Chapter [80] Last Chapter

57 7 1
                                    

Chapter [80] Last Chapter

Sydney's POV

[After 1 year...]

"Male-late na tayo sa simbahan, anak!" Sigaw ni mama. "Nandoon na yung kuya mo."

"Wait lang, ma! I'm not yet ready!" Sigaw ko. Umakyat naman sya sa kwarto ko saka doon ako tinulungan mag-ayos.

"Nasaan ang ate mo? Naka-ayos na ba?" Nag-aalalang tanong nya. "Magsisimula na mamaya ang kasal, jusko." Sabi nya saka lumabas at dumiretso sa kwarto ni ate.

Lumabas naman ako ng kwarto ko at nasalubong ko si papa.

"Hi, pa!" Bati ko. Ngumiti sya sa akin. "Ang astig ng suot natin ngayon, ah!" Puri ko sa suot nya.

"Thank you, sweetheart. Nasaan na pala si Kean?"

"Ewan ko don, pa. Wala pang text eh." I pouted. Inakbayan nya naman ako.

"I'm happy for you, Sydney." Ngumiti ako sa kanya.

"Thank you papa." I hugged him.

"Hay nako! Dalian nyo nga! At ikaw!" Biglang sigaw ni mama saka tinuro si papa. "Magda-drive ka pa."

****

Kakarating lang namin sa simbahan. Don't get me wrong, ah. Hindi ako ang ikakasal. Si Kuya. HAHAHAH!

Pumasok na kami sa simbahan at nasalubong namin si Kuya na kinakabahan.

"Anak? Are you nervous?" Natatawang tanong ni papa kay Kuya. Sinuklay naman ni kuya ang buhok nya gamit ang kamay nya.

"W-what if she run away from me?" Kinakabahan na tanong nya.

"Hindi yan, Kuya! Hahahaha! Napaka-nerbyoso mo naman?" Biro ko pero sinamaan nya ako ng tingin kaya nag-peace sign naman ako.

Sa kalayuan, nakita ko naman si Kean na nakatingin din dito sa amin. Kaya nagpaalam muna ako kila mama at papa na pupuntahan ko muna sya.

"Hi bebeeee." Bati ko sa kanya saka kinurot ng pisngi nya.

"Sabing wag mo akong tatawagin ng ganyan, eh." Sumimangot sya pero ngumiti din kalaunan. "Ang ganda mo naman?" Inirapan ko sya.

"Napaka bolero mo, alam mo yun? By the way, anong oras ka dumating dito?" Pagbabago ko ng usapan. "Tsaka akala ko susunduin mo ako!"

"Sorry babe. Nasiraan ako kaya nakapag-commute lang ako kanina. Akala ko nga male-late ako, eh." Sagot nya.

"Pero hindi ka man kang nag-text? Edi sana nakasabay ka sa amin, diba?" Sabi ko saka inipit ang buhok ko sa likod ng tainga ko.

Hindi na sya nakasagot dahil ang sabi ng announcer ay magsisimula na daw ang kasal. Umayos na naman kami dahil maglalakad din ako sa aisle!

At syempre partner ko 'tong bebe ko. Hehehehe> _ <

****

"You may now kiss the bride." Sabi nung pari. Dahan dahan namang tinaas ni kuya ang belo ni Ate Lauren saka nya ito hinalikan. Nagpalakpakan naman kami after that.

Hindi ko alam na sila ang magkakatuluyan sa huli! Ang strong ng relationship nila❤️

At yung mukha ni Kuya?

Nako! Hindi ko maipaliwanag dahil umiiyak sya ngayon! Parang tears of joy ba. Syempre pinupunasan naman ni Ate yung luha nya. Ang sweet namern.

****

[Reception]

"Okay na yan, jusko." Pinigilan ko ang kamay ni Kean dahil sobrang dami na nyang nilalagay sa plato ko. Nakaka-bwisit. Nagpapapayat nga ako eh!

"Eat more." Sinamaan nya ako ng tingin pero mas sinamaan ko ang tingin ko sa kanya.

"I'm gaining weight kaya. Ayoko ng mataba, alam mo yan." Sabi ko. Nakita ko ang pag-ikot ng mga mata nya.

"Are you doing this for other guys? Nagpapa-sexy ka ba? Para kanino yan? Uupakan ko."

"Nako, ang OA. Para sayo to, tanga." Sabi ko saka umirap. "Okay na itong pagkain ko. Ang sayo nga ang konti, eh. Yang mga kinukuha mo, ilagay mo sa plato mo."

"Whatever."

"Ano?" Napatingin ako sa kanya pero hindi nya ako pinansin. "Bahala ka dyan." Sabi ko saka kumain nalang. Hindi ko sya papansinin.

"May we call all the single girls out there?" Napatingin ako sa host. "Ihahagis na ng bride ang flowers nya!" Anunsyo nya pa. "Come on, single girls wag na kayong mahiya." Tumingin muna ako kay Kean bago tumayo. Bahala sya dyan. Single ako pramis! *cough*

Isa ako sa mga nakatayo doon! Naghihintay ihagis ang bulaklak. I want flowers! Akin yan mapupunta, HAHAHA.

"In a count of three! One! Two! Three!" At hinagis na ang bulaklak. Good thing, nasa gitna ako kaya naman ako ang nakakuha!! Yaaass!

Tumingin sa akin si Ate Lauren saka nag-thumbs up. "Good job." She said. I smiled.

After that, umupo na ulit ako sa upuan ko at kumain ulit. Nararamdaman ko ang titig ni Kean pero hindi ko sya pinapansin.

"Calling all the single mans out there!" Without a second, tumayo agad sya! Anak ng tinola, gumaganti!? Bahala ka dyan!

Sa huli, sya ang naka-kuha ng garter.

"Ngayon, tinatawag ko ang nakakuha ng flowers at ng garter! Please proceed here."

Ako ang unang tumayo at umupo sa upuan na nandoon sa gitna. Sumunod naman si Kean na nakabusangot ang mukha gaya ko.

"Sir, isusuot mo po sa legs ni ate girl ang garter na yan." Sabi nung host pero hindi naka-mic.

"Yeah, I know." Sabi naman ni Kean saka lumuhod na. Sinimulan nya nang ipasok sa binti ko yung garter. Nung una, hanggang binti lang pero umabot sa tuhod!! Waahh!!

"Upper!" Sigaw nung crowd kaya lumampas na sa tuhod ko ang garter! Anak ng tokneneng.

"Woi tama na." Sabi ko na ikinatigil nya. Tumingin sya sa akin saka tumayo.

"Ayaw na ni ate girl, guys! Sorryy." Paumanhin nung host. Kaya naman after that, umupo na kami sa upuan namin kanina.

"Usap tayo sa labas." Nagulat ako dahil seryoso sya. Tumango ako kaya naman tumayo din sya at lumabas na. Hindi man lang ako inalalayan? Babaw naman nun?

"Uy." Kalabit ko sa kanya dahil nakatalikod sya sa akin. Nasa likod kami ng venue. Humarap sya. "Ang babaw mo naman?"

"Bat ka tumayo nung sinabing single girls? Hindi ka naman single ah?" Mahinahong tanong nya pero yung mga mata nya, ang talim tumingin.

"Ikaw rin naman ah?"

"Kasi, ikaw nauna."

Hindi ako nakasagot kaya naman yumuko nalang ako. Pero maya maya, yinakap nya ako.

"Alam mo ba ang ibig sabihin non?"

"Ano?"

"Tayo na daw ang susunod na ikakasal."

"Sus nagbibiro ka ba?" Sabi ko.

"Hindi. Ayaw mo ba?"

"Hindi naman sa ganon..."

"Eh ano lang?" Hinarap nya sa kanya ang mukha ko.

"Wala."

"Someday, ikakasal din tayo babe. Let's just wait." Ngumiti sya sa akin saka yinakap ulit ako. "I love you."

"I love you too."

****

A/N: Ayan na syaaa!! Waahh!! Ang korni koooo ewww😆 Pero maraming salamat pa rin dahil naa-appreciate nyo ang gawa ko! ❤️ Sorry sa mga wrong grammars at spelling haaaa? Bata palang po kasi ako, eh. But I'll revise this story, I promise❤️ Abangan nyo nalang ang Epilogue haaa?? Halabyu ol❤️

I'm InLove with a Superstar Where stories live. Discover now