CHAPTER 6- Initiative

7.2K 63 0
                                    

NOTE: Pasensiya na po sa mga typological at grammatical errors na nababasa niyo. Hindi kasi ako nakakapag-edit. Thanks!


Initiative
---oOo---

HALOS pigilan na ni Allysa ang kaniyang paghinga sa labis na tensiyon habang katabi niyang nakahiga si Zach sa loob ng ginawa nilang silungan. Kasya naman sa kanilang dalawa ang ginawa nilang silungan. Iyon nga lang ay hindi maiwasan ang pagdikit ng mga katawan nila. Nakatagilid ang posisyon niya habang nakatalikod siya sa gawi ni Zach. Hindi pa rin siya nakakatulog dahil ang awkward sa pakiramdam niya na magkatabi silang natutulog ng asawa ng kaibigan niya. Naiilang talaga siya. Lalo na't medyo nakadikit pa ang katawan nito sa kanyang likod. Nakatihaya ang posisyon ni Zach. Sigurado siyang tulog na ito dahil hindi na niya naramdaman ang paggalaw nito. Parang wala lang dito na magkatabi silang matulog samantalang siya naman ay naiilang.

Medyo maliwanag naman ang paligid na dulot ng sinag ng buwan kaya nakakatulong iyon para lumiwanag ang paligid. Mas mabuti ngang maliwanag dahil baka bigla silang atakihin ng mababangis na hayop sa islang iyon nang hindi man lang nila nararamdaman.

Pinilit ni Allysa na makatulog. Pero kahit ano'ng gawin niyang pagpikit ay gising na gising pa rin ang kaniyang diwa. Hindi talaga siya dinadalaw ng antok. Idagdag niya pa ang pakiramdam na katabi niyang matulog ang taong hinahangaan niya.

Nang hindi na makatiis si Allysa ay humarap siya sa gawi ni Zach. Baka kapag nag-iba siya ng posisyon ay makakatulog na siya ng maayos. Nagulat si Allysa nang pagpihit niya ng katawan niya paharap kay Zach ay nakita niyang gising pa ito. Nakatingin ito sa butas sa kesame ng ginawa nilang silungan na kasing laki ng kaniyang kamao. Titig na titig ito sa maliwanag at bilog na buwan.

Napapitlag pa si Allysa nang biglang pumihit ang ulo ni Zach paharap sa gawi niya. Sandaling nagtama ang paningin nila. Agad naman niyang ibinaling ang tingin niya sa ibang direksiyon. Naiilang kasi siya sa tinging iyon ni Zach.

"Hindi ka rin ba makatulog?" Tanong nito sa kaniya.

"Hindi, e." Tipid na sagot niya rito.

"Ikaw? Bakit gising ka pa?" Aniya.

"Iniisip ko kasi si Samantha. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kaniya. Kung buhay pa ba siya?"

Tama nga siya sa hinala niya. Iniisip nito si Samantha. Nakikita niya sa mukha ni Zach ang labis na kalungkutan. Sino ba naman ang masisiyahan kung hindi mo alam kung buhay pa ang taong mahal mo.

"Kahit nga ako ay nalulungkot din. Pero maswerte pa rin tayo dahil nakaligtas tayo sa trahedyang 'yon." Aniya.

"Wala rin namang saysay na nabuhay ako kung hindi ko rin naman makakasama ni Samantha. Sana ay nawala na lang ako para hindi ko na maranasan pa ang ganito. Hindi ko alam kung bakit hinayaan ng Diyos na magkahiwalay kami at mangyari ang lahat ng ito." Nararamdaman na niya ang paghikbi ni Zach. Umiiyak ba ito?

"Wag mong sabihing hinayaan ng Diyos na mangyari iyon. Alam kung may plano ang Diyos kung bakit niya ginawa iyon." Sagot ko sa kaniya.

"Plano? Ano'ng plano ang sinasabi mo? Ito ba ang plano niya? Ang iparanas sa akin ang panandaliang ligaya at agad naman niyang babawiin?" Bumangon na si Zach mula sa pagkakahiga. Naupo ito sabay pahid ng luhang naglalandas sa pisngi nito. Umiiyak na nga talaga ito.

Bumangon na rin siya at naupo sa tabi nito.

"Wala ka paring karapatan na pangunahan ang Diyos. Siya lang ang nakaka-alam kung bakit nangyayari ito." Pagpapaliwanag niya kay Zach. Hindi talaga nito matanggap ang paghiwalay nila ni Sam. Lalo na't walang kasiguraduhan kung nakaligtas ba ito. "Pinapangako ko sa'yo na tutulungan kitang mahanap si Sam. Basta't ang isipin muna natin ngayon ay kung paano tayo mabubuhay sa islang ito." Aniya. Gusto niyang ipaintindi kay Zach ang sitwasiyon nila ngayon. Medyo kumalma naman ito sa sinabi niya.

The Lust Affair (Book Two)Where stories live. Discover now