Chapter 39

12.2K 250 6
                                    


  Triton's POV

DECEMBER 31

NEW YEARS' EVE.

Kompleto ang handa, ang kagamitan, pero hindi kami.

Lahat ng namatay sa digmaan ay pincremate namin upang may mapagluksa ang mga pamilya nila.

Pero kami ito..

Nag aabang sa pag gising ng panganay namin.

Si Karma.

Dala nadin namin si Aerise, dahil kinuha namin sya matapos ang digmaan.

Alam nadin pala nila, na kinuha ng moon goddess ang isa sa panganay namin.

"mababaliw na ako, triton" bulalas ni matilda habang pinagmamasdan si karma "di ko na kakayanin.."

Kinuha ko ang isang upuan saka naupo sa tabi nya "di mo na kaya?" tanung ko "eh pano kami ni aerise? Wala na nga si aerial, wala na kaitou, panu kami?"

Pinagmasdan nya ako "kaya mo naman kahit wala ako"

Napangiti ako ng mapait "kaya ko?" nagbuga ako ng hangin "nawalan nga lang tayo ng anak, halos mamatay na ako sa sakit. Ikaw pa? Baka sumunod agad ako sayo"

"you got to be kidding me, panu si karma at aerise-"

"o sige nga, sagutin mo ang tanung na yan. Panu sila kapag mawala ka? Panu kami?"

Tinitigan nya ang mga mata ko "tama ka, di pa natin oras"

"di pa nga" sabi ko saka niyakap silang dalawa "ang isipin muna natin, kung panu ipapaliwanag kay karma ang lahat"

"di ko kaya" wika nya

Ngumiti ako "talaga. Dahil 'kaya natin'. Ikaw at ako. Tayong dalawa ang magpapaliwanag ng lahat sa kanya. Masaktan man sya, magalit sa atin o mamuhi sa mundo, di natin sya iiwan. Natin natin, iiwan ang pamilyang binuo natin."

Naramdaman ko ang pagtango nya "tama ka, kaya natin."

Napangiti ako ng malungkot at tinignan ang larawan ng kambal sa side table- mukha pang masaya si kaitou dito. Ito yung mga panahon bago sila ilayo sa amin.

Kung sana maibabalik ko lang ang lahat, pangako anak, di kita papakawalan sa yakap ko..  

  --
"MISTER Grain" pagpukaw ng kanyang sekretarya sa kanyang atensyon "andito na po ang representative ng SFHS Senior Year"

"let her in" wika ng lalaki na kasalukuyang nakikipagpalitan ng mensahe sa kanyang ama.

Marami na nga syang gawain, deadline pa nya sa isang proyekto.

Napasapo sya kanyang noo at marahan itong minasahe.

Kailangan pa nyang puntahan ang singapore branch nila para icheck ang mga inirereklamo ng mga costumer nila.

"good morning sir," wala sa sariling napangisi sya ng marinig ang boses nitong halatang ang timbre ay nagmana sa ina "ako po pala si angela agustin, ako po ang representative ng- wait nga lang po. Mawalang galang na ho, ano? Pero kayo po ba ang boss dito?" tanung nito.

Tumayo sya ng maayos saka sinalubong ng ngisi ang pagkagulat nito "yes, miss agustin. Let me introduce myself, Karma Jinx Grain, the CEO of TMG hotel and restaurant."

Napanganga ang dalaga ng mapagmasdan nya ang mukha nitong maamo, nanlilisik na mga mata at pulang buhok- kulang ang salitang GWAPO para idescribe ang itsura nito.

Kung kagaya lamang sya ng mga kaibigan marahil naglalaway nadin sya pero- di nya ito type!

"uhm.. Andito po ako para ipaliwanag kung bakit di nyo pwedeng bilhin ang eskwelahan namin!"

Mukha namang natuwa ang lalaki saka naupo "okay, i have all the time in the world. So please, explain yourside."

"AT nakita mo sya?" tanung ni russel sa pinsan, tinanguan lang nya ito "dapat kinuha mo na!"

"alam nating di pwede, ang magagawa ko lang ay bantayan sya at ingatan." saka ininom ang jack daniels sa kanyang baso

"pero 'tol!" napa palatak naman sa inis si russel "sayang ang chance!"

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon