Chapter 12

15.1K 350 17
                                    

  Poseidon's POV

"KAMUSTA si matilda?" tanung ko sa mga lobong papasok palang sana sa hotel.

"maayos na po ang lagay nya ang kaso di namin nalaman kung anung lagay ng mga anak ni alpha" wika ni levi

Pinakiramdaman ko ang buong hotel bago humarap sa kanilang dalawa "ipagkalat nyong namatay ang mga anak ng alpha" bulong ko sa kanila

"b-bakit po?" tanung ni neon

"para tigilan na ng lahat si matilda, sa gayon ay maging ligtas sya.." napatango naman silang dalawa "una nyong sabihin sa aking anak ang bagay na yun saka kayo bumalik ng hospital at.." inabot ko ang isang sobre ng isang bangko "ibigay nyo sa kanya yan.."

Tumango sila.

"pero di po ba isang katrayduran ang gagawin namin sa alpha?"

Ngumiti ako "ako ang ituro nyo kapag magkabukingan na.."

"kayong bahala gamma.." saka ko sila pinapasok

Alam kong mas lalo malalagay sa kapahamakan si matilda sa ginawa ng aking anak at di ko hahayaang madamay ang aking mga apo sa kalokohang ito.

Matilda's POV

DAHAN-DAHAN kong binuksan ang mga mata ko at tumambad sa akin ang maputing paligid.

Salamat at buhay pa ak- teka! "ang mga anak ko?!" tinanggal ko ang kumot saka hinipo ang tyan ko- medyo malaki na ang tyan ko kaya alam kong buhay sila.

"you have a very strong babies" napatingin ako sa nakabukas ng pinto "nagulat ba kita?" umiling lang ako "good, anyway, i am doktora Amanda Davis. Swerte ka at nagbakasyon ako dito, by means of that dito ako naassign." ngumiti sya "anyway, your babies are healthy and lucky" sabi nya "sa laki ng nagawang sugat nung- whatever he is, maswerteng di nadamage ang bahay bata mo."

"salamat"

Natawa sya "thank yourself and those people who helped you"

"sana nga po makapagpasalamat ako"

"anyway," may kinuha sya sa hawak nyang sobre "pinabibigay ng isang lalaki, ang sabi nya ay pinapasabi daw ni Mr. Poseidon na mag iingat ka."

Napatango ako at nagpasalamat "ah ilang araw po ba akong natulog?"

"er, actually dalawang buwan ka nang tulog. Kaya kung nakikita mo wala na ang mga sugat sa tyan mo" pagbibigay alam nya sakin "maayos na naman ang lagay mo pero kung gusto mo pwede ka pang magstay dito"

"hindi na.." wika ko "pero ayos na ba ako?"

"oo naman, wait, aasikasuhin ko lang ang mga papeles mo"

"salamat po" saka sya umalis

"anak," pagkausap ko sa tyan ko "tinakot nyo si mama, pero salamat at di nyo ako iniwan"

--
Nang maibigay ng doktor ang mga papeles kasama na ang sukli sa ibinigay na bayad nung lalaking inutusan ng papa ni triton ay ibinigay din nya.

Siguro mas maganda kung umalis muna ako ng bansa para makalayo sa lahat ng lobo dito.

Pagkalabas ko sa hospital ay agad akong dumiretso sa bus station upang makauwi na sa pangasinan.

Nang makarating ay agad kong hinanap sila mama at papa "mama, papa" natigilan ako ng makitang walang tao.

Kinuha ko ang sulat na nakapatong sa mga gamit kong dala dala ko dati.

'anak,

Kung sakali mang dumating ka dito sa bahay ay sana patawarin mo kami at iniwan ka namin. Pupunta kami sa pinsan ko, kay tita linda mo. Mag iingat ka anak."

"si tita linda? Eh matagal nang patay si  Tita linda" nakangusong wika ko habang nag iisip. Agad naman akong napangiti nang may mapagtanto! "tama!" agad kong kinuha ang mga gamit ko saka nagtatakbo palabas ng bahay.

Wala sila kay tita linda kundi nasa pinsan kong si ate anabeth na naiwang anak ni tita linda!

Kyaaah!!

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon