Chapter 13

15.4K 350 11
                                    

  6 years after..

Matilda's POV

"LOOK what we have here?" napatingin ako sa mga anak ko mula sa librong binabasa ko- may nakita silang deer at maya-maya lan- ay hindi ngayon na pala.

Hinabol nila ng hinabol yung usa hanggang sa di ko na si makita.

Napailing nalang ako saka muling nagbasa.

Mga adik kasi talaga ang mga anak ko.

"mama! Mama! Look!" sigaw ni Kaitou saka itinaas ang usang sakal sakal nya

"anak! Let go of him!"

Ngumuso sya saka pinakawalan ang usa pero ang sumunod na nagpakita ay naging dahilan upang atakihin ako sa puso!

Ang putcha! Kailan pa nagka grizzly bear dito sa london?!

"he's just sleeping" wika ni karma na panganay sa kanilang dalawa

"eh bakit hinila mo pa?"

Umiling sya "inatake nya ako" saka naupo "i made him sleep" napailing nalang din ako

Kung titignan pinaghalong mukha ko at ni triton ang mga mukha nila.

Parehas silang silvery ang kulay ng mga mata pero kasing itim ng gabi ang mga buhok, kasing pula ng mansanas ang mga labi at kasing puti ng gatas ang mga kutis   

Mas matangkad narin sila sa mga kaedad nilang 6 years old.

Parehas pang advance mag isip at parehas matataas ang IQ, over 200 ang IQ ng bawat isa.

How do i know?

They we're just 6 months when they first uttered their first words and 7 months when they began talking straight. They love reading books and they also love math- advance math.

Isang bagay lang ang di nila pinagkapareho, at yun ang pagiging sira ulo ni karma at maloko ni kaitou.

Sira ulo, panu ko nasabi?

He's not- i mean, he is beyond his looks. Mukha kasi syang maamo.

Pero kapag nagsimula nang bumuka ang bunganga nya- di lang puso mo ang durog pati pagkatao mo.

Di ko alam kung saan nya nakuha yun, ang weird lang kasi..

Kaya nyang manipulahin ang mga taong nakapaligid sa kanya ng di nila nalalaman.

Si kaitou, maloko yan, he loves playing tricks unlike karma, kaya nyang gumawa ng kakaibang bagay with his own.

He's a total performer.

At mabilis ang kamay.

Since nalaman nya ang meaning ng pangalan nya pinanindigan na nya.

Napailing ako ng  makitang pinaglalaruan nila ang oso na parang manika.

Haist. Pagod na ako!

"guys, halika na let's get going!" tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa damuhan na agad naman akong sinundan ng dalawa.

Tambayan na naming tatlo ang gubat na'to, kahit na tatlong oras ang layo sa city it doesn't matter basta dito pwedeng magpakatotoo ang mga anak ko ng walang manghuhusga.

"paunahan tayo karma" saka sila tumakbo ng mabilis

Tsk. Iniwan na naman ako sa gitna ng gubat.

---

"ma, pa, anung nangyayari?" tanung ko ng makitang nagkakagulo sila sa bahay

"si reese" napatingin ako sa kapatid ko "patay na" nanlaki ang mga mata ko saka agad na hinanap si ate anabeth "wala sya, kasama ng mga anak nila. Ia-identify daw ang katawan.."

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon