"Itigil mo 'yang bibig mo. Pasalamat ka at nandito ako sa tabi mo. Paano na lang kapag nawala na ako sa'yo? Sino na lang ang gigising sa'yo tuwing umaga? Sino na lang ang magluluto para sa'yo? O maglilinis ng marumi mong unit? Aba, ang swerte mo nga at dumating pa ako sa buhay mo." Sabi ko sa kanya habang isa-isang pinupulot ang mga basyo ng beer.

"Di 'wag mo akong iwan." Seryoso niyang sabi. Bigla ay natigilan ako.

"Hindi naman kita iiwan, baka nga magulat na lang ako isang araw. Ikaw pala ang mang-iwan." Sabi ko at tsaka ako ngumiti. Ano ba 'tong pinag-uusapan namin? Para kaming mga sira.

"Have you eaten?" He suddenly asked, I just shook my head.

"Tara tabihan mo ako dito, hindi naman kita kakainin. Basta pag sinabi mo lang." Sabi niya at tsaka niya sinabayan ng nakakalokong tawa.

"Sira ka talaga eh 'no?" Sabi ko nang medyo natatawa na rin. Tumabi naman ako sa kanya.

"Heena, paano kung ituloy na lang natin ang engagement?" Tanong niya sabay kagat sa tinapay na dala ko.

"Ayoko nga, di parang nagpukpok ako ng malaking bato sa ulo ko kapag pinakasalan kita." Sabi ko sabay higop sa kape niya. Isa lang kasi ang binili ko.

"Isipin mo Heena, kapag pinakasalan mo ako. Maaanakan kita! Masarap kaya gumawa ng bata." Bigla ko siyang sinubuan ng tinapay sa bibig pagkasabi niya 'non. Ayaw tumigil eh.

"Nasa harap tayo ng pagkain! Kung anu-ano nalabas diyan sa bibig mo!"

"Pero seryoso, ayaw mo talaga? Malaki naman itong—ARAY!" Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng bigla ko siyang batukan.

"Di ba sabi ko itikom mo 'yang bastos mong bibig? Makikita mo pipitikin ko 'yang sinasabi mong malaki!" Sabi ko sa kanya.

"Itong condo ko 'yong malaki! Ano bang iniisip mong malaki?" Bigla niyang tanong. Nag-iwas naman ako ng tingin. Minsan hindi ko na alam ang mga iniisip ko kapag kasama ko 'tong lalaking 'to eh. Nagiging bastos na rin ang utak ko.

"W—Wala! Kumain ka na nga lang diyan!" Sabi ko sa kanya.

"Ikaw ha! Kung anu-ano ang iniisip mong malaki ah." Natatawa niyang sabi.

"Magtigil ka Montemayor, papatayin kita diyan." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Sa sarap ba? Sure, why not!" Tumawa ulit siya ng nakakaloko.

"Bakit hindi mo maitigil 'yang bastos mong bibig?" Naiinis kong tanong sa kanya.

"Aba, magaling manromansa 'tong sinasabi mong bastos kong bibig. Want to try?"

"Kung tahiin ko kaya 'yan ng magtigil ka? It's a good idea, isn't it? Para naman hindi na ako napapagod sa kakasaway sa'yo." Sabi ko sa kanya. Nawalan naman ng dugo ang buo niyang mukha.

"Heena, bakit hindi mo subukang pumasok sa isang relasyon?" Bigla naman akong napatigil sa tanong niya.

"Masaya na ako sa'yo, bakit pa ako maghahanap ng iba? Kahit na isip bata ka, makulit at bastos. Masaya na akong kasama ka, tsaka sinusulit ko lang ang mga panahong kasama kita."

"Paano kapag iiwan na kita?"

Ngumiti ako bago sumagot sa tanong niya. "Huwag kang mag-alala, sa oras na iiwan mo na ako. Alam kong magiging masaya ako, dahil alam kong iiwan mo lang ako kapag masaya ka na. Sa piling ng iba." Seryoso kong sabi sa kanya.

Ngumit naman siya ng pagkaluwag-luwag. "Huwag mo akong iiwan ah? Gagahasain kita kapag iniwan mo ako." Sabi niya.

"Ayokong magahasa kaya hindi kita iiwan." Sabi ko sa kanya.

***

"Hoy bata bakit ka nakahubad?" Tanong ko sa maputing bata na naliligo sa may malaking swimming pool. Wala siyang suot na kahit anong saplot. Bigla akong napatawa ng dumako ang mga mata ko sa birdy bird niya.

"Why are you laughing?!" Nakasimangot nitong tanong sa akin.

"Bata, kita kasi si birdy mo." Natatawa kong sabi. Tinakasan ko kasi sina Mommy and Daddy at dito ako napunta.

"Ano naman ngayon?! Malaki naman!" Pagmamalaki pa niya. Mas lalo akong napatawa.

"Maliit kaya." Sabi ko sa kanya.

"Malaki 'yan! Hawakan mo pa eh!" Giit niya sa akin.

"Yuck! Kadiri ka, bakit mo pahahawak sa akin 'yan eh dirty 'yan." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Ang sungit mo di ka naman maganda." Sabi niya.

"Hoy batang may maliit na bird! Maganda ako!" Sabi ko sa kanya.

"Sus, nasaan? Ang liit liit mo nga eh, pangit pa!" Sabi niya sa akin.

"Ikaw 'yon! Ang liit nga ng bird mo eh!" Sabi ko sa kanya. Sumimangot naman siya.

"Kapag lumaki 'to, ipapakita ko sa'yo 'to tapos hahabulin ka n'yan!" Sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Bakit may ilalaki pa ba 'yan? Eh baka nga lumiit pa 'yan!" Sabi ko sa kanya.

"Oo, lalaki pa 'yan! Hintayin mo lang, hahabulin ka n'yan pag lumaki 'yan kaya matakot ka na batang pangit!" Sabi niya.

"Magtatago ako kapag lumaki 'yan! Tsaka isusumbong kita kay Mommy!"

"Magsumbong ka, samahan pa kita eh!" Sabi pa niya. Magsasalita pa sana ako ng may biglang matabang babae na lumapit sa kanya.

"Axcel! Naku, ikaw talagang bata ka pinapahirapan mo ako! Sabi kong 'wag kang aalis at papaliguan pa kita eh!" Sabi noong matabang babae sa batang tinawag niyang Axcel.

"Eh, gusto ko mag-swim. Tsaka Mamita sabi niya maliit daw 'yong birdy ko." Sabi niya sabay turo sa akin.

"Naku, kayo talagang mga bata kayo, oo! Tara na at maliligo ka pa, magagalit na naman ang Mommy mo n'yan!" Sabi ulit noong matabang babae at tsaka siya hinawakan sa kamay. Umalis na sila pero lumingon ulit 'yong batang maputi.

"Tandaan mo, lalaki pa 'to!"  Sabi niya sabay kindat sa akin. Sumimangot lang ako. I won't forget that name.

Axcel, the little birdy.

****

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  


Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon