CHAPTER 5- Trapped

7.9K 84 3
                                    

Trapped
---oOo---

HINIHINGAL na nagising si Zach ng araw na iyon. Tagaktak ang pawis sa mukha niya at parang kagagaling lang niya sa mahabang pagtulog. Iginala niya ang kaniyang mga mata at ang nakangiting mukha ng isang babae na nakatunghay sa kaniya ang bumungad sa kaniya. Agad naman niyang nakilala ito.

"Allysa?" Kunot noo na tanong niya at agad na tumayo mula sa pagkakahiga sa pinatong-patong na dahon ng saging.

"Mabuti naman at nagising ka na. 'Eto kumain ka." Anito sabay alok ng hawak nitong parang prutas.

Hindi niya pinansin ang sinabi ni Allysa bagkus ay iginala niya ang tingin niya sa kinaroroonan nila. Nasaan tayo? Ano'ng lugar ito?" Sunod-sunod na tanong niya rito.

"Masyado ka namang exxagerated. 'Eto kumain ka muna at alam kong gutom na gutom ka na." Muli nitong inilahad ang hawak nitong prutas sa harap niya.

"Ang tanong ko ang sagutin mo, Allysa! Nasaan tayo? Ano'ng lugar ito?!"

"Okay, okay! Nandito tayo sa isang isla." Kaswal na sagot sa kaniya nito. "Okay na ba?"

"What? Ano naman ang ginagawa natin sa islang ito? Bakit tayo nandito?!"

"Hindi mo ba naalala ang nangyari? Nasunog ang cruise ship kung saan idinaos ang kasal niyo ng besfriend kong si Sam. Dahil sa nangyari ay lumubog ang crew ship at napadpad tayo sa islang ito. Akala ko nga ay kamatayan ko na pero nang magising ako ay natagpuan ko na lamang ang sarili ko na nakahiga sa may dalampasigan at sa hindi kalayuan ay nakita kitang nakahiga rin sa dalampasigan at walang malay."

"Ibig sabihin ay na trapped tayo sa islang 'to?!" Aniya.

"Ganoon na nga." bwelta nito sa kaniya.

"Kung ganoon ay kailangan nating humingi ng tulong." Akma na sana siyang tatayo nang matigilan siya ng magsalita si Allysa.

"Nagawa ko na iyan kanina pa. Naglagay na rin ako ng tatlong malaking letrang SOS para kahit papaano ay may makakaalam na na-trapped tayo sa islang 'to kung sakaling may dumaan mang sasakyan panghimpapawid sa islang 'to. Iyon kasi ang nakikita ko sa mga napapanood kong movies kapag nata-trapped ang isang tao sa isang isla."

Natigilan si Zach sa sinabi ni Allysa. Bigla niyang naalala si Sam. "E, si Sam nakita mo ba? Nasaan siya?" Tanong niya rito.

"Hindi ba't kayo ang magkasama ni Sam bago lumubog ang cruise ship?" Anito.

Pilit niyang inalala ang huling nangyari bago siya nawalan ng malay. At naalala niya ang huling ekensang nangyari bago siya nawalan ng malay.

"Nang makarinig kami ng pagsabog sa labas ng cruise ship ay agad naman akong lumabas para tingan kung ano ang nangyayari. Bigla namang sumalubong sa akin ang makapal na usok at wala na akong makita. Hinanap ko si Samantha pero nabigo akong makita siya at naramdaman ko na lamang na may matigas na bagay na bumagsak sa ulo ko at doon na ako nawalan ng malay." Pagku-kwento niya kay Allysa. Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya. Hindi niya alam kong nakaligtas ba si Samantha sa paglubog ng cruise ship.

"Ano na ang gagawin natin ngayon?" Tanong niya. Kailangan na nilang makaalis sa islang ito at para makahingi ng tulong para mahanap si Sam. Pero paano naman nila gagawin iyon dahil mukhang wala namang silang mahihingan ng tulong para maka-alis sa islang ito.

"I don't know. Sa tingin ko ay kailangan muna nating mag-survive sa islang ito. Kailangan nating mabuhay."

May point din naman ang sinabi ni Allysa. Kailangan muna nilang mag-survive. Kailangan niyang mabuhay sa islang ito. Sigurado siyang limatado lang ang pagkain sa islang ito at wala pa silang maayos na matutuluyan. Alam niyang may mababangis na hayop din sa islang ito kaya kailangan talaga nilang mag-ingat.

The Lust Affair (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon