nito nang halik. Napapikit pa ito habang ninanamnam ang ginawa nitong paghalik sa kaniya. Doon na rin gumalaw ang mga labi niya. Sinasabayan niya ang bawat galaw na ginagawa ng labi ni Allysa. Naging maalab ang halik na namamagitan sa kanila. Naglakbay na rin ang kamay ni Zach sa katawan nito. Hinubad nito ang bra nito at namangha siya sa tanawin na nakikita niya. Napakalaki kasi ng umbok ng dibdib ni Allysa. Mapupula rin ang mga nipples nito roon na parang walang bahid na nagalaw na iyon ng isang lalaki. Hinawakan ni Allysa ang ulo niya at muli siya nitong pinaharap sa gawi nito at muling hinalikan. Inaamin niya na labis siyang nalibugan sa ginagawa ni Allysa. Naramdaman na rin niya ang katigasan ng kaniyang alaga. Mukhang gusto na niyong sumabak sa matinding giyera. Kumunot ang noo ni Zach nang maramdaman niya na tumigil si Allysa sa paghalik nito sa kaniya. Bahagya pa nitong inilayo ang mukha nito sa kaniya at parang ino-obserbahan nito iyon.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya rito. Baka natauhan na ito sa ginagawa nila at narealized nito na hindi nila pwedeng gawin ang ganitong bagay dahil hindi pwede. At isa pa ay kaibigan din nito ang asawa niya. Baka nakonsensiya na rin ito. Pero siya? Nakokonsensiya ba siya? Oo, may konsensiya siya pero mapipigil ba niya ang sarili niya sa nararamdaman niyang libog? Naaakit kasi siya sa taglay na katangian ni Allysa. Sexy ito at kahit sino sigurong lalaki ay malilibugan talaga kapag nakasama ito sa isang isla na sila lang ang tao.

"Natatakot ako, Z-zach..." Parang kinakabahan na turan nito.

"I know mali ito... Alam kong asawa ko ang kaibigan mo pero... Pero may pangangailangan din tayo bilang isang tao. Pinapangako kong magiging lihim itong mangyayari sa atin---"

"I'm virgin!" Pagputol nito sa sinabi niya. Nanlaki ang mga mata na napatingin siya sa mukha ni Allysa. Nagulat siya sa sinabi nito. Tama ba ang pagkakarinig niya? Birhen pa ito at hindi pa nagagalaw ng sino mang lalaki?

Hindi alam ni Zach kung ano ang sasabihin niya. Bigla kasi siyang tinablan ng konsensiya. Hindi niya pwedeng galawin si Allysa dahil birhen pa ito at isa pa ay wala naman siyang pagmamahal na nararamdaman dito. Gusto lamang niyang ilabas ang kalibugan sa katawan niya. Gusto lang niya na may parausan siya. Hindi niya akalain na hindi pa pala ito nagagalaw ng lalaki. Hindi naman niya intensiyon na sirain ang dignidad nito bilang isang babae. Gusto lang naman niyang ilabas ang init na nararamdaman niya.

"I'm sorry, Allysa. Nadala lang ako." Akma na sana siya tatayo nang pigilan siya ni Allysa. Hinawakan nito ang kamay niya at iginiya nito iyon sa dibdib nito.

"This is all yours, Zach. Hindi ko naman hinihingi na mahalin mo ako. Ang gusto ko lang ay pagbigyan mo ako. Hinding-hindi ko pagsisihan ang gagawin ko. Alam kong mali ito. Pero ito ang gusto ko, ang paligayahin mo ako!" Ani Allysa habang hindi maalis ang pagkakatitig nito sa mga mata niya.


TO BE CONTINUED...

The Lust Affair (Book Two)Where stories live. Discover now