"Pag-aaralan?" He scoffed. "Bumagsak nga ako sa college dahil tamad akong mag-aral."

He quit school after two years of business management course, pakiramdam niya ay nagsasayang lang siya ng panahon dahil hindi talaga para sa kanya ang pag-aaral. He just hated routines and on-time schedules. Iyon din ang dahilan kaya hindi siya nagtagal sa kanyang modeling career.

"You can't just be a bum forever, Sloane," may diing sabi ni Natalia.

Napamata rito si Sloane. His mother had never called him that word before, madalang din itong magalit o magtaas ng boses sa kanya.

And she was not apologetic at all. "We're getting old and time waits for no one. Ayokong mapariwara ang buhay mo kung wala na kami ng Daddy mo. Kailangan mong matutong maging responsable," sabi pa nito.

Idinuro siya ni Francis. "Look, kid, hinayaan kitang gawin lahat ng gusto mo. Tiniis ko lahat-lahat ng mga kahihiyang bigay mo sa pamilyang ito. It is time for you to pay us back. Ito lang naman ang hinihiling ko sa iyo. Ito lang!"

Oo nga, ito lang naman. Kasal lang naman.

Muli siyang nagkamot ng ulo. "Teka nga muna, papayag ba itong Helga sa marriage of convenience na ito?" Parang gusto na niyang kilabutan, pangkontrabida pa naman ang pangalan ng babae.

"Walang problema sa kampo ni Vasco Tuazon," sagot ng ama. "Kilala ang angkan niya sa mga business arrangement na ganito."

"How old is she again?"

"Twenty-nine," ani Francis.

"She's older than me?!" bulalas ni Sloane.

"You're already twenty-eight, hindi ka na bata!"

"Twenty-seven pa lang, Dad. Apurado naman kayo." Napapalatak siya. "Is she pretty?" pagkuwa'y tanong niya na nag-cross fingers pa.

"She is very pretty!" Si Natalia ang sumagot. "Francis, ipakita mo nga ang picture ni Helga, dali," saka excited na utos nito sa asawa.

Iiling-iling naman si Francis na may pinindot sa keyboard ng computer nito saka iniikot ang monitor paharap kay Sloane.

Tumambad sa kanya ang parang resume ni Helga Celine Tuazon. Sa picture agad siya napatingin. Hanggang upper chest ang kuha ng camera sa babae, kulay light gray ang background. Kulay dark blue ang collared blouse na suot nito; bukas ang pinakaitaas na butones na nagtatambad sa pinong white gold chain na may palawit na round diamond. Walang gaanong makeup ang mukha nito, her lips were lightly colored in rose and her high cheekbones seemed to have a natural blush. Her chestnut brown hair was neatly combed back in maybe a ponytail or a bun, not one single strand was out of place.

She was pretty alright, but that was not the reason why Sloane's gaze started to linger at the picture. Mayroong kakaiba sa mga mata ni Helga. Maybe the way she was looking back at the camera? Sa tingin pa lang nito ay malalaman nang hindi ito basta-bastang babae. There was haughtiness, there was power in her eyes. There was... fire. Those were the eyes of a woman who could grab life by the balls. And yet, parang... parang may nagkukubli ring mga kahinaan sa mga mata nito.

"Well?" pukaw sa kanya ng ama.

"O-oh."

What the hell? Picture lang iyon pero kung anu-ano nang naiisip niya. May there was power in her eyes pa siyang nalalaman! Dati-rati ay iisa lang naman ang naiisip niya kung may nakikita siyang picture ng isang magandang babae: SEX.

"Wala bang full-body picture?"

Tumawa si Natalia. "Ikaw talaga, Sloane!"

Itinalikod na ni Francis ang monitor mula kay Sloane. "I'm sending her information in your eMail. Call her very soon."

My Husband Next Door (PREVIEW ONLY)Where stories live. Discover now