Jealous Mochi (unexpected bond pt.2)

553 13 0
                                    


"Are you jealous, Jimin?"

Ulit na tanong ng kaibigan niyang si Jas nang hindi siya agad nakasagot. Wala ng hiya-hiya,tumango siya dito.

"M-medyo. They still look good with each other"

"Kaya ba nahihirapan ka pa ding tanggapin si Jungkook ng buong-buo dahil natatakot kang baka maulit lang ang nakaraan? Na pipiliin niya si Taehyung?"

"J-Jas"

"Kahit hindi mo sabihin saken lahat,dahil matagal na tayong magkaibigan,kilala na kita Jimin. Tama ako hindi ba? Natatakot kang baka mabalik ang dati nilang pagmamahalan?"

Nabibigla at di siya makakibo dahil nabasa siya nito ng tama--ang dahilan ng mga ikinakatakot niya.

"Ganito ba'ko kadaling basahin?"

He sighed and lifted his gaze back towards her,meeting her chestnut brown eyes.

"Wala ka bang tiwala kay Jungkook, Jimin?"

"M-meron naman"

"Then you don't have to be afraid or rather feel afraid na mangyayari ang kinatatakutan mo. Hindi ko sasabihin na kilala ko si Jungkook, pero nakikita ko naman kung ga'no siya kaseryoso sayo. May ibubuko ako sayo. Alam mo bang kaninang sumama ka kay Namjoon di maipinta ang mukha ni Jungkook? He's jealous but instead of making you see that,nag-smile pa siya sayo and then let you go with Namjoon"

"R-Really? Bakit hindi niya ako pinigilan?"

"Ang sabi niya,naiinggit daw siya kay Namjoon dahil lahat na yata nasa kanya na,kaya di na daw siya magtataka kung maagaw ka ni Namjoon o ng iba. Sobrang nagsisisi siyang nasaktan ka niya. Jimin, hindi ko'to sinasabi sayo para hangaan si Jungkook. Ang point ko lang dito, since binigyan mo na siya ng chance makalapit sa inyo ni Yunho,sana hindi lang ang mga mata mo ang bubuksan o gagamitin mo para makita ang ginagawang effort ni Jungkook,kundi pag-aralan mo din kung ano ang idinidikta ng puso mo. Mas masarap yung nararamdaman mo yung sincerity ni Jungkook na magbago. Natural lang sa tao ang makaramdam ng takot. Lalo sa kagaya mong nagmahal pero nasaktan"

Di niya namalayang nakalapit na sa kanya si Jas,at hinawakan ang mga kamay niya.

"Pagmasdan mo siyang nakangiti habang kausap at kaharap si Taehyung. Hindi tingin ng may pagmamahal ang ibinibigay niya sa ex niya. At pag-aralan mo rin kung pa'no ka niya tingnan"

"J-Jas..yung totoo,may super powers ka nuh?"

He tried to lighten the conversation as he was really left speechless and reactless..Hindi lang nito nahulaan ang mga nararamdaman niya kundi ginulo pa nito ang utak niya. Dahil alam niyang tama ang lahat ng mga sinabi nito.

Hindi lang dapat ang mga mata niya at isip ang dapat buksan kundi isaalang-alang din niya ang nararamdaman at idinidikta ng puso niya.

"Pftt, wala akong powers..ma-curious lang akong tao kaya lahat ginagawa kong libangan ang sagutin at hanapin ng sagot ang mga bagay na nakakapukaw ng atensyon ko..it's like I'm answering daily quizes!"

"Chismosa ka pala,Jas"

"Ah tama ka naman diyan haha charot!"

They both laughs,but all thanks to her may mga bagay itong pina-realized sa kanya.

"Seryoso Jas..salamat dahil napakabuti mo saken. Lagi ka lang andiyan kapag alam mong kailangan ko ng makakausap"

"Oo naman. Hindi lang kaibigan ang turing ko sayo kundi isang kapatid. Kaya asahan mong mananatili ako sayo"

Kookmin feat. Taehyung presents: Inside my heart is YOUWhere stories live. Discover now