Chapter [6]

123 9 2
                                    

Sydney's POV

"Tell me sis, kayo na ba?" Bulong nya sakin.

"Of course not! Hindi ako papatol sa ganung itsura noh!" Sinimangutan nya lang ako.

"So you mean na panget si Kean?" Tumango ako. "Sis, this is a moral lesson. Hindi important ang panglabas na anyo. Ang importante ay ang pangloob. Kung mabait ba sya or masama ang uga----" Hindi ko na sya pinatapos.

"Blah blah blah! I know that na. Tsaka, panget ang ugali non! Psh! Mukha palang eh." Sabi ko saka umalis.

***

Saan nga ba ako pupunta? Wala pa ngang 6:30 eh. 4:57 palang.

"Ate?" Napatingin ako sa batang tumawag sakin.

"Sandra?" Napangiti sya.

"Ate ikaw nga!" Bigla nya akong niyakap. Napatingin ako sa yaya nya.

"Ay, pasensya na po ah? Makulit lang yang batang yan eh." Tumango ako.

"Okay lang po." Tumingin ako kay Sandra.

"Ate, you didn't say what's your name is." Ay? Nageenglish. "What's your name?" Ngumiti ako.

"My name is Ate Sydney but, you can call me what you want." Ngumiti nanaman ito.

"Can I call you Ate S?" Tumango ako. "Yay! Where are you going Ate S?"

"Uhh... I don't know." Natawa sya.

"Can you join us?" Tanong nya. Sasagot palang ako nang magsalita ang yaya nya.

"No Sandra. Ate S have to go now." Tumingin ako sa yaya nya.

"No, okay lang po." Tumingin sya sakin at parang humihingi ng tawad ang mga mata nya. "Okay lang po. Bata po ito eh." Tumango sya.

Humawak sa kamay ko si Sandra.

"Where are we going Sandra?" Tanong ko. Tumingin sya sakin habang nakangiti.

"In the ice cream parlor."

***

Pumasok kami sa ice cream parlor. Dito rin makikipagkita si Kean mamaya ah? Okay na rin para hindi nako umalis dito.

"Ako na ang magbabayad." Sambit ko pero pinigilan ako ng yaya nya.

"No Ma'am! Ako na po. Alaga ko po ito eh." Tumayo na sya at pumunta sa counter.

"So, what are we doing here?" Tanong ko kay Sandra.

"Uhm... We're here to eat ice cream?" Oo nga naman. 😂

"Yeah... Sabi ko nga. :)"

***

"I had fun talking to you Ate S." Nakangiting wika nya. Paalis na sila ngayon.

"Me too Sandra." Tumingin ako sa yaya nya. "Ah, sige po, una na po kayo. May hinihintay pa po ako eh."
"Sige po. Salamat po ulit ah?" Tumango ako ng nakangiti. "Halika na Sandra, say bye to Ate S na."

"Bye Ate S! See you when I see you!" Saka sila umalis. Ako naman, umupo ulit.

Time check : 5:42 pm

Hays, maghintay na nga lang.

"Hi miss, may nakaupo ba dito?" Tumingala ako. May lalaking nakatayo dun.

Wala namang masama kung paupuin ko sya diba? Wala pa naman si Kean.

"Ah, wala po. Sige upo muna kayo." Umupo naman agad sya pero may nanghampas ng table. Umangat ang tingin ko dun. Si Kean.

I'm InLove with a Superstar Where stories live. Discover now