V

3.5K 115 1
                                    

"Okay class, for your final output this semester, I want you to make a video about yourselves, your personalities, the stuff you like, and don't. Show us how you live your lives in every day as a student. It's in you kung papaano ninyo eko-conceptualize yung video niyo. I'm announcing this early, so you can also start doing it early. Be creative!" Litanya ng guro namin sa aming subject na Personal Development.

"But, you're not going to do it individually, you're going to do it by pair." Dagdag pa niya. Sabay sabay namang naghiyawan ang mga kaklase ko sa narinig.

"Uy, Kean, tayo nalang mag pair." Kalabit naman sakin ni Ross

"If maam will allow us to choose our own partner, why not?" Sagot ko naman, at pinagdadasal ko rin talagang kami na bahalang pumili ng makakapartner namin since siya pa lang ang nakakausap ko dito sa room. Di ko lang talaga maisip yung sarili ko makipag collaborate sa kaklase kong di ko pa kilala, baka di lang namin matapos yung project namin. Haaay!

"The twist is that, nakapag usap na kami ng Personal development teacher ng kabilang section and we decided to pair them with each of you. So yung makakapartner niyo ay mula sa kabilang section since pantay naman yung number of students in every section. 45 sila doon and 45 rin kayo dito, and yesterday nag assign na kami kung sino ang magiging magkaka-partner and we will announce it tomorrow. This is also to test kung papaano kayo makitungo sa kapwa niyo. And submission? At the last of the 1st semester. So I guess I'm clear now. Do you still have any questions or clarifications?" Mahabang litanya ni Ma'am Dizon.

"None ma'am." Sabay sabay naman naming sagot. As if we have a choice. Tsk.

"So, class is dismissed." At lumabas na siya ng room namin.

Di ko maipaliwanag ang kabang nadarama ko ngayon. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pinagpapawisan na ako ng malamig sa kinauupuan ko. Paano kung di ako magustuhan ng magiging ka partner ko? What if suplado siya o suplada? What if e bully niya ako? Di ata ako makaka survive dito. My god Kean, you're overthinking again. Compose yourself!

Naputol na lamang ang pagiisip ko ng naramdaman kong may umakbay sa akin.

"Hey, are you okay? Pinagpapawisan ka, masama ba pakiramdam mo?" Nagaalalang tanong ni Ross

"Ross, I'm nervous." Sagot ko naman

"Ha? Bakit?" Tanong naman niya

"What if di ako magustuhan ng magiging kapartner ko? What if masama ugali niya? What if-"

"Ssshhh. Stop worrying, di naman nangangain yung mga taga kabilang section eh." Natatawa niya namang sabi

"Ikaw talaga, syempre alam ko yun. Kinakabahan lang talaga ako." Sagot ko naman

Natigil na lamang ang pag-uusap namin ng dumating na ang teacher namin sa Precalculus.







A/N: If there are any typographical errors, wrong spellings, or wrong grammar, feel free to make a comment. Thank you for reading! 😘

VOTE • COMMENT • SHARE

Winning Him Back (boyxboy)Where stories live. Discover now