VII

3.8K 121 0
                                    

"I'm sorry Mr. Montreal but I don't see any reason para paghiwalayin kayo ni Mr. Mendez." Litanya ng guro namin

"Pero ma'am, I don't think we can get along with each other, baka di lang namin to matapos ang project." Depensa ko naman

"Our decision is final Mr. Montreal. Besides, if paghihiwalayin namin kayo, magiging unfair din ito sa ibang pairs." Sagot naman nito.

"But maam-" naputol ang sasabihin ko ng biglang may sumabat sa usapan namin.

"No maam. Don't approve of his decision." Rinig ko mula sa likod ko at nang lingunin ko ito ay ang kaninang iniwan ko pala ang biglang nagsalita

"Magiging masyadong unfair sa ibang classmates namin maam if magpapalit pa kami ng partners." Dagdag pa niya at nakangising tumingin sa akin.

"That's why hindi ko siya pinayagan Mr. Mendez. Now if this is already clear then you now can freely leave the office."

"Thank you ma'am." Sagot naman ni Zach

Aangal pa sana ako nang bigla akong hilahin ni Zach palabas.

"Let go of me!" Naaasar kung sabi dito

"Are you happy now?" Dagdag ko pa

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon boobear." Nakangiti naman niyang sagot

"Stop calling me boobear. I have my name." Sabi ko naman

"I used to call you that before." Nakangisi naman nitong sabi

"That was before!" Sigaw ko naman dito at agad na naglakad palayo ngunit sinundan niya pa rin ako.

"Look, boobear, I'm very sorry. I'll do everything you want para patawarin mo ako." Sabi nito. Nang-aasar ba siya?

"Leave me alone!" Sigaw ko ulit dito

"Why would I leave the person I love?" Tanong niya naman

"Dahil ginawa mo na dati!" Sagot ko naman sa kanya

Hanggang sa makasalubong namin si Kuya KP at Kuya KZ.

"K-kuya...." Nauutal kong sabi

"Anong ginagawa niyan dito?" Seryosong tanong ni kuya KZ

"Kuya, let's go home? Doon ko nalang sasabihin sa sasakyan." Sabi ko sa kanila

Agad naman na kaming sumakay sa kotse.

"Bakit kayo magkasama nun?" Seryosong tanong ni Kuya KZ

"Dito rin siya nag-aaral." Nakayuko kong sabi

"Magka-klase ba kayo?" Seryoso pa rin ito. Natatakot na ako.

"Hindi ku-"

"Eh bakit nga kayo magkasama?!" Sinigawan niya ako. Gulat na gulat ako kaya di ko na napigilang mapaiyak.

"KZ! Wag mo naman sigawan si bunso!" Saway ni Kuya KP habang nagda-drive.

Natahimik naman si Kuya KZ nang mapagtanto ang inasal. Agad naman itong umusog palapit sa akin at niyakap ako.

"I'm sorry bunso. Hindi sinasadya ni kuya. Nag-aalala lang ako sayo." Malambing na sabi nito sa akin

"Remember noong... basta alam mo na yun. I don't want to see you being in that situation again." Dagdag pa nito.

"I know kuya. Sorry." Sagot ko naman dito

"Sssshhhh. Don't be sorry." Sagot rin ni kuya

"Wipe your tears na oh." Dagdag ni kuya at inabot niya sa akin ang kanyang panyo. Minsan talaga nagiging conyo rin talaga to si kuya.

Winning Him Back (boyxboy)Where stories live. Discover now