CHAPTER 18- Like Mother, Like Daugther

5.2K 60 15
                                    

Like Mother, Like Daugther
---oOo---

DAHIL sa buntis si Allysa ay hindi na ito hinahayaan ni Zach na gumawa ng mabibigat na bagay. Ayaw niyang may masamang mangyayari kay Allysa. Kailangan talaga nitong mag-ingat. Mahirap na baka kung ano ang mangyari kay Allysa lalong-lalo na sa anak niya na ipinagbubuntis nito.

Kahit na labag sa loob ni Zach ay hinayaan na lamang niya na ipagpatuloy ni Allysa ang pagbubuntis nito. Wala na rin naman siyang magagawa kundi hayaan na lamang na iluwal ni Allysa ang magiging anak nila. No’ng una ay gusto talaga niyang mawala ang bata sa sinapupunan nito dahil natatakot siya na malaman iyon ni Samantha. Pero habang tumatagal ay narealized niya na mali pala talaga ang naisip niyang iyon. Isang inosenteng buhay ang kikitilin niya at alam niyang uusigin talaga siya ng konsensiya niya kapag ginawa niya iyon. Anak naman niya iyon. May pananabik naman siyang nararamdaman sa paglabas ng sanggol nila ni Allysa. Ganoon pala talaga siguro kapag magiging isang magulang ka na.

“Maiwan na muna kita rito. Mag-iigib lang ako ng tubig sa bukal.” pagpapa-alam niya kay Allysa.

“Sige. Pero mag-ingat ka, ha?” bwelta nito. Sa sinabing iyon ni Allysa ay parang nakaramdam siya ng malasakit. Parang si Samantha lang ito rati kung sabihan siya nito nang gano’n sa tuwing umaalis siya. Iyon ang isang bagay na nagustuhan niya kay Samantha noon. Napaka-sweet nito at maaalalahanin. Sa mga ganoong katangian siya lalong nahuhulog sa isang babae. Feeling niya ay napaka-importante talaga niya sa taong iyon.

“Salamat.” kaswal na sabi niya. Pinipilit niyang itago ang kilig sa sinabing iyon ni Allysa. Inaamin niya na kinilig siya sa sinabing nitong iyon.

Bitbit ang timba ay nagtungo na si Zach sa may bukal. Lumusong siya sa may bukal at kumuha ng tubig. Nang mapuno na ang timba ay itinabi niya muna iyon. Maliligo muna siya. Na-e-engganyo kasi siya na maligo sa malinis at malamig na tubig ng bukal. Napakalinaw niyon at nakikita pa niya ang mga bato sa ilalim niyon. Naghubad na siya at ng damit. Lahat ay hinubad niya. Tumalon na siya sa may tubig at naglalalangoy. Napakasarap talaga ng tubig sa bukal na iyon. Napaka-presko sa katawan. Manaka-naka ay sumisisid siya sa may tubig. Napadako ang tingin niya sa isang bagay na parang kumikinang sa ilalim ng tubig. Dahil sa kuryusidad ay sinisid niya iyon at kinuha. Pag-ahon niya ay agad niyang tinignan iyon.  Isa iyong kwentas na may pendant na puso. Sa hitsura ng kwentas na iyon ay parang hindi pa iyon matagal na nakababad sa tubig. Ibig bang sabihin niyon ay bago lang iyon na nahulog sa tubig. Napa-isip naman si Zach nang isang konklusiyon ang pumasok sa isip niya. Ibig sabihin ay hindi lang sila ni Allysa ang tao sa islang ito? May iba pa maliban sa kanila. At ang kwentas na hawak niya ang magpapatunay na may iba pang nakatira sa islang ito. Umahon na si Zach sa may tubig. Pinatuyo niya ang katawan niya gamit ang damit niya. Nang masuot na niya ulit ang mga damit niya ay inilagay niya sa maliit na bulsa ng pantalon niya ang kwentas na napulot niya sa may bukal. Itatago na muna niya iyon habang hindi pa niya alam kung sino ang nagmamay-ari niyon.

Pagkarating niya sa kubo ay nadatnan niya na natutulog si Allysa. Hindi niya alam pero parang may nag-uudyok sa utak niya na titigan ang maamong mukha nito. Tahimik lang itong natutulog doon. Napaka-aliwalas ng mukha nito. Hindi naman mapagkaka-ila na maganda naman si Allysa. Nahihinayangan nga siya dahil sa ginawa niya ay nasira na ang buhay nito. Marami pa sanang makikilala na lalaki si Allysa nang higit pa sa kaniya. Isang lalaki na magmamahal ng totoo rito. Pero nang dahil sa ginawa niya ay sinira niya ang bubay nito. Nakaramdam tuloy siya ng konsensiya sa lahat ng ginawa niya rito.

Ibinaling ni Zach ang tingin niya sa ibang direksiyon nang biglang gumalaw ang ulo ni Allysa at bumukas ang mga mata nito. Nabaling ang tingin nito sa kaniya.

“O, nandiyan ka na pala. Sandali lang at tutulungan na kita riyan.” Anito at tatayo na sana ito nang pigilan niya ito.

“Kaya ko na ito. Magpahinga ka na lamang diyan.” Aniya at inilagay na niya ang bitbit niyang timba sa may lagayan niyon.

The Lust Affair (Book Two)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon