XIV

2.3K 95 1
                                    

"Oh" Sabay abot ni Ross ng Kitkat sa akin

"Alam kong di mo mahihindian yan." Natatawa niyang sabi

"Thanks" sagot ko naman at tinanggap ito

"Wala na tayong class this afternoon, right?" Tanong at tumango na siya bilang sagot

"So anong gagawin mo mamaya?" Tanong ko

"Pupunta ako sa bahay nung kapartner ko sa project, ipagpapatuloy namin ngayon eh. Ikaw ba?"

Bigla naman akong may naalala sa sinabi ni Ross. Ngayong 9:00 am pala namin gagawin yung project. Tiningnan ko naman agad ang relo ko.

"10:30 am"

Really? Bakit di man lang siya tumawag? Kanina pa kaya niya ako inaantay?

"Uy Kean, phone mo ba yun? parang kanina pa may nagvavibrate dito sa bag mo."

Agad ko naman itong kinuha at sinagot ang tawag. Si Zach pala. 

7 missed calls. 

Bakit di ko man lang naramdamang nag vibrate phone ko?

"Hello Zach?" Taranta kong sagot dito

"Where in the hell are you?" Seryosong tanong nito

"A-ah nasa cafeteria ako. Kanina ka pa ba nag aantay?"

Hindi siya sumagot. Pag lingon ko sa entrance ng cafeteria, nakita ko siyang papapasok roon at papalapit sa amin.

"Let's go." Seryosong sabi nito ng makalapit sa amin.

"A-ah kaibigan ko nga pala." Pagpapakilala ko naman kay Ross kay Zach

"Ross bro." Sabay abot ng kamay ni Ross pero tiningnan lamang ito ni Zach.

"Zach" Sagot niya naman pero di niya inabot ang kamay ni Ross

Binawi na lamang ni Ross ang kamay niya dahil siguro alam na niyang di naman ito tatanggapin ni Zach.

"By the way Kean, I got to go. Mali-late na ako eh." Pagpapaalam naman nito

"Sige sige, magiingat ka." Sagot ko naman sa kanya

.....................

Habang nasa kotse kami ay ako na ang unang nagsalita dahil sa sobrang katahimikan.

"You should have just shook hands with Ross, alam mo bang nagmukha kang bastos kanina?" Tanong ko sa kanya habang deretso lang na nakatingin sa daan

"I'm not in the mood Kean okay? Atsaka diba dapat nag so-sorry ka sa akin ngayon?" Naiiritang sagot niya

"Oh, sorry. Hindi ko naman kasi namalayan yung tawag mo, edi sana kung namalayan ko, sinagot ko na agad." Depensa ko naman

"I've waited for almost 2 fvcking hours! You know me, hindi ako sanay mag-antay. Nakalimutan mo pa na may gagawin tayong importante ngayon! Kaibigan mo lang ba talaga yun? Mukhang nakikipaglandian na yun sayo ah! Ikaw naman gustong gusto mo rin!" Sagot naman niya

"Saan na naman ba nanggaling yan Zach? Ha?" Irita kog tanong dito.

"Yung ikinakagalit ko, kasi nakalimutan mong meron tayong gagawing importante ngayon." Depensa niya

"Ang babaw naman ata Zach! Yan lang ba talaga ang ikinakagalit mo? O meron ka pang ibang rason?" Iritang tanong ko

"Wala. Ewan ko sayo." Mariing sagot nito.

"Tapos kung magalit ka dyan, hay nako ayan na naman yang pagka isip bata-

"Nagseselos ako." Seryosong sabi niya

Agad naman akong natigilan.

"Sorry kung nagseselos ako. Alam ko naman na wala ako sa posisyon para makaramdam ng ganun eh. Mahal lang talaga kita. Takot ako na baka isang araw mawala ka na naman sa akin. Ang babaw pero yun yung nararamdam ko." Dagdag pa niya habang deretso lamang na nakatingin sa dinadaanan namin.

Tuluyan na akong di nakapagsalita hanggang sa nakarating kami sa bahay nila. Napaka awkward habang ginagawa namin yung project. Walang nagsasalita, kung meron man, tungkol naman sa project.

Nagi-guilty ako. I am so insensitive. Alam ko namang nililigawan ako ni Zach pero di ko man lang nahalata na nagseselos na pala siya.

"A-ah Zach?" Tawag ko sa kanya

"Hmm?" Sagot nito habang busy sa pag edit ng video namin.

"S-sorry." Nakayuko kong sabi. Tumigil naman siya sa ginawa niya at humarap sa akin.

"I'm sorry because I'm insensitive, hindi ko man lang inisip yung nararamdaman mo." Nakayuko kung sabi sa kanya

"Kean, don't be sorry. Wala ka namang kasalanan eh." Sagot naman niya sa akin

"Ako lang naman talaga itong hindi ma control ang sarili na hindi magselos pag may kasamang kang iba." Sagot naman niya

"Basta, kalimutan na natin yun. Okay naman na tayo diba?" Tanong ko sa kanya at ngumiti.

Ginantihan rin naman niya ako ng ngiti.

"Matitiis ba kita? Eh, kailan mo pa kasi ako sasagutin para di na ako nagsosorry sayo pag nagseselos ako?" Sabi niya.

"Hindi ka naman ata nagmamadali diba?" Naiilang kong tanong sa kanya.

"I'm willing to wait Kean." Sagot niya

Napangiti na lamang ako sa sinagot niya sa akin.

The right time is near Zach. Kunting tiis nalang. Sana di ka agad sumuko.


VOTE • COMMENT • SHARE


A/N: Lutang yung update. Hahaha!  #marupok po talaga si Kean. 😂

Winning Him Back (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon