Chapter [69] NO WAY

53 5 0
                                    


Fairys' POV

"Hmm, mukhang alam ko na kung paano makakaganti sa kanila na hindi nila alam na may kinalaman ako do'n.." Nakangisi kong sabi habang nakatingin do'n sa dalawang naghahalikan saka do'n sa lalaking umalis kanina.

*Smirk*

"Hindi pa nga gumagaling yung sugat mo, paghihiganti nanaman ang nasa isip mo." Inis kong nilingon si Jayzelle. Sya yung matino kong boypren. (–– ')

"Eh sa gusto kong gumanti sa kanila, eh. Tsaka gusto kong iparamdam sa kanila kung paano maiwan. Lalo na kay Sydney." Nakangisi kong sabi habang nakatingin pa rin sa kanila. Naka-akbay na yung lalaki saka inakay si Sydney na sumakay sa kotse.

"Come on," Sambit ko saka naunang maglakad. "Umuwi na tayo. Tinignan ko lang kung ano ang mangyayari sa kanila." Sumabay sya sa akin maglakad.

Pinagbuksan nya rin ako ng pintuan ng kotse nya. "Let's go home?" Tanong nya. Umirap naman ako sa kanya.

"Come on, Jayzelle! Wala ka talagang saya sa katawan mo! Let's go clubbing!" Sigaw ko saka hinampas ang upuan.

"Clubbing? Look, the sun is up. Walang bukas na club ngayon, babe." Sabi naman nya. Inirapan ko ulit sya.

"Ugh! Edi Let's go to the mall nalang! At least, may taga-bitbit ako ng mga pinamili ko, diba? Hahahaha!" Tawa ko pa. Natigil lang ako sa pagtatawa nang makitang hindi rin sya tumatawa. "Oh, I'm sorry. Are you offended?" Tanong ko.

"What do you expect? Matuwa ako? Hell, you're treating me as your maid." Mariin nya pang sabi. Inirapan ko naman sya. Ang arte!

"Okay, I'm sorry!"

Hindi na sya sumagot. Pinaandar nya na yung kotse at nagpunta nga kami ng mall.

Kumapit agad ako sa kanyang braso pagkalabas namin ng sasakyan nya. Nakangiti ako habang naglalakad papasok ng mall.

"You look really happy. What are you thinking?" Biglang tanong nya. Nilingon ko sya saka ngumiti ng malaki.

"I'm thinking about how to kill Sydney." Nanlaki ang mga mata nya pero mas lalo akong ngumiti ng malaki.

"No, you're not going to kill someone, babe." Mariin nyang sabi. Umirap nanaman ako saka tumingin sa kanya.

"It's just a joke you know! I'm just thinking how will I make her suffer. Yung umabot sa punto na hilingin nya na sana mamatay na sya dahil hindi nya na kaya ang hirap? Oh, I'd love to hear that." Sabi ko habang nakangiti ng malaki.

"That's so rude, babe."

"Ugh, 'wag ka ngang umasta na ikaw ang mommy ko. Seriously, you're just like her. Irritating. Sinusunod mo naman ang mga inuutos ko, no!"

"That's how I love you, babe."

"Tch! Cheesy. But you know, I love you too."

Sydney's POV

Monday.

Simula ng mga nagdaang araw, wala namang nangyaring masama. Sa tingin ko, hindi na naman babalik 'yon si Fairys.

Wala naman sya'ng sapat na dahilan para saktan kami diba?

"Ang lalim naman ng iniisip mo?" Natinag lang ako sa pag-iisip ko nang magsalita si Audrey. Nandito kami sa open field ng school. Nakatambay lang kami dito para mag-review sa mga susunod na subjects.

"Wala 'to."

"Sus, wala daw? Eh natutulala ka tapos kukunot maya-maya ang noo mo?" Sinilip nya yung mukha ko pero iniwas ko 'yon.

I'm InLove with a Superstar Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon