Chapter [38]

63 9 1
                                    






Chapter [38]

Sydney's POV

Bakit kaya nandito yung sinungaling na yon? Aish! Mabuti pa na wag ko na syang isipin.

Dumiretso ako sa may dagat at nakita ko pa rin sila Ara at Audrey na nagtatampisaw pa kaya umupo ako sa may bench.

"Sydney! Halika na dito oh! Ang lamig ng tubig! Ang sarap!" Pag-yayaya sakin ni Ara. Nginitian ko lang sya at tumingin sa malayo.

Sabi nya, nandito daw sila para sa shooting so ibig sabihin nyan, nandito din si Cheska? Bakit hindi nya kasama?

At bakit ko ba yon iniisip?

"Hello?! Ano ba Yang iniisip mo Sydney?" Sabi ni Audrey.

Bakit sya nandito sa resort, eh diba shooting lang pinunta nila dito?

"EARTH TO SYDNEY!!" Nagulat ako kasi nasa harapan ko na sila Ara at Audrey.

"Ano? Bakit? Saan?" Natataranta Kong tanong pero tinawanan lang nila ako.
Anong nakakatawa?

"Hahahaha! Bakit ka natataranta? Tsaka, anong iniisip mo?" Tanong ni Ara sa akin. Umiling ako. Dapat hindi ko na yon iniisip.

"Wala yon. Wag nyo na akong intindihin. Mag-swimming na kayo Dali!" Sigaw ko sakanila.

"Sumama kana kasi!" Pagpupumilit ni Ara sakin pero pinigilan sya ni Audrey.

"Wag na, may trauma yan si Sydney sa dagat." Ow, diba? Alam ng bff ko. Hihi.

"Ah, ganun ba? Okay sige." Sabi ni Ara at tumakbo na papunta sa beach.

***

KUMAKAIN ako ngayon mag-isa sa dining area dito sa bahay. Eh kasi naman, sila Kuya at Ate, natutulog na si Ara at Audrey ganon din. Napagod silang dalawa kaka-swimming eh.

Pagkatapos ko kumain, nanood muna ako ng TV at umupo sa upuan. Hays, mami-miss ko ito! Bakit ba kasi ang bilis ng araw? Aalis na ako bukas. Aish!

Dapat ngayon, nag-sasaya ako. Dapat ngayon, nagba-bonding kami, dapat ngayon, party party dapat. Eh ano na? Mga pagod eh. Si Ate, napuyat. Si Kuya, napagod kasi nag-drive. At sila Ara at Audrey, napagod magswimming. Hanuna?

Lumabas nalang ako at naglakad-lakad sa may beach side.

[Now playing : Torete - Moira]

Gabi na kasi kaya mahangin. Ngayon ang last night ko dito so, dapat mag-enjoy ako ngayon kahit ako lang mag-isa.

Sandali na lang, maaari bang pagbigyan. Aalis na nga, maaari bang hawakan ang iyong mga kamay, sana at maabot ng langit. Ang Yong mga ngiti, sana at masilip.

Umupo ako sa may bench side. Pinagmasdan ko lang ang mga stars sa langit. Ang ganda nila.

Wag, kang mag-alala, di ko ipipilit sayo, kahit na, lilipad ang isip ko'y torete sayo...

Napabuntong hininga nalang ako. Ang lamiiiig! Brrr. Ang ganda din ng dagat! Yung waves! Huwaw. Ang ganda talaga ng view dito.

Ilang gabi pa nga lang, hang tayo'y pinagtagpo. Na parang may tumulak nanlalamig, nangingilig na ako, oh, akala ko nung una, may bukas, ang ganito.

Tumayo ulit ako kasi ang lamig talaga! Pumasok ako sa bahay at kinuha ang sweater ko. At lumabas ako ulit. Haha. Ang lamig eh. Tapos ayoko pang iwanan ang nasa labas kasi ang ganda ng view. Ang ganda pala dito pag gabi. Kasing ganda ko. Haha!

Mabuti pang umiwas, pero salamat na rin at pinagtagpo...

Umupo ulit ako sa bench nang may marinig akong mag- 'psst' sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko si Kean. Bakit ba sya nandito? Sumusunod sya sakin noh?

Torete (3×) ako torete (3×) sayo. Oh. Torete (3×) sayo. Oh. Wag, lang mag-alala, di ko ipipilit sayo kahit na lilipad, ang isip ko'y torete sayo oh. Torete sayo.

"Anong ginagawa mo dito?" Nakataas na kilay Kong tanong sakanya. Umupo sya sa tabi ko kaya napa-usog naman ako ng konti.

"Bakit? Masama bang mag-gala?" Inirapan ko nalang yung sagot nya. Nakakainis ah. "Balita ko, bukas na daw ulit yung alis mo ah?" Tanong nya sakin. Nagulat naman ako don. Paano nya malaman?

"Kanino galing yan? Paano mo nalaman?" Tanong ko sakanya. Pero hindi pa din ako tumitingin sakanya.

"Hindi na mahalaga yun." Sambit nya. "Pwedeng favor?" Tanong nya. Doon na ako napatingin sakanya.

"Ano yon?"

"Pwedeng maging tayo kahit ngayong gabi lang?" Natigilan ako sa sinabi nya. "Okay lang kahit wag na." Sabi nya at yumuko.

Ngayon lang naman eh. Kahit ngayon lang. Isang gabi lang Sydney.

"O-okay lang... Sige." Sabi ko nang nakangiti na sakanya.

"Talaga? Thank you Sydney." Sabi nya. "Pwede ba kitang yakapin?" Sus, nagpaalam pa sya. Tumango nalang ako at niyakap nya ako agad.

Niyakap ko nalang ulit sya. Na-miss ko sya I admit.

"Pwede tayong mag-picture? For remembrance lang babe.." Sabi nya. Babe? Huwaw. Sige, push mo yan. Nilabas nya ang phone nya at binigay nya Sakin. "Ikaw na ang maghawak."

"Sige, one.. Two... Three..."

"Thanks Babe." Sabi nanaman nya.

"Wow ah, pi-nush mo talaga yan ah?" Natatawang sabi ko.

"Bakit? Ngayon ka lang naman magiging akin eh. Kaya, sinagad ko na." Sabi nya sabay hawak sa kamay ko. "Tara, Babe. Dun tayo." Sabi nya at hinila nya ako sa may puno.

"Ano namang gagawin natin dito?" Naguguluhang tanong ko sakanya. Kumiha sya ng marker at nagsulat sa may puno.

Kean

Sydney
Forever

"Ayan. Forever yang nandyan. Kapag, hindi pinutol Yang puno." Natawa naman ako sa sinabi nya.

"Alam mo? Ayos ka rin eh." Sambit ko sakanya. Pero hinawakan nya yung kamay ko.

"San mo gustong pumunta? Wag ka nang mag-swimming ah? Malamig na masyado. Tsaka, ayokong may tumitingin na iba sayo. Ako lang." Sabi nanaman nya. Waw talaga. Kahit ngayong gabi lang, parang totoo ang mga sinasabi nya.

"Sus, pwede ba yun?"

"Oo. Sa US, wag kang masyadong magpaganda ah? Papakasalan pa kita." Nagulat ako sa sinabi nya. Diba, ngayong gabi lang?

"Teka--- " Pinutol na nya agad ang sasabihin ko.

"I love you..." O.o That three words. Bakit nya sinasabi yan sakin?

"Kean--" Pinutol nanaman nya ako. Talagang hindi nya ako pinagsasalita ah?

"Kahit ngayon lang. Masabi ko sayo tong nararamdaman ko. Sydney, I love you. Kahit ilang beses mo pa ako pinatatabuyan. Kahit wala kang nararamdaman sakin, kahit ayaw mo na sakin, mamahalin pa din kita." Sabi nya at niyakap nya ako.

"Wag mo akong kalimutan. I will still love you hanggang sa kaya ko. I'll miss you. Goodbye..." Sabi nya sakin. I think, that was the last words na maririnig ko galing sakanya.





I'm InLove with a Superstar Where stories live. Discover now