Narinig ko ang banayad na paghakbang ng babae. "Roli, patay na siya." Pamilyar talaga sa akin ang boses na iyon. Hindi ko lang maalala dahil marami itong katulad.


Humikbi si Roli, dinig ko. "Hindi pa siya patay!" Pimipiyok na ang boses niya.


"No one could survive that. Naubusan sya ng dugo. Bata pa sya, hindi kakayanin ng katawan nya ang—"


"Hindi! Hindi pa sya patay!" Napahagulhol na si Roli. Iyon ang unang pagkakataon na narinig ko syang nagkaganoon.


Humugot ako ng pwersa upang makaabante pa mula sa aking pwesto. Patuloy akong gumapang. Nang makahanap ako ng magandang lugar, pilit akong sumilip upang tanawin kung sino ang babaeng kausap ni Roli. 


Ngunit sadya itong mailap dahil sa pagkakataong iyon, nakatalikod ito sa akin at nakayakap kay Roli. Hindi ko ito gaanong maaninag dahil madilim. Natatakpan nito ang liwanag na nagmumula sa kandila. Nakasuot ito ng malapad na black cowboy hat at natatabingan ng buhok ang mukha nito.


Sino ba ang babaeng ito? 


Girlfirend din ni Roli? Sabi ko na nga ba, hindi ako nagkamali sa hinala kong may iba siyang babae! But that's not important now. Kahit naman mahuli ko sya sa akto, balewala na rin sa akin iyon. Wala na akong nararamdamang pagmamahal kanya. Takot na ang nasa akin. 


Isa syang baliw! At malamang, masahol pa ang babaeng ito sa kanya.


Kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya at...


Naglapat ang mga labi nila! 


Sabi ko na nga ba! May relasyon sila.


Itinulak ni Roli ang babae pero muli siya nitong niyakap. Muli siyang hinalikan nang mariin sa labi kahit ayaw niya.


Kumalas ang babae mula sa pagkakahalik sa kanya. Pagkatapos ay hinimas nito ang kanyang buhok. "Sinabi ko na kasi sa'yo, wala kang ibang mamahalin kundi AKO. Ako lang Roli, ako lang."


"Huwag mo siya'ng papatayin." Mababakas sa tinig ni Roli ang pagmamakaawa. "Please..."


Natahimik ang babae. Maya-maya'y padabog itong humakbang patalikod kay Roli. "Bullshit! Gusto mo bang matulad sya sa mag-ina mo, ha?!"


Biglang kumabog ang dibdib ko. Nakaramdam ako ng kakaibang takot nang marinig ko ang sinabi ng babae.


Anong ibig nitong sabihin? Hindi si Roli ang pumatay kina Tita Laurie? Hindi talaga mamamatay tao si Roli?!


Mabilis itong tinungo ni Roli upang amuhin. "Wag...maawa ka. Mahal ko sya."


"Bakit Roli?! Bakit sa dinami-rami ng babae, sya pa?! Anong meron sya na wala ako, ha?! Ano?! Ako ang matagal mo nang kasama at hindi siya!" Nanggagalaiti ito sa galit.

I Love You, ARA Where stories live. Discover now