Chapter [24]

60 8 0
                                    

Chapter [24]

Sydney's POV

Kanina pa sya text ng text at tawag ng tawag pero hindi ko yun pinapansin. Oo, nagtetext at tawag na sya sakin. Siguro, nalaman nya na pinatalastas na ang trailer film nila.

Medyo nasasaktan ako kasi... Syempre, ang ganda nung leading lady nya na Cheska ang pangalan. Grabe, dapat proud pa nga si Kean na magiging kapareha nya si Cheska. Balita ko, ang galing nyang umarte talaga.

Naging fan nya din ako dati kasi super galing nya talaga to the highest level.

"Sydney, sagutin mo na nga Yang tumatawag sayo na yan. Kanina pa yan eh." Naiirita na sabi ni Kuya. Pinatay ko nalang ang tawag at
Si-nilent ko yung phone ko.

"Sino ba yun? Bakit ayaw Mong Sagutin?" Tanong ni Kuya. Btw, nasa hapagkainan kami ngayon. Si Ate, ayun, buti minsan nakakausap na sya. Katabi ko nga sya ngayon eh.

"W-wala to Kuya. Isang makulit ko lang na classmate." Palusot ko. Tumango lang si Kuya. Pero hindi nagtagal yun nang magsalita si Ate.

"S-si K-kean yan n-noh?" Oppss.. Paktay tayo dyan. Ang ingay ni Ate. Pinandilatan ko lang sya ng mata.

"Kean? Is that the guy whos courting you?" Tanong nanaman ni Kuya. WHT?! Paano nya nalaman? "Audrey said to me." Bwisit Yang si Audrey!

"A-ahm... A-ano kasi k-kuya...." Uh! Anong sasabihin ko?! Speak up Sydney speak up!

"What? Are you two fighting? Diba nililigawan ka nya? Bakit kayo nagaaway?" Tanong ni Kuya. Akong sasabihin ko? Ugh!

"Wala to Kuya." Sabi ko pero sadyang makulit lang talaga ang kapatid ko.

"Really huh? Bakit mukha kang problemado?" Tanong NANAMAN ni Kuya. Umiwas lang ako ng tingin.

"Kuya, drop this topic. Akyat lang ako." Sabi ko at umakyat na. Hindi ko na natapos ang pagkain ko kasi nawalan na ako ng gana.

Arth's POV

"Faith, may alam ka bang problema ng kapatid natin?" Tanong ko kay Faith pagkaakyat ni Sydney.

"W-wala n-naman Kuya. H-hindi kasi
N-nagsasabi kahit sakin eh." Paliwanag nya.

Napabuntong hininga nalang ako. Siguraduhin lang non ng Kean na yun na hindi nya sasaktan ang kapatid ko kung hindi baka mapatay ko sya.

Kean's POV

Fvck! This is frustrating! Hindi man lang sinabi sakin ni Manager Manny na pinatalastas na pala ang pagbabalik ko sa showbiz! At ang malala pa nyan, nakita pa yata ni Sydney yon!

Ni hindi ko pa nya sinasabi sakanya ang tungkol dun eh! Ugh! Fvck talaga! Bakit naman kasi ganito?

"Sir Kean! Manager Manny is looking for you." Eto na nya ba ang sinasabi ko! Magiging busy na ako. Nilingon ko yung babaeng tumawag sakin.

"Pwede pakisabi wait lang?? Tsaka akala ko ba after 1 week pa magshoshoot?!" Naiinis na sabi ko. Napaatras naman yung babae.

"Uhm, s-sorry po S-sir. Pag h-hindi po kita t-tinawag magagalit po sakin yun eh." Nauutal na sabi nya. Ugh! Why is my life has to be like this?

"Sige sige. Sabihin mo papunta na ako." By the way, nandito pala ang sa lobby ng opisina ni Manager Manny. Eh kasi naman, may nagto-tour sakin dito. Ewan ko kung kailangan pa yun! Pero sabi nung nagto-tour sakin, mag-ccr lang daw sya. Pero after 20 mins. Wala pa sya!

"Sige po." Sabi ng babae at umalis na. Tinext ko naman si Sydney.

To Sydney : Sydney, talk to me plz. Makipagkita ka sakin sa park kung saan tayo nagdinner dati. I'll wait for you there. Hindi ako aalis hanggat hindi kita nakikita. 7:00 pm. I love you... 💗

Sent.

Syempre pagkasend ko non, pumunta na akong office ni Manager Manny.

"There you are Kean." Bungad nya sakin pagkabukas ko ng pinto. "Have a seat." Tinuro nya ang upuan kaya umupo ako.

"Why are you looking for me? Look, may nagtotour sakin dito." Sabi ko. Pero Alam nyo naman na palusot lang yun. Umuwi na yata ang nagtotour sakin eh! Tumakas. Akala ko magccr lang.

"Oh c'mon Kean. Wala na yun. Pinauwi ko na." Sabi nya. The fvck! Halatang nagpapalusot ako!

(A/N : Sorry for too much curses. Just ride on it. Lol)

"Bakit moko pinapunta dito?" Tanong ko nalang. Natawa naman sya.

"Cheska wants to meet you. NOW." Sambit nya. Medyo nagulat ako sa 'NOW' nya ah.

"What time?" Tanong ko naman sakanya. Tinignan nya naman ang relo nya saka bumaling ulit sakin.

"At 7:00 pm." Say what?! Paano ko kikitain si Sydney?

"Ngayon talaga? Hindi ba pwedeng bukas? Sa makalawa? Or sa set nalang?" Tanong ko at umiling sya. Sht!

"She wants tonight. She's going to be busy tomorrow so she decided to meet you tonight." He said. Napabuntong hininga nalang ako.

"Okay." Sabi ko. Wala na akong magagawa. Kapag tumutol ako, baka tanggalin nila ako sa showbiz. Ayoko namang ganun. Paano ang pamilya ko kung mawawalan ako ng trabaho? Lalo na ngayon at ipapakilala ko si Sydney sakanila. Pero paano ko gagawin yun kung galit sya sakin?

Sydney's POV

Nagtext NANAMAN sakin si Kean na magkita kami sa park ng 7:00 pm pero ngayon, cancel na. Ano bang problema?

"Girl, kanina kapanatingin sa phone mo ah? Any problem?" Tanong ni Audrey sakin. Nandito nya pala kami ngayon sa cafe malapit sa village namin.

Wala naman akong magawa sa bahay kaya nakipagkita nalang ako Kay Audrey.

"Si Kean yan non?" Tanong nya kaya tumango ako. "Hays girl, these past few months, parang ang dami nyong problem. What's happening ba in the world?" Tanong nya then she sipped on her drink.

"Ewan ko rin eh." Sabi ko sabay hilamos ng palad ko sa mukha ko. "Dati naman maayos kami. Tapos ngayon hindi ko pa nga sya sinasagot kasi nga diva nililigawa nya ako? Ewan ko lang kung hanggang ngayon nililigawan pa din nya ako. Ewan ko kung nagback out na sya. Ang tagal nang panahon yun eh." Sabi ko. Tumabi sya sakin at hinagod ang likod ko.

"Girl, nandito lang ako para sayo. Hindi kita iiwan kahit anong mangyari." Sabi nya sakin sabay yakap.

Sana lang talaga maging maayos. Hindi ko Alam kung hanggang saan aabot ang problema na to. Sana naman hindi na magtagal...



I'm InLove with a Superstar Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt