Chapter [47]

58 6 0
                                    

Chapter [47]

Audrey's POV

"X-xander?" Yep, si Xander nya ito. Nagulat din sya nang makita ako.

"Oh, long time no see?" Medyo nag-aalangan pa talaga syang sabihin yon sakin. Ngumiti lang ako sakanya. Sya yung unang crush ni Sydney dito. Hays, na-miss ko tuloy agad ang bruha. :(

"He-he-he." I awkwardly laugh. "Ikaw lang mag-isa? Wala kang kasama?" Tanong ko.

"Hindi. Kasama ko si Tyler. May binili lang sya." Sambit nya. Tumango ako. Sakto naman na may dumating.

"Hey, Xander!" Napatingin ako sakanya. Ow! Si Tyler. Wow naman. Ang laki ng pagbabago nya ah? Wahahaha! Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kasama nya.

"Ara?" Ngumiti ito sa akin at pinagmayabang ang dala nyang ice cream. Tss. Kaya ko namang bumili nyan!

"Magkakilaka kayo?" Tanong ni Tyler.

"Eh? Sya yung kasama ko dito eh." Sabi ko sabay turo Kay Ara.

"Really? I accidentally bumped her so, I just treat her." Hala! Nagkabungguan din sila?! What a scene. Parehas pa kami.

"Really huh? Kami rin ni Audrey eh." Sabi ni Xander. Tumango nalang silang dalawa.

"Anyway, may kasama pa ba kayong dalawa?" Pag-iiba ko ng topic.

"Kami? Wala ah. May pinuntahan si Bebe Tony ko kaya Hindi sya kasama. Si Kean naman, may taping." Pagpapaliwanag ni Tyler. Kahit kailan, ang daldal ng lalaking ito.

"Kung ituloy nalang natin ang paguusap natin sa restaurant? Gutom na kaya ako." Napatingin kami Kay Ara nang magpout ito. Ako rin, gutom na.

"Oh yes, Xander's treat." Sabi ni Tyler sabay akbay Kay Xander. Nanlaki naman ang mga mata ni Xander.

"Hoy, may anak ako no. Walang panggastos. Ikaw nalang!" Sigaw nya. Oo nya pala, may anak na sya. So sad. Mukhang may crush pa naman si Ara sakanya. Nang tumingin ako Kay Ara....











Halos lumuwa ang mga mata nito habang kagat-kagat ang cone ng ice cream.

***

"So, what's up?" Umpisa ni Tyler ng usapan. Nasa isang MAMAHALIN na restaurant kami dinala ng dalawang ugok na ito. Syempre, mga artista na eh.

"Anong 'what's up?'" Tanong ko.

"Ano na? Ano nang nangyari sa life nyo? May mga love life na ba kayo?" Panunukso pa ni Tyler. Si Xander naman, busy na sa phone nya.

"Wala pa noh!" Sabi ni Ara sabay hampas sa braso ni Tyler. Medyo ngumiwi naman si Tyler sa ginawa nya. Wahahaha! Para nang napilitan pa sya kasi si Xander naman talaga ang gusto nya pero, may anak na sya. Aww. Poor Ara. :(

"Okay? What do you want guys?" Tanong ni Xander. Hindi naman makatingin si Ara Kay Xander.

"Kahit ano na." Sabi ni Ara. Pero Alam ko, may binulong pa sya pagkatapos nyang sabihin yun.

"Ikaw, Audrey? What do you want?"

"Kahit ano na rin. Hindi naman ako mapili sa pagkain." Sambit ko at uminom ng water.

Tumango sya at umalis na. Napatingin ako kay Tyler na nakanguso. "Oh? Bakit ka nakanguso?" Tanong ko.

"Kasi, hindi man lang nya ako tinanong kung anong gusto ko." Sambit nya. Aww oo nga. Wahahah.

"Napaka-isip bata mo, Tyler." Natatawang sambit ko.

"Yeah, pati face ko. Baby face. Wahahaha!" Sabi nya at tumawa. Baliw na to.

"Joke ba yun? Sabihin mo naman please? Para mahanda ko sarili ko na tumawa." Sabi ko. Sumimangot naman sya. Parehas naman naming napatingin Kay Ara na busy na sa phone nya.

"Psst, huy. What are you doing? Manners please? May ibang Tao sa harap mo tapos sa phone ka nakatutok." Bulong ko sakanya. Tumingin sya sa akin at ngumiti. Tinago nya naman ang phone nya sa pouch nya.

"Sorry." Sambit nya. Sakto naman na dumating na si Xander kasama si......

"What's up guys?"

"Bebe Tony!" Sigaw ni Tyler at niyakap si Anthony. Baliw na yata to. Wahahha!! Kanina pa to ah. Hyper!

Natigilan ako nang may lumabas pa sa likod nya. Si Kean.

Ano to? Reunion? Tss.

"Pwede ba? Tigilan mo na ako Tyler." Pagbabanta ni Anthony. Umupo sa tabi ko si Xander at sa harap naman naming silang tatlo. Si Ara nasa kabilang side ko.

"Xander, did you call them? Pinapunta mo ba sila dito?" Bulong ko sakanya. Mahina syang tumawa.

"Nope. Pupunta talaga sila dito. Gaya ng Napag-usapan namin." Tumango nalang ako sa sinabi nya. Dumating ang waiter at nilapag ang order namin.

Binigay naman sa akin ni Xander ang pagkain ko. Ngiti nalang ang isinukli ko sakanya.

Nag-umpisa nalang kaming kumain. Medyo awkward ah? Bakit pa kasi kami sumama sakanila?

"Uh, guys, alam nyo bang may girlfriend na yan si Kean?" Napatingin kaming lahat Kay Tyler nang sabihin nya 'yon. Really? May girlfriend na sya? Ang kapal ng mukha nyang kalimutan agad si Sydney?

"What? No! Wala pa." Sambit naman ni Kean saka umiwas ng tingin.

"Weh? Paano si Cheska?" Tanong ni Anthony. Tumigil naman sya sa pagkain nya.

"Pwede ba? Wag nyo akong siraan. Wala kayong alam okay? Better shut your fvcking mouth." Sambit ni Kean sabay labas. Nagkatinginan kaming lahat.
Napa-iling nalang ako. Nagbago na talaga sya.

"Sorry for that girls, simula nang mawala kasi si Sydney, nagka ganyan na sya." Pagpapaliwanag ni Xander. Napabuntong-hininga nalang ako.

***

"So, ito pala ang bahay mo?" Tanong ni Xander Kay Ara. Pagkatapos kasi namin kumain, sabi ng mga boys na ihahatid daw nila kami. Ngayon, si Ara ang inuna nila.

Nakita ko naman na namula si Ara. Tsk! BINGO crush nga nya si Xander.

"O-oo. Sige, thanks sa paghatid." Sambit nya. Ngumiti sya sa akin at lumabas na ng kotse.

"Next," Sabi ni Tyler.

"Huh?"

"Nevermind."

"Whatever."

Nagtawanan naman sila sa sagutan namin ni Tyler.

Ang gulo nya.

"Sabi ko kasi, 'next' that means, ikaw naman ang ihahatid namin." Pagpapaliwanag nya.

"Oo nalang? Ang daldal mo." Sambit ko. Natawa sya ng mahina.

"I know. Dati pa." Stupid answer.

"Pagpasensyahan mo na si Tyler, Audrey ah? Nababaliw na yan eh." Sabi ni Anthony.

"Tumahimik ka Bebe Tony ko. Hahalikan kita dyan." Lumaki naman ang mga mata ni Anthony nang sabihin yon ni Tyler. Natawa nalang ako.

"Fvck you, bro." Sambit nya ngunit mahina lang.

"Tahahaha! Pikon si Bebe Tony."

"Dyan nalang ako, Xander. Thanks." Sambit ko at akmang aalis na nang hawakan ako ni Tyler.

"Wala ka man lang thank you?" Tinaasan ko naman sya ng kilay.

"I said 'thanks' okay? Ang daldal mo lang na Hindi mo yon narinig." Sambit ko at umalis na.

💗💗💗

A/N : Happy birthday Kai, from exo! We love you! ♡♡😍😘🎂🎂. 01-14-18

-Heartspring

I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon