XII

2.8K 119 4
                                    

"Kean Ashlee Ezekiel! For the 10th time gumising ka na!" Rinig kong sigaw ng kuya ko

"I'm still sleepy kuya. At tsaka sabado ngayon." Tinatamad ko namang sagot dito

"What?! Anong sabado ba pinagsasabi mo? It's still friday Kean." Dagdag niya naman

"Hmmm" nakapikit ko pa ring sagot sa kanya

"And... Zach is waiting for you downstairs."

"Mmm- wait, what?!" Nang mapagtanto ko ang mga sinabi ni kuya ay napabalikwas agad ako mula sa mahimbing kong pagtulog

"A-ah s-si k-kuya KZ? Nasaan?" Natataranta kong tanong habang inaayos ang sarili ko.

"Hindi pa umuuwi eh. Doon na kasi natulog sa bahay ng kaklase niya kagabi, gagawin daw nila yung thesis nila." Sagot naman ni Kuya.

"Yung dalawa ko pang kuya-este mga kuya natin? Nandito ba sila?" Natataranta na ako baka napatay na nila si Zach! Ang OA mo Kean ha.

"Kaya nga kita ginising diba dahil nandoon sila sa baba kasama si Zach." Natatawa niya namang sagot sa akin kaya mas nataranta naman ako

Pagkatapos kong maghilamos at mag tooth brush ay taranta naman akong bumaba.

"Kuya Arch! Kuya Cyan!" Sigaw ko habang papapunta sa baba. At doon ko silang tatlo naabutan... tahimik na nag uusap habang ako ay humihingal.

"Oh, bakit bunso?" Wait, akala ko kung ano nang nangyari sa kanila. Masyado ba akong nag over react sa mga pinagsasabi ni kuya KP?

Napansin ko naman si Zach. Nakatulala lang siya sakin at gulat na gulat.

"Kean, para ka pa rin talagang bata, go wear some shirt, baka sumakit tiyan mo niyan." Utos ni kuya

At doon ko lamang namalayan ang kawalang hiyaang ginawa ko. I'm just wearing boxer shorts at wala akong pang itaas. 

Nasanay akong naka ganito lang matulog eh.

"Masyado atang excited si Baby kean na makita si Zach kuya, pati pag suot ng damit nakalimutan." Singit naman ni Kuya KP habang papaba.

Agad naman akong nagtatakbo pabalik sa kwarto ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. What the actual fuck! Kaya pala ganun na lamang kung maka react si Zach kanina. Isa pa to si kuya KP. Aaaaaah!

Pagkatapos kong maligo ay nagdalawang isip muna ako kung bababa pa ba ako o dito nalang ako manatili sa kwarto at sabihin nalang na biglang sumama pakiramdam ko? Hiyang hiya na ako kay Zach!

Ilang minuto pa ay napag desisyunan ko ring bumaba dahil naalala kong may activity pa kami ngayon sa precalculus.

"Oh bunso, let's eat na." sabi ni kuya KP. Hindi ko siya papansinin. This is all his fault. Sakto namang kami lang dalawa ang nasa mesa. Ang dami niyang sinasabi ngunit di ko siya sinasagot.

"Bunso, gusto mong kiwi? Babalatan ko?"

Di na ako sumagot. Bahala siya. Pagkatapos ko ay agad naman na akong nag toothbrush at nag handa na sa pag pasok sa school

"Bye kuya Cy, bye kuya arch." Paalam ko at hinalikan sila sa pisngi.

"How about me?" Tanong naman ni Kuya KP

Ngunit di ko lamang siya pinansin at inaya na sa Zach na aalis na kami. Di naman talaga ako galit sa kanya, nagtatampo lang, ikaw ba naman mapahiya dahil sa kagagawan ng magaling mong kapatid. And he knows me, hindi sorry lang ang tinatanggap ko, dapat may iba pang kapalit.

"Hala, si bunso nagtatampo pa kay kuya." Hirit naman ni kuya KP

Narinig ko pang tinanong siya ni Kuya Cyan.

"Ano na namang ginawa mo sa bunso natin at nagtatampu-tampuhan na naman yun sayo?"

"Suyuin mo yang kapatid natin mamaya. Mahirap na, baka magtampo yan sayo ng tuluyan." Dagdag pa ni kuya Arch

"I know what to do kuya."

Habang nasa kotse ay sobrang awkward ng atmosphere sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko mahihimatay na ako at any moment. Hanggang sa siya na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Iniisip mo pa rin ba yung kanina?" Tanong niya

"Nihihiya ako sayo sa ginawa ko kanina." Nakayuko kong sabi habang nilalaro ang mga daliri ko.

"You know what, after all, you still haven't changed pala, though physically meron pero yung kaluuban mo, you're still the Kean I used to know and I used to love." Mas nadagdagan naman ang hiya na nararamdaman ko sa mga pinagsasabi niya.

"Bakit ka pa mahihiya sa akin eh dati parati naman kitang naaabutan sa kwarto mo nang nakaganun lang. Ako kayang alarm clock mo dati. At tsaka wag ka nang magtampo kay kuya KP, binibiro ka lang naman nun eh."  Dagdag pa niya

"I-I'm not mad at him Z-zach. Mamaya pag uwi ko sa bahay, papansinin ko na rin siya." Nakayuko ko pa ring sabi

"Okay?" Sagot naman niya

"Uhm, bakit mo naman naisipang sunduin ako Zach?"

"Diba, sabi ko naman sayo maguumpisa na ako." Sagot niya naman.

"Sa alin?"

"Na ligawan ka ulit." Sagot naman niya.

Di na ako nakasagot pa. Hindi ko alam kong pagsisisihan ko bang tinanong ko pa siya sa pagsundo niya sa akin o magiging masaya ako? 

Wait, what? Magiging masaya? Saan naman galing yun? 

Alam kong ilang beses na niya itong sinasabi sa akin pero hindi ko pa rin talaga maiwasang maguluhan sa pangyayari. Ang bilis lang kasi! Parang kailan lang nang ipagtabuyan ko siya tapos heto na naman siya ngayon. 

Ugh! Why are you doing this Zach? Sana naman ngayon, totoo na lahat ng ginagawa mo..... 

Dahil ako? Umaasa pa rin ako kahit alam kong masyadong delikado.


A/N: Oh ayan na po yung update! Napansin ko lang, ang daming silent readers ng story ko. Guysue! Kausapin niyo naman ako, gusto ko rin kasing makilala kong sino yung mga nakaka appreciate nitong story ko kaya magingay kayo gooooo! Haha! Wag kayong mahiya, promise! It would really be my pleasure to have a talk with you guys. Thank you so much! And baka medyo matagal pa yung mga susunod na updates, sched na entrance exam sa saturday and next, next sunday. Kaya sana po isama niyo po ako sa prayers niyo na makapasa po ako. Maraming salamat po sa pagbabasa ng sotry ko! Lovelots! J! 💖

VOTE • COMMENT • SHARE

Winning Him Back (boyxboy)Where stories live. Discover now