Chapter 58 : Don't - Enough

Start from the beginning
                                    

Nagpagulong-gulong ako dun dahil sa sobrang kilig. Hindi ko inaasahang gagawin niya yung ganun. Akala ko, hanggang pangarap na lang yung pagsigaw niya sa publiko na mahal niya ako. Akala ko hindi na mangyayari. Akala ko....

Peste! Hiwalay na pala kami! Bakit ba ginagago ako nung taong yun? Imposible namang sabihin niya yung ganun sa harap ng marami ng ganun kadali. Alam kong takot pa siya. Sa kaibigan niya nga hindi niya masabi na kami eh.

Badtrip! Bakit ba umaasa pa rin ako sa mga sinasabi niya? Diba sabi ko hindi na ako makikinig sa kanya? Nagpapakatanga na naman ata ako ah?

Pinukpok ko ang sarili kong ulo para matauhan ako. Pagkatapos nun ay bumaba ako para harapin ang Mama ko. Gusto ko kasi ng kausap. Tatanungin ko siya kung anong dapat kong gawin pagkatapos nung sinabi ni Karl sa akin.

"Ma? Ma? Maaa!"

"Ano ba, Allen!? Naglalaba lang ako! Makasigaw ka naman parang nasa kabilang bundok ako! Ano ba kasi yun!?" naiinis niyang tanong sa akin matapos niyang lumabas mula sa 'laundry area' namin. Nagpupunas siya ng kamay sa shorts na suot niya saka siya nagpunas sa bimpong nakasukbit sa balikat niya.

"Ma, may tatanong ako." bungad ko sa kanya tapos ay sumandal ako sa hamba ng pinto.

Umupo naman siya sa bangkito at tinitigan ako. Nung hindi ako sumagot ay hinawakan niya uli ang mga labahin at sinabing...

"Ano nga? Depuga, naglalaba ako eh."

"Eh pwede naman kasing makinig habang naglalaba ah? Kunwari nasa sapa tayo." pagbibiro ko sa kanya para mabawasan yung init ng ulo niya.

"Oo na. Ano nga ba kasi yun?" tanong niya at nagsimula na ulit siyang magkusot ng mga damit.

"Kasi po, si Karl..." pabitin kong sabi dahil hindi ko maisio kung paano ko sisimulan yung dapat kong sabihin.

"Oh, anong ginawa niya sa'yo? Pinamukha niya ba sa'yong hindi ka talaga para sa kanya? Sinabi niya ba sa'yong niloloko ka lang talaga niya? Sinabi ba niyang--" pinigil ko ang pagsasalita niya gamit ang kamay ko. Ang OA naman kasi eh.

"Hindi yun, Ma. Hindi niya sinabi yun." sabi ko.

"Eh ano ba?"

Sumandal ako sa pader at nag-ekis ng kamay. Napatingin ako sa kisame namin at napabuntong-hininga.

"Sinigaw niya kanina sa buong faculty office na mahal niya ako."

"At naniwala ka naman? Anak, isang buwan na mula nang ibalik mo yung mga gamit sa kanya diba? Dapat dun pa lang nung panahon na yun, sinabi niya yang mga salita na yan. Pinigil ka niya dapat na gawin yung solian portion." pangaral niya.

Napatingin tuloy ako sa kanya ng blangko.

"Pero, Ma, feeling ko kasi totoo yun eh. Nung sinabi niya yun kanina, ramdam na ramdam ko yung sincerity sa bawat salita." sabi ko.

"Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan, anak. Basta ang akin lang, ayaw na kitang masaktan ng dahil sa Karl na yan."

Natahimik na lang ako at pinanood siya saglit sa pagkusot ng mga damit namin. Matapos kong malibang sa paglalaba niya ay umakyat na ulit ako sa taas at natulala na naman.

Totoo ba yun o hindi? Bakit ba sinabi niya yun? May balak ba siyang balikan ako? Karl, bakit ba ginugulo mo utak ko?

Sa sobrang pag-iisip ko sa bagay na yun, nakatulog ako ng hindi ko namamalayan. Nagising na lang ako kinabukasan sa isang text kaya ang pagbasa dun ang inalmusal ko.

[ Good morning, Allen! Mag-breakfast ka na. Wag kang papagutom ha? ]

Karl? Bakit nag-text siya ng ganito? Anong meron sa kanya ngayon?

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now