Chapter [15]

87 8 0
                                    


Chapter [15]

Sydney's POV

"Waaaaaahhh!! Kinikilig ako Girl!!" Sigaw ni Audrey habang pagulong gulong sa kama ko. Pumunta kasi sya sa bahay namin eh.

"Mag hunos dili ka nga Audrey!" Tumingin sya sakin. "Oh, bakit ganyan ka makatingin?" Nakataas na kilay na tanong ko.

"May IG kaba?" Ano daw? IG?

?,?

Ano naman yun?

Sorreh! Not updated si Aqouh...

"Ano yun?" Napangiwi nalang sya.

"IG... As in InstaGram..." Napa-'ahh' nalang ako. "Magdownload ka dali!!" Kinuha nya ang phone ko at binigay sakin.

"Bakit naman? Okay na ako sa Facebook at Twitter noh." Nakapameywang na sabi ko. Inirapan nya lang ako. "Tsaka, ano namang pagkakaiba ng Twitter sa Insta-- Insta-chu chu na sinasabi mo?" Tumayo sya para magkalevel na kami.

"Wala kasing account si Kean sa Twitter kaya lagi nalang syang nagpopost sa InstaGram..." Paliwanag nya. "Now, kung gusto mong maging updated palagi sakanya, magdownload ka ng InstaGram. As in now na." Inirapan ko naman sya.

"Ano ako aso? Sunod ng sunod sayo? Duh, ayoko nga." Pinatong ko ang phone ko sa study table sa loob ng kwarto ko.

Paalis na sana ako nang ipakita nya sakin ang phone nya.

O.o

"Idelete mo yan!!" Sabi ko pero tumawa lang sya.

"Hindi ko to pwedeng idelete kasi si Kean ang nagpost nito. Sya lang pwedeng makadelete ng post nya." Napakamot nalang ako sa ulo ko. Oy, wala akong kuto ah? As In, YUCK.

"Paano yan? Patingin nga ulit." Inagaw ko sakanya yung phone nya saka tinignan yung mukha ko. Myghad! Stolen shot pa! Kumakain pako nito oh!

But something catch my eyes...

Caption : ATM with the girl that I love....

Pinamulahan agad ako sa Caption nya. Tinignan ko yung mga comments...

**** : Myghad, ang kyot naman nya... ❤

*** : So Cuuute... >.<

*** : So,  sya pala ang sinasabi ni Kean na nililigawan nya?
1 reply...

   Aud_Fernandez reply to *** : Oh bakit? Inggit ka?

Baliw talaga to si Audrey...

*** : Waaahhh!! Sweet naman ni Kean!

*** : Owemji! Ang ganda nyaa!! Hihi~ sana kasing ganda ko sya.

Aud _Fernandez : Pumapagibig si Kean oh! Hahahahah!!

"Ano? Tapos na?" Tumingin ako Kay Audrey.

"Wait, tignan ko lang likes..."

Caption : ATM with the girl that I love....

48.17 million likes...

"Myghad, ang famous ni Kean." Bulong ko saka binigay na Kay Audrey ang phone nya.

"Suuus, kilig ka naman? Don't worry girl! Ako mas kinikilig..." Sabi nya at dumiretso sa baba.

Nagayos muna ako bago rin ako sumunod sa baba.

"Napakasarap ng luto mo Tita." Narinig kong sabi ni Audrey. Aba, kumakain na pala ang magaling Kong kaibigan. Hindi man lang magyaya.

"Naku Audrey, kain kapa." Si Audrey naman, tuwang tuwa! Kumuha sya ng isang hotdog at isang egg. Hindi naman halata na gutom sya no?

"Nandyan na pala si Sydney eh." Sambit ni Kuya. Ngumiti ako bago ako umupo sa tabi ni Audrey. Hindi na nahihiya yan kasi lagi naman syang nandito eh. Kaya makapal na mukha nyan. Ay, since birth pala makapal na mukha nya. Hehehe.

"Nasaan si Ate? Hindi parin ba kumakain?" Umiling silang dalawa. Si Audrey lang ang walang pake kasi sarap na sarap sya sa ulam.

"Ewan ko ba dun sa Ate mo eh. Ano bang nangyari dun?" Tanong ni Mama. Nagkatinginan kami ni Kuya. Hindi pa ba Alam ni Mama ang break up nila? Weh?

"Ma, nagbreak na sila ni Ford diba?" Sambit ni Kuya.

"Ay oo nga pala no. Pagpasensyahan nyo na ako mga anak. Tumatanda na Mama nyo." Nagtawanan lang kami.

Sa totoo lang, miss ko na si Ate. Pag pupuntahan ko naman sya sa kwarto nya, nakalock and pinto.

"Sydney, dalhan mo ng pagkain ang Ate mo." Tumango ako. Ngayon ko lang napansin na wala na si Audrey. Asan na yun?

"Nasaan na si Audrey?" Nagtatakang tanong ko. Nagkatinginan sila Mama at Kuya saglit.

"Umuwi na. Hindi mo ba napansin?" I shake my head no. Hays, wala ako sa sarili ko.

"Sige Kuya Ma, akyat ko lang to." Kinuha ko ang tray at umakyat sa kwarto ni Ate.

Pagbukas ko ng pinto....

...

...

...

...

Loading....

Buffering....

Okay, back to reality....

"Ate?!" Nilagay ko sa table ang tray ng pagkain at lumapit Kay Ate. "Ate, ano to?! Ate!" Nakahiga na sya at nakita ko lang syang may hawak na pills yata yun? Oh my God, nagpapanic nako!

Buti nalang umakyat na agad sila Mama at Kuya. "Anong nangyari sa Ate mo?!" Tanong ni Kuya. Binuhat nya si Ate.

"Ewan ko! Nadatnan ko nalang syang nakahiga na walang Malay dyan sa sahig at may hawak sya nito." Pinakita ko Kay Mama ang hawak ni Ate.

"OhmyGod, Faith, Faith kapit lang." Hindi ko maintindihan! Bakit? Ano ba yon?

Sinakay na nila Mama at Kuya si Ate sa kotse. Nilock ko naman ang bahay at dumiretso na kami sa hospital.

"What happened?" Tanong ng isang nurse pagkadating namin.

"She drink this." Inabot ni Mama sa nurse ang binigay ko kanina sakanya.

"I'll call the doctor immediately..." Sabi nya saka umalis.

"Ma, ano daw yung ininom ni Ate?" Tanong ko Kay Mama. Si Kuya naman, nakaupo na.

"Anak, delikado yung pills na yon pag marami kang nainom.." The fudge? Pills? Sabi ko nga.

"Oh my God..."

❤❤❤

"Family of the patient?" Tumayo agad kaming tatlo pagkasambit ng doctor.

"For now, stable na ang patient. Buti nalang at 2 to 3 tablets lang ang nainom nya so, pwede pa natin syang macure..." Sabi ng doktor. Hoo! Nakahinga ako ng maluwag!

"Dok, pwede po ba kaming pumasok sa loob?" Tanong ni Mama sa doktor at tumango lang ito kaya pumasok na kami.

Lumapit agad si Mama at umupo sa tabi ni Ate Faith.

"Anak, hindi mo naman kailangan itaya ang buhay mo dahil lang sa nakipagbreak sayo si Ford..." Saktong pagkasambit ni Mama non, bumukas ang pintuan.

At iniluwa non si Kean...

Hala, paano nya nalaman na nandito kami ngayon? Umupo sya sa tabi ko.

"Kamusta na Ate mo? I'm sorry, ngayon lang ako nakapunta." Ngumiti lang ako sakanya tsaka sinandal ang ulo ko sa balikat nya.

"Okay lang..." Hinawakan nya naman ang kamay ko.

"Sydney, nandito lang ako. Kung kailangan mo ng sandalan, I'm here for you." Hinalikan nya ang ulo ko.

Sana maging okay lang ang lahat...



I'm InLove with a Superstar Where stories live. Discover now