Chapter 34

9.5K 210 1
                                    


  Triton's POV

"NASAAN si mama?" yan ang unang tanung ni karma

"wala ba sya dun?"

Umiling sya at agad na nagtubig ang mga mata "si mama, papa, si mama gusto nilang kunin si mama.." sabi nya habang umiiyak "si kaitou.. Pa, si kaitou.." agad ko syang niyakap

"alam ko anak, alam ko. Babawiin ko sila, pangako" umiling sya ng paulit ulit

"si kaitou, papa, si kaitou..." naguguluhan ko syang pinagmasdan

"anung meron sa kapatid mo?"

Umiling sya saka umiyak

"karma, anung nangyari sa kapatid mo"

Umiling sya "si kaitou pa, hanapin mo sya pakiusap papa.." bago muling nawalan ng malay.

"alpha?" napalingon ako kay dylan

"bantayan nyong maigi ang anak ko" saka ako naglakad paalis "danielle, may balita na ba?"

Umiling sya.

"sabi na nga ba" wika ko "sabihan mo ang iba na puntahan ang dating mansyon ng konseho" napatango nalang sya "at isa pa, puntahan nyo ang bahay ni keaton."

"saan ka pupunta?" tanung nya

"magpapatawag ng meeting, kailangan nang matapos 'to" saka ako nagmadali akong bumaba 

Agad kong kinuha ang cellphone ko upang tawagan ang isa sa mga deta ko "puntahan nyo ang lahat ng alpha, at gusto ko silang makausap. Pati ang konseho-"

"pero paano alpha?"

"ipatawag mo sa lahat ng alphang pupuntahan mo" sabi ko

Nang makababa ako ay andun na sila maximo at ang pamilya nya pati ang kapatid ni matilda.

"nasaan si karma?" tanung nya, andito narin pala si mama

"nasa 4th floor, andun sila dylan" tumango sila saka nagmamadaling umakyat.

"anung nangyari?" tanung ni maximo

"marami, alin dun?" tanung ko saka naupo "gusto kong makipagmeeting mamaya"

"alam mong di makikialam ang mga alpha sa problema mo" sabi nya

"di ko nalang problema 'to maximo, problema na natin 'to. Sa tingin mo, ilang alpha sa mga sandaling ito ang may anak kagaya ko?"

"anung pinupunto mo?"

"di welcome ang mga half bloods sa kanila? Pero bakit miyembro nila si keaton? May witch at half witch" tumayo ako sa harapan nya "now tell me, ano nga ba ang mga pinupunto ko? Nakita mo ang anak ko kanina, and he's just 6! For  Petesake! Kakalabanin nya ang anim na bampira?! Sabihin mo nga, panung nagkaroon ng bampira sa city natin?"

Mukhang pati sya di masagot ang tanung ko.

"kailan pa nagkaroon ng bampira dito?"

"panung bampira?!" bulalas ng asawa nya "hindi ba walang bampira dito, dahil konseho ang humaharap sa kanila?"

"oo" sagot ni maximo

Ngumisi ako "isa sa kanila, kinagat ang bunso ko sa likuran, now tell me kung imposible yun"

"fvck!" bulalas nya "kailan mo pa alam ito?"

"matagal na" sagot ko "kaya nagpaplano kami para maibulgar ang lahat hanggang sa may nagtraydor uli sa akin"

"sino?" agad na tanung ng asawa nya

"si athena, matagal nang sinasabihan ni matilda"  

  "about?"

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon