Chapter 35: Date & Everything

Start from the beginning
                                        

“Babe!”

I rolled my eyes to what I saw. That woman, is she stealing my boyfriend slash fiancé slash love?! Kung makapulupot sa braso eh, akala mo pag-aari niya. Dinaig pa ang ahas kung makalingkis.

“I wanna go!” I yelled.

“We have to go, Cass, bye.” Aalis na sana si Matt pero hinila siya noong babaeng 'yon and what the fuck?! Hinalikan niya ang babe ko!!! Sa pisngi!!!

Nakita ko namang medyo nainis si Matt. Dapat ba akong matuwa? Agad din namang nagbago ang expression niya nang ako na ang kaharap niya at agad na hinalikan ang mga labi ko sa harap ng babaeng 'yon na friend raw niya. Dapat ba akong matuwa?

“Tsk!”

“Don't have to worry anything, I'm yours,” he winks.

“Ugh, I know that.”

He chuckles as we walk away from that bitch. Akala niya, huh? Mas maganda kaya ako sa kaniya. Mali, given na, na maganda ako, kaya mas maganda ang pa ang kuko ko sa paa kaysa sa kaniya. Bad me.

“Don't ever leave me again with some other woman.”

Napatingin ako sa kaniya, “Akala ko ba friend mo 'yung Cass na 'yon? Bakit some other woman na?”

“I don't want the thought of I along with other woman alone bugs you. Ayaw kong ma-stress ka. Baka makasama rin sa inyo ng baby natin.”

“Really?” I asked with sarcasm as we stopped in front of his car.

“Babe, I am just being loyal to you. Saka, ayokong makisalamuha sa ibang tao lalo na kung babae. Baka isipin mong niloloko kita, hiwalayan mo pa ako. I won't let that. Unless, babae ang anak natin or it's our closest friends. Got that?” He clarified before opening the door for me.

“Whatever, Matt.” Pumasok na ako sa loob ng sasakyan.

Pumasok din naman siya agad sa driver's seat, “Don't tell me, nagselos ka na roon?”

“May dapat ba akong ikaselos?” I faced him.

“Wala.”

“'Yun naman pala eh, let's go na.”

He sigh, “Wala ka bang gustong itanong?”

“I don't feel like prying.”

“Well, I am asking you to.”

“Fine! Ano ba talagang meron sa inyo ng babaeng 'yon?” Subukan mong magkamali ng sagot, mayroon ka talagang matatanggap sa akin.

“I told you, friend ko siya noon.”

“Noon? So, what happened? Why not anymore?”

“Because nagkagusto siya sa akin.”

I look ahead and rests my back to the seat.

“At alam mong ikaw ang gusto ko — ang mahal ko kaya lumayo ako kahit na hindi ka naman talaga sa akin that time.”

I look at him again and he held my face, “I will do anything for you.”

Okay, I am convinced, Matt. Kinikilig na ako. Ayaw ko na ring pag-usapan pa 'yung babaeng posible pa palang makaagaw ko. I don't feel like dramas now 'cause he is so handsome and I am considering his words, so....

“Well, then, take me to a place where I can eat ice cream for dinner.”

“Ice cream na naman?”

“Uh-huh.”

He starts the engine, “Babe, you ate ice cream for dinner last night. Baka mamaya niyan, masyado nang maging cold-hearted ang magiging anak natin.”

“Eh? Hindi 'yan. Gusto ko, ipapalaman 'yung ice cream sa pizza.”

“Sa bahay na lang tayo mag-dinner. Bibili na lang tayo ng ice cream at pizza so you can eat as many as you want.”

“Talaga?” Oh, I am being such a childlike grownup again.

“Just make sure na kakain ka muna ng totoong pagkain with me.”

“Babe?”

“Kahit kaunti lang.”

I pouted.

“Ayaw mo ba akong sabayan?”

“Oo na, sige na. Kaunti lang, huh?”

And as what we have talked, kumain ako ng kanin. Kaunti lang talaga. Isang subo, hahahaha! Okay lang naman siguro. Naubos ko naman 'yung laman ng isang box ng pizza at isang galon na ice cream eh.

“Sayang naman 'yung flavor ng pizza, hindi mo nalasahan ng maayos,” sabi ni Matt.

“Okay lang, mas sumarap naman eh, parang lasagna.”

“Lasagna? Ang weird talaga ng panlasa ng mga buntis,” natatawang sabi niya.

“Shh!” I shushed him before I let him eat the last bite of pizza with ice cream.

Ganito kami palagi, dapat siya ang kakain ng huling subo ng kung anumang pagkain ang sa tingin niya ay pinaglilihian ko. Wala eh, sweet siya. And thank God, nakikisama siya. Masarap daw pala. Lalo na 'yung pinakain ko sa kaniya last time, 'yung calamares na sinawsaw sa strawberry jam? I wanted him to eat that and he said it's the best. Hindi ko man natikman kasi mukha ngang nasarapan siya kaya ayon, pinaubos ko na lang sa kaniya, pero parang balak ko pa rin kasi sabi nga niya, sobrang sarap. Minsan kasi, gusto ko siya ang kumakain ng mga pagkaing trip ko. Nakaka-satisfy kasi, ang gwapo niya lang habang sinusubuan ko ng pagkaing gusto namin ni baby na siya ang kumakain. Pero seriously, parang gusto ko tuloy tikman 'yung calamares na sinawsaw sa strawberry jam. How about you? Wanna join me?

Escaping StringsWhere stories live. Discover now