Chapter [9]

105 10 0
                                    

Chapter [9]

Sydney's POV

Ngayon. Ngayon na ang presentation namin ng sayaw. Sa totoo lang, kinakabahan ako. Baka hindi magustuhan ng ibang tao ang 'kissing scene' namin ni Kean. Lalo na ngayon na maraming fan girls sya. Baka sugurin ako. Parang.... Parang gusto kong magback-out.

"Sydney, parang namomoblema ka?" Tanong ni Ara. Kasama ko sya sa sayaw.

"Ah, wala toh. Kinakabahan lang ako." Ngumiti sya saka hinawakan ang balikat ko.

"Don't be. Alam ko na iniisip mo ang kissing scene nyo ni Kean. Baka hindi magustuhan ng ibang tao diba? Am I right?" Tumango ako. "Ako ang bahala sa mga yan kapag sinugod ka nila." Nakangiting sabi parin nya.

"Thanks Ara.." Ngumiti ulit sya saka umalis. Hayz, ngayon medyo nabawasan ang kaba ko.

***

Waaahh!! 1 hour nalang, simula na! Gosh! KINAKABAHAN AKOOO!!! Siguro ngayon, ang panget kona.

"Beh, smile. Alam kong kinakabahan ka." Nakangiting sabi nung baklang nagmemake up sakin.

"Paano nyo po nalaman?" Ngumiti sya tsaka nilagyan nya ako ng lip balm.

"Syempre, problemado ka tapos, hindi kapa nakasmile." Tumango ako. "Balita ko, ikaw daw ang hahalikan ni Kean?" Tumango ako.

"Opo. Bakit po?" Sumimangot sya.

"Nako beh! Wag mo syang aagawin sakin!" Sabay tulak sakin. Aray ha! "Kahit bakla ako, kailangan ko ng taong magpapasaya sakin!" Sabi nya ulit tapos, nilagyan ako ng blush on.

"Hindi ko naman po yun sayo aagawin. Wala po akong gusto doon sa lalaking yun Kuya." Pagkasabi ko ng word na 'Kuya' sumimangot agad sya.

"Nako, itawag mo sakin, Ate Lovely. Nickname ko yun." Sabi nya tsaka nilagyan ako ng headband. "Ayaaan~ ang ganda ganda mo beh! Kainggit!" Nakapout na sabi nya.

"Maganda rin naman po kayo Ate Lovely." Pagkasabi ko naman nun, ngumiti sya saka niyakap ako. Nagulat tuloy ako.

Humiwalay sya agad sa yakap nang makitang nagulat ako. "Sorry beh! Pero, thanks rin! I know na maganda ako. Sige, good luck. Papanoorin kita beh!" Sabi nya sabay alis.

"Wews, mukhang madaldal yung baklitang yun ah?" Sabi ni Audrey. Btw, nasa make up room kami ngayon ng girls.

"Baka nga. Haha!" Sabay tawa namin.

"Mukhang nagkakatuwaan kayo?" Biglang sumingit si Ara.

"Pwede ba? Hindi ka naman kasali dito. Umalis kana nga." Sabi ni Audrey sabay irap. Yumuko lang si Ara.

"No, Ara. Sali ka. The more the merrier right?" Audrey just gave me a 'what the hell' look.

"Ugh! Plastik alert. Geh, mamaya nalang tayo magusap girl. May PLASTIK dito." Sambit nya sabay walk out.

"Don't mind her Ara."

Ara's POV

"Don't mind her Ara." Sabi ni Sydney. ARRRGGGHHH!!! Fvck that Audrey. Matagal nakong nagtitimpi sakanya ah?!

Kailangan ko pang magawa ang plan ko sakanilang mag bestprend. *evil smile*

"Ara, okay kalang?" Napatingin ako kay Sydney. Tumango nalang ako. "Sorry sa ginawa ni Audrey ah? Bad mood lang sya ngayon." Natatawang sabi nya. Tss. Ang pabebe.

"Hindi, okay lang." Dapat, bait baitan ako ngayon noh! "Uhm, seriously Sydney, ang ganda mo." Pero mas maganda ako. Hah!

"Thanks Ara. Ikaw rin naman eh." Ngumiti ako. Yung hindi halatang plastik. "Oh, 20 mins, nalang start na." Ghad! Malapit na ang orass!!

"Gosh! Sige, maiwan muna kita dyan Sydney, may gagawin lang ako." Tumango naman sya. Pumunta ako ng backstage. Wala namang makakakita sakin dito.

Tinawagan ko si Fairys. Ang bff ko.

"Yes besh? Okay na? Punta nako dyan?" Bungad nya agad sakin. Yep, may Plano kami para kay Sydney.

"Natural. Tumawag na nga ako diba?" Nagevil smile pako.

"Ay ay boss!" Sabi nya sabay end ng tawag. Mayamaya, may tumawag sa maganda kong name.

"Ara." Lumingon ako. Si Fairys pala.

"Ihanda mo na ang lubid. The show is about to start." Ngumisi sya ngumisi rin ako.

***

Sydney's POV

Sumasayaw na kami ngayon. Ghad! Nanginginig ako.

"Sydney, relax." Narinig kong sabi ni Kean. Huminga lang ako ng malalim.

~~~

What the eff!! This is it, it's time for our 'kissing scene'. Dahan dahan syang lumapit sakin then.......

"Ouch!" Nabagsak ako sa sahig at nagblack na lahat ng paningin ko.

"Sydney!" Sigaw ni Kean.

***

Kean's POV

Oh sht! What happened?!

"What the he'll just happened?! Bakit may bumagsak na plywood dyan?!" Yes, plywood ang bumagsak. As in, nakatama talaga sa pwesto ni Sydney.

"Wait, is this all planned?!" Kitang kita na planado ang lahat ng ito. Nandito kami ngayon sa pinagbagsakan ng plywood. Si Sydney, nasa hospital na.

"Sorry sir Kean. Hindi po namin alam na may babagsak dyan eh." Sabi ng isang staff. Kung nagtatakaka kayo, amin ang school na ito. Hindi ko pa pinapaalam sa iba kasi ayoko ng mga PLASTIK. Sorry sa matamaan.

"Sa susunod, wag na wag nang mauulit ito ah??" Tumango naman sila kaya umalis nako. Pumunta akong hospital.

Naabutan kong si Tita Adri na nakahawak sa kamay ni Sydney.

"Tita, how's she?" Tumingin sya sakin.

"Sabi ng doktor, medyo malala ang pagkakatama sa ulo nya. Buti nalang daw ay walang dugong namuo sa ulo ng anak ko..." Naiiyak na sabi nya. Hinawakan ko lang ang balikat nya.

"Hayaan nyo po Tita, hahanapin ko kung sino ang gumawa nito sakanya. But this time, ipanalangin muna natin sya sa Dyos." Tumango ito.

"Salamat Kean."

Hindi ko kayang may mangyaring masama kay Sydney. Ako, ang sarili ko ang sisisihin ko pag may nangyaring masama sakanya.

***

Ara's POV

"Arrgghhh!! Bakit ganon nalang kung mag-alala si Kean para kay Sdyney?!" Frustrated ko na sabi.

"Besh, kalma. Hindi yan ang solusyon." Inirapan ko nalang si Fairys.

"Ang t*nga mo!"

"Oh, bakit ako? Ginawa ko lang ang inutos mo besh." Sabay dampot nya ng chips.

Makakapaghiganti rin ako sainyo Sydney and Audrey. Malapit na. MALAPIT NA. Itatak nyo yan sa isipan nyo.

Akala nyo magpapatalo kami? In your dreams niggas. Ako si Ara Hoslimo. Hinding hindi ako Basta magpapatalo sa mga TALUNAN na kagaya niyo Sydney.

Konti palang yan.... Oops. I mean SIMULA palang yan.

Wait for more....

I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon