CHAPTER 13- Who's That Girl?

8.1K 73 3
                                    

Who's That Girl?
---oOo---

PINANGAKO ni Samantha sa sarili niya na magiging mabuting may bahay na siya ni Abel. Ginagawa niya ang lahat para gampanan ang pagiging asawa niya rito. Kailangan niyang sundin ang lahat ng ibinibilin nito sa kaniya dahil alam niyang iyon ang makakabuti sa kanilang pagsasama. Halos isang buwan na rin ang nakakalipas nang ma-aksidente siya at magkaroon ng amnesia. Simula nang araw na iyon ay hindi na siya lumalabas ng bahay ng hindi alam ni Abel. Sa bahay lang siya at doon ay naghihintay sa pagdating ni Abel mula sa laot. Kapag nabo-bored siya ay inaaliw na lamang niya ang sarili niya sa mga gawain bahay katulad ng paglilinis. May mga maayos din naman silang gamit katulad ng kaldero at gamit sa pagkain. Naiku-kwento na rin kasi sa kaniya ni Abel na tuwing katapusan ng buwan ay lumuluwas ito ng bayan para bumili ng ilan nilang pangangailangan. Minsan nga ay iniisip niya kung paano kaya kung sa bayan na lamang sila manirahan ni Abel. Sigurado siya na mas magiging maayos at magiging madali ang pamumuhay nila roon. Hindi katulad dito sa isla na kahit kapitbahay ay wala sila. Ayaw naman niyang sabihin kay Abel kung gaano niya kagustong manirahan sa bayan. Alam niya kasi na hindi iyon papayag na roon sila tumira dahil inilayo nga siya nito sa pamilya niya dahil tutol ang mga ito sa relasiyon nila. Kahit na pinili niya si Abel kesa sa pamilya niya ay hindi pa rin niya maiwasan ang isipin ang mga ito. Hindi na nga niya alam kung ano na ba ang hitsura ng mga ito.

Matapos maglinis ng bahay ay mabilis siyang lumabas ng kubo para kunin ang mga nakasampay na mga damit nila ni Abel. Inilagay niya iyon sa papag at isa-isa niya iyong tiniklop at inilagay sa maayos na karton na lagayan ng mga damit nila ni Abel. Patapos na siya sa ginagawang pagtitiklop nang may napansin siyang isang bagay na nakasiksik sa ilalim ng mga nakatuping damit ni Abel. Dahil sa kuryusidad ay kinuha niya iyon at tiningnan. Isa iyong litrato ng isang babae. Nakangiti ito at kapansin-pansin ang kagandahan nito. Maaliwalas ang mukha nito na halatang masaya nang kunan ito ng litrato. Singkit ang mata nito at maputi. Kapansin-pansin rin ang suot nitong kwentas na may pendant na puso. Napatingin tuloy siya sa kwentas na suot niya. Parang magkahawig kasi iyon sa desenyo ng pendant na suot ng babae sa litrato. Baka nagkataon lang siguro iyon. Marami rin namang ganoong klaseng pendant na nabibili sa kung saan.

Kahit medyo kupas na ang litratong iyon ay hindi parin nababawasan ang ganda nito. Mukhang kumupas na yata iyon dahil nakatago lang iyon. Bigla siyang napa-isip kung sino ba ang babaeng iyon sa litrato? Kaanu-ano ba iyon ni Abel at bakit nakatago lang iyon sa lagayan ng mga damit nito? Nagulat na lamang si Samantha nang makarinig siya nang mga yabag ng paa na parang papasok sa loob ng kubo. Mabilis niyang ibinalik ang litrato sa ilalim ng mga nakatuping damit ni Abel. Agad naman siyang tumayo at nagtungo sa bungad ng pinto. Nanlaki ang mga mata niya nang si Abel ang bumungad sa kaniya. Bakit ang aga naman nitong dumating? Kapag kasi pumupunta ito ng laot ay tangghali na ito bumabalik.

"Bakit ang aga mo naman--" Hindi na naituloy ni Samantha ang sinasabi niya dahil nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. Duguan kasi ang kaliwang baraso ni Abel at sapo nito iyon para siguro pigilan ang pagdurugo.

"Diyos ko, Abel! Ano ba ang nangyari sa iyo?!" Bulalas niya at agad naman niyang inalayan ito na makapasok sa loob ng kubo. Pina-upo niya ito at tiningnan ang sugat sa braso nito. Walang humpay pa rin iyon sa pagdurugo kaya inuha ni Samantha ay may kalaliman yata ang sugat nito roon.

"Nadisgrasiya kasi ako. Tumaob kasi ang bangka na sinasakyan ko nang hampasin iyon ng malakas na alon. Tumama ang braso ko sa gilid ng bangka kaya ako nasugatan." Pagku-kwento sa kaniya ni Abel.

"Ano ka ba naman, Abel. Sinabi ko naman sa iyo na 'wag ka na lang pumunta ng laot kapag alam mong hindi maganda ang panahon. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa iyo. Mabuti na lang at iyan lang ang inabot mo. Paano kung napano ka?" Nag-aalalang turan niya.

The Lust Affair (Book Two)Where stories live. Discover now