CHAPTER 20 -Crazy Inlove

5K 60 8
                                    

Note: First of all i would like to say thank you in advance sa lahat ng nagbabasa at patuloy na nagsusubaybay ng TLA B2. Espisyal kayo sa akin mga readers ko dahil kung wala kayo wala rin may magbabasa nang gawa ko. Speaking of special, Espisyal din sa akin ang araw na ito dahil kaarawan ngayon ng inyong gwapong otor! Naks! Punta kayo mamaya rito sa bahay:) Iyan lamang po at happy birthday to me!!!

Crazy Inlove
---oOo---

BIGO si Zach na makita ang katawan ni Allysa sa may dagat kaya nagdesisyon na lamang siyang umuwi na muna sa kubo. Kailangan na lamang niya sigurong tanggapin ang nangyari rito. Iyon na nga siguro ang kapalaran nito.

Pagkarating ni Zach sa may kubo ay agad naman siyang napaupo sa may papag. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa bilis ng pangyayari. Kanina ay kausap pa niya si Allysa pero ngayon ay wala na ito. Inanod na ang katawan nito ng dagat. Ngayon ay parang inuusig na siya ng konsensiya niya sa lahat ng ginawa niya rito. Sana ay pinakisimahan na lang niya ito hanggang sa mailabas na nito ang anak nila. Pero sinadya na rin siguro na mangyari iyon para maitago ang ginawa nilang pagtataksil sa asawa niya at ang bunga ng ginawa nila.

Ngayon ay mag-isa na lamang si Zach. Ito na rin yata ang panahon niya para gumawa ng paraan para maka-alis sa isla. Ayaw niyang mabulok dito habam-buhay!

Nasa ganoon siyang posisyon nang bigla siyang may naalala. Nanaginip pala siya kagabi na buhay sI Samantha at nandito ito sa isla at nanganganib ang buhay nito. Kailangan niyang mahanap si Samantha! Sigurado siyang buhay pa ito.

Tatayo na sana siya nang may makapa siya sa pantalon na suot niya. Naalala niya ang kwentas na napulot niya kahapon sa bukal. Hinugot niya iyon mula sa bulsa ng pantalon niya at tinitigan ang pendant niyon. Hugis puso iyon. Sa dulo niyon ay may nakita siya na parang lock. Nang pindutin niya iyon ay bigla na lamang bumukas ang puso. Ang nangyari ay nahati iyon. May napansin si Zach na parang may nakasulat doon.

ILY SAMANTHA

Iyon ang mismong nakasulat doon. Parang pinasadya pa yata ng may-ari iyon. Ang ILY ay short cut iyon ng salitang I love you. Pero bakit may pangalan ni Samantha sa dulo? Kanino ba ang kwentas na iyon? Imposible naman na kay Samantha iyon gayong hindi naman niya nakikita na suot nito iyon. Baka kapangalan lang ni Samantha ang may-ari ng kwentas. Pero imposible naman na nagkataon lang iyon. At dito pa talaga sa isla?

Hindi niya malalaman ang sagot sa mga tanong niya kung tutunganga na lamang siya. Kaialngan ay may gawin siya. Kailangan niyang hanapin si Samantha!

---oOo---

UNTI-UNTING binubuksan ni Samantha ang mabibigat na talukap ng kaniyang mga mata. Iginala niya agad ang paningin niya sa lugar na kinaroroonan niya. Nasa loob siya ng kubo. Ang kubo kung saan nangyari ang pambaboy nang taong lumapastangan sa dignidad niya. Ang taong bumaboy sa kaniya ng paulit-ulit. Ngayon ay unti-unti nang naalala ni Samantha ang lahat. Mula sa nangyaring aksidente nang kasal nila. Nang masunog at sumabog ang sinasakyan nilang cruise ship hanggang sa mapadpad na siya sa islang ito. Nagka-amnesia siya. Iyon siguro ang epekto nang mahulog at mabagok ang ulo niya sa mabigat na bagay na binagsakan niya nang sumabog ang cruise ship na dina-usan ng kasal nila ni Zach. Iyon ang naging dahilan para makalimutan niya ang totoong siya. Pagkagising niya ay hindi na niya kilala ang sarili niya at isang nagngangalang Abel ang nagpakilala sa kaniya bilang asawa niya. At sinamantala ng taong iyon ang sakit niya. Pero nang may madiskubre siyang bagay na itinatago nito ay nabisto siya. Hinampas siya ng sagwan sa sentido niya ay at pagkagising niya ay muli na niyang naalala ang lahat.

Pinakiramdaman ni Samantha ang sarili niya. Mahigpit na nakatali ang magkabilang paa at kamay niya habang naka-upo siya sa may papag. Mahigpit ang pagkakatali sa kaniya kaya hindi niya masyadong maigalaw ang mga kamay at paa niya. Kahit ano’ng pagpupumiglas ang gawin niya ay wala pa rin iyong nagagawa.

The Lust Affair (Book Two)Where stories live. Discover now