Chapter 58 : Don't - Enough

Start from the beginning
                                    

"Hindi eh. Sa kabilang side yung sa amin ni Jason. Yung sa inyo ni Karl, halos magkatabi lang." sagot naman niya habang nagta-type. Patapos na kasi siya sa Financial aspect nung ginagawa niyang thesis kaya nagfo-focus na siya doon.

"Pero ayoko nga siyang makasama. Umiiwas na nga ako diba?" pagpalag ko naman.

"Alam ko naman eh. Pero wala akong magagawa. Hindi rin pumapayag si Karl na makipagpalit sa akin eh." sagot naman niya sa akin tapos ay binuklat uli yung files niya sa tabi.

Nag-usap na sila ni Karl nung isang linggo at nagkabati na. Nagsi-sit-in pa rin kaming dalawa ni Jomar pero hindi ako sumasama sa kanya pag pupuntahan na niya ang barkada niya. Pag ganoong mag-iisa na lang ako, dalawa lang ang pinagpipilian ko, it's either uuwi na ako o mag-i-stay ako sa college office namin kung nasaan ang ilang org members namin. Swertihan naman na laging nandun si Diegz at abala sa mga ginagawa niya bilang isang Director for Finance. Lagi ko siyang kakwentuhan at kakulitan pag wala kaming ginagawa. Isa kasi akong VP-Internal kaya madali lang ang mga ginagawa ko. Paperworks lang yun at minsan ay si Diegz na ang pinapatrabaho ko nun pag tinamad.

Tulad ngayon, kaharap ko na naman 'tong tukmol na 'to at tinatanong ako kung pwede akong pumunta sa kanila mamaya. Gusto daw kasi akong makita ng kapatid niya na nangyari namang yung babae sa jeep na 'ini-snatch-an' ko.

"Sabihin mo, wala ako sa mood. Saka nakakahiya naman sa kapatid mo 'no!" sabi ko sa kanya tapos ay chineck ko yung ginagawa niya. Gumagawa din kasi siya ng thesis eh, nagpapatulong siya sa Socio-Economic aspect.

"Hahaha. Nahiya ka pa, eh crush ka nun." masaya niyang pagbabalita habang busy sa pagta-type.

Napasandal ako sa upuan ko at hinayaan kong mag-slouch ang sarili ko.

"Ano bang meron sa akin at puro babae na lang nagkakagusto sa akin? Wala man lang bang isang lalaki dyan na maglalakas ng loob na sabihing 'May gusto ako sa'yo, Allen!'" pagrereklamo ko sa harap niya tapos ay napapikit ako dahil sa stress.

"Mahal na mahal kita, Allen!" biglang sigaw ng isang lalaki sa may pinto.

Lahat kaming tao sa loob ay nagtayuan at tinignan kung sino ang gumawa nun.

Ang pagkakamali ko, kahit na kilalang-kilala ko ang boses na yun ay sinalubong ko pa rin ang tingin niya.

"Mahal na mahal kita, Allen!" sigaw ulit ni Karl tapos ay nginitian ako at saka tuluyang lumabas.

"Anong problema nun?" tanong sa akin ni Diegz. Hindi ko siya masagot kasi busy pa ako sa pagtulala sa pinto kung saan kani-kanina lang ay nakatayo si Karl at nag-deklara ng kung anu-anong kalokohan.

Pero kalokohan pa ba yun? Bakit feeling ko totoo yung sinabi niya? Bakit feeling ko mahal na mahal niya nga ako? Bakit naglalakas-loob na siyang isigaw ang mga ganung bagay sa harap ng maraming tao?

"Sinabi ko na nga ba, aamin din yang kaibigan na yan ni Allen eh. Damang-dama ko na siya dati pa. Hindi ko lang makumpirma dahil baka masamain niya." dinig kong sabi ng isa sa mga officers ng Management.

Matapos yun ay nagbulungan na ang mga tao na parang mga bubuyog. Hindi ko naman mapigilang mangiti habang paupo ulit ako.

"Isang buwan? Medyo matagal niya din na-realize na mahal ka nga niya talaga." mahinang sabi ni Diegz na para bang sarili niya ang kinakausap niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa. Hindi ko mapigilan ang ngiti sa pagkawala sa mga labi ko kaya tumayo din agad ako at nagpaalam kay Diego na uuwi na.

Agad akong lumabas ng university at sumakay ng jeep. Buong biyahe ay para akong tangang pinagtitinginan ng mga tao pero hindi ko sila pinansin dahil masyado akong masaya ngayon. Pag-uwi ko naman sa bahay ay pumasok agad ako sa kwarto at sumalampak sa kama ko.

So Into You (BxB)Where stories live. Discover now