Chapter [14]

90 8 2
                                    


Chapter [14]

Sydney's POV

Ang ganda ng umaga ko! Hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko paggising ko eh.

"Sydney, parang ang ganda ng umaga mo ah?" Bungad ni Kuya pagkababa ko. "Pwedeng bigyan mo ng konti ang Ate mo?" Kumunot ang noo ko.

"Anong nangyari kay Ate?"

"Ayun, nasa taas nagkukulong. Broken hearted eh. Nagbreak up na sila ng g*gong Ford na yun." Sabi ni Kuya sabay hampas ng table.

"Ahh, kaya pala. Sige Kuya, puntahan ko lang si Ate." Tango lang ang sagot nito sakin. Umakyat na ako at pumunta sa kwarto ni Ate.

Nakita ko syang umiiyak habang tinatakpan ang mukha nya ng unan.

"Ate..." Tumigil sya sa pagiyak at tumalikod sa direksyon ko.

"Sydney, gusto kong mapagisa." Sabi nya. May tiwala ako dun sa Ford na yun eh! Bakit nya ginanito si Ate?

Kakausapin ko sya!

"Sige Ate, magpahinga ka. I'm going somewhere." Hindi na sya sumagot kaya lumabas nako. Dumiretso ako ng kwarto ko at nagbihis. Pagbaba ko, si Mama at Kuya nanonood lang ng T.V

"Oh Sydney, saan ka pupunta?" Tanong ni Mama. Dapat hindi nila malaman na pupuntahan ko ang Ford na yun.

"Ma, kila Audrey lang po ako. May kukunin." Sana umoo sila!
Kumunot ang noo nito.

"Dyan lang ang bahay nila Audrey diba? Bakit bihis na bihis ka?" Napakagat labi nalang ako sa tanong ni Kuya.

"Uhm, may pupuntahan kami."
Sorry Ma, Kuya kasi nagsinungaling ako.

"Ingat ka anak." Tumango ako Kay Mama tsaka nagapir nalang kami ni Kuya bago ako umalis.

Naghail agad ako ng taxi pagkalabas ko ng village namin. Alam ko ang address nung hinayupak nayun kaya mabilis akong nakarating dun.

I knocked at his door.

Mayamaya, may nagbukas. O.o bakit naka boxers lang sya?! Buiset naman oh! Umiwas ako ng tingin.

"What do you need?" Agad na tanong nya. Tinignan ko ito mata sa mata.

"Why'd you break up with my sister?" Nakataas na kilay na tanong ko. Ngumisi lang sya. Aba loko toh ah.

"Simply because I don't love her anymore. I don't want to hurt her so, I just end this fvcking relationship!" Nagulat ako sa pagtaas ng boses nya kaya napaatras ako.

"Answer me, Do you love her? Tell me the truth. I can see in your eyes that your lying." Napamura ito bago ako hilahin papasok ng unit nya. "Hey! What are you doing?!"

"Nakakahiya sa mga kapit bahay! Gumagawa ka ng eksena!" Sigaw nya sakin.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya.
"Ano? Mahal mo si Ate diba? Tell.Me.The.Truth." Pagmamatigas ko.

Umiwas ito ng tingin sakin.

"Ford! What is you---" Pinutol nya agad ang sasabihin ko.

"Yes! I still love her! Happy?" Natahimik ako. "What? Anong magagawa mo sa sinabi ko? Wala diba?"

"If you love her, why'd you break up with her? Alam mo, iyak ng iyak si Ate." Tumingin sya sakin.
"Nahihirapan na sya."

"Why? Sa tingin mo hindi rin ako nahihirapan? Sydney, nahihirapan din ako!" Nagulat ako nang ibato nya ang flower vase sa pader.

"S-sorry."

"You don't have to say sorry. Alam ko ginagawa mo to para sa Ate mo. Sydney, wag mong papabayaan ang Ate mo ah? Now kung wala kanang sasabihin, you can leave now." Hindi nako nagsalita kasi natatakot na rin ako kaya lumabas nako.

I'm InLove with a Superstar Where stories live. Discover now