Chapter 7

14.5K 324 2
                                    


  Matilda's POV

HUMIHIKAB ako habang nasa loob ng kwarto.

Minamadali ni triton ang kasal pero heto ako nasa loob ng kwarto, paki ko ba sa kasal na yan? Di naman ako mahal ng mahal ko!

Pero ang mas masakit ay ang malamang pati sa mga anak namin wala syang paki.

Ganun ba talaga nya kamahal yung babaeng yun? Na kahit ilang tao na ang nakakalipas ay di nya parin magawang patawarin si papa?

"luna, eto na po ang gagamitin nyo" tumayo ako upang buksan ang pinto. Agad namang inilagay ng maid sa kama ang susuotin ko.

Sa harap lang ng mansion gagawin ang kasal, na dadaluhan ng mga matataas na kauri nila at ang tinatawag nilang konseho.

Simpleng gown lang ang pinili ko. Dahil di ko rin naman ramdam ang excitement na nararamdaman ng mga ikakasal dahil mukhang tinatamad magdesisyon ang groom- parang ewan kaya ang kasal namin.

Magtatanung sya sakin kung anung gusto ko o ano, tapos iba ang gagawin.

Isang linggo lang.

Pero nagawa nyang miserable ang kasal na'to.

Kulay itim at pula ang reception, okay sana kung hindi lang mukhang panlamay ang mga bulaklak na nasa aisle.

Alam ko man ang totoo o hindi, tiyak na masasaktan at masasaktan padin ako.

Wala sila mama gaya ng pangarap ko..

Walang maghahatid sa akin sa altar, siguro nga parusa para sakanya ang pakasalan ako.

Gaya ng parusa para sakin ang makasama sya.

Haist!

Nabubwisit talaga ako!

Parang gusto kong tapyasin ang ngiti sa mukha nya..

Napapailing nalang akong umalis sa bintana at tinungo ang kama.

Mamaya gabi na, minadali talaga nya upang sakto sa kabilugan ng buwan.

Bwisit!

Alas singko na ng hapon.

Kinuha ko ang dress saka pumasok sa cr.

Yes wala akong stylist.

Ako lang mag isa.

Naligo ako at naghilod.

Kailangang tanggalin ang libag.

Kinulot ko ang buhok ko saka nag apply ng polbo at lipstick.

Sinuot ko na ang dress na kulay puti at kumikinang ang tela.

Di ito ang pangarap ko pero may magagawa pa ba ako?

Naglakad na ako palabas sakto namang mag aalas syete na.

Puro bulaklak ng pang patay ang nasa mga madadaan ko.

Pero binalewala ko nalang.

Wala akong hawak na bulaklak dahil di daw uso yun, pinagtawanan pa nga ako nung malanding wedding planner na taong lobo.

Oh well does it matter?

Naglakad lang ako sa kulay itim na carpet patungo sa labas.

Walang flower girls or what.

Ngumuso lang ako habang naglalakad.

Nandun na ang lahat ng bisita at lahat sila nakaitim.

Para talagang lamay!

Ako lang ang nakaputing long sleeves, u-neck dress na above the knee ang skirt length.

Psh. Para akong naliligaw sa lungga ng mga lobo.

Huminga ako ng malalim at sinimulan ang paglalakad sa aisle.

Wala akong pakialam sa mga naiisip nila o ano, basta nanatiling nakayuko ako.

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon