XVI

2.3K 87 2
                                    

"Bunso." Pagising ni kuya Arch sa akin

"Hmm. It's weekend kuya. I'm still sleepy." Nakapikit ko pa ring sagot dito

"Someone's here for you." Sagot naman nito

"Who?"

"Si Zach. May lakad daw kayo." Wait, what? Agad naman akong bumangon at nagtaka.

"Ha? Eh bukas pa naman namin iko continue yung project namin ah." Takang tanong ko

"You know what bunso, fix yourself and babain mo na siya. Siya ang tanungin mo. Abay malay ko kung ano mga pinag gagawa niyo." Sagot ni kuya at lumabas na ng kwarto ko

Agad naman akong pumunta sa cr para maligo at pagkatapos magtoothbrush magbihis na.

Nang pababa na ako ay natuwa naman ako sa nakita ko, ang mga kapatid ko na masayang nakikipag usap kay Zach. Nagtatatawanan pa. Para bang wala lang nangyari sa pagitan nila.

Agad naman silang napatingin sa dereksyon ko nang makita nila akong papababa.

"Oh ayan na pala si Kean, paano mauna na kami sa inyo, may lalakarin rin kami eh." Pagpapaalam ni kuya Cyan

"Wala naman kayong sinabi kahapon sa akin kuya na may lakad kayo ngayon ah." Takang tanong ko dito

"Ah-eh bibisitahin namin yung kaibigan namin na galing sa states eh. Kakauwi lang kasi."

"Oh paano, mauna na kami, good luck sa inyo." Paalam ni kuya KZ at tuluyan na silang umalis.

"Parang ang weird." Wala sa sarili kong sabi

"Anong weird?" Tanong naman nung nasa harapan ko. Kaay agad naman akong bumalik sa aking wisyo ng mapansin ko siya

"Ah-ah wala wala." Ang awkward.

"Nag breakfast ka na ba?" Tanong niya sa akin

"Kaka gising ko lang diba? So obviously hindi pa." Sagot ko. Nahalata ko namang parang kinakabahan siya.

"A-ah uhm may gagawin ka ba ngayon?" Tanong niya

"Wala naman. Bakit?"

"Can we go out? A-ah you know, have some fun time together? Tapos kain. Remember, liligawan kita ulit?" Tanong niya.

Aaminin ko, kinilig rin naman ako sa mga sinabi niya.

Alam kong namumula ako dahil sa init sa aking pisngi na nararamdaman ko kaya napayuko na lamang ako.

"A-ah s-sige. Wala rin naman akong gagawin eh. Saan ba?" Tanong ko dito

"Saan mo ba gusto?" Tanong naman niya

"Diyan nalang sa malapit na mall. Marami ring magagandang restaurant dyan." Sagot ko naman

"Then let's go?" Pagaaya niya.

Matapos kung maghanda ay tuluyan na kaming pumunta sa mall. Kakain muna kami dahil parehas kaming wala pang agahan.

Habang naghahanap ng magandang makakainan ay may nasalubong kaming limang babae.

"Wait, Zach, is that you?" Tanong nung isa

"Omg Marj siya nga!" Sabat naman nung isa

"Ah-eh. Ako nga. Hehe" Alanganing sagot ni Zach

"Still remember us? Kami yung nakilala mo sa rave party? Marj, Ann, Kristine, Jenny and me, Krisha!"

"Omgeee mas gumwapo ka ngayon baby Zach." Sabi naman nung Krisha

Agad din nilang hinila si Zach at hindi lamang ako pinansin. Nakakahiya rin namang makisingit sa kanila.

"Dapat kasi tinuloy mo na lang yung panliligaw mo kay Jenny eh. Ikaw rin kasi Jennie pakipot ka pa noon." Sabi nung kasama nila

Winning Him Back (boyxboy)Where stories live. Discover now