Chapter 9

14.8K 316 5
                                    


  Nagdrawing ng bilog si lola sa sahig at naglagay ng star sa gitna at buwan sa pinaka gitna ng star.

May mga isinulat syang salita na di ko maintindihan tapos tumingala sya ng nakadipa ang mga kamay at nagdasal ng salitang di ko rin maintindihan.

Ganun din ang ginawa ni tita.

Paunti unting lumalakas ang mga boses nila hanggang sa sinisigaw na nila ang mga ito.

Tapos nagliwanag ang bilog at habang nagdadasal si lola ay pinapasok ako ni tita.

Sobrang hangin sa loob ng liwanag gaya nung araw na kasal namin ni triton.

Triton's POV

Kasalukuyan kaming nasa meeting room, at pinag uusapan ang mabilis na pagdami ng mga rogue.

Ano ba kasing problema ng ibang pack?! Tsk.

Teka, ang weird...

Tinignan ko ang mga braso ko na nagsisimulang mamula at kumirot.

"fuck!" bulalas ko bago sumigaw sa sakit. Txngxnx! Ang sakit! Para akong mamamatay!

"alpha anung nangyayari?" pinagkakaguluhan na nila ako at ang iba ay tumawag na ng omicron.

Mas lalong lumakas ang pagsigaw ko kasabay nanunuot na sakit sa mga braso ko at pati ang pagshishift ko na dati ay balewala lang, ngayon ay mas sumakit!

Ang masaklap di ko kayang pigilan ang pagshift ng katawan ko!

"AAAAAAARGH!!!!!"

"what the hell?!" bulalas ni xian nang makita nya ako "tulungan nyo ang alpha, dalhin natin sya sa kwarto nya!"

"FVCK!!!!!!" ipinikit ko ang mga mata ko habang pilit na pinipigilan ang pagsigaw.

Pero isang imahe ng babae umiiyak din at sumisigaw ang nakita ko.

Si matilda..

Kitang kita ko ang dalawang witch na nakapalibot sa kanya at mukhang dinadasalan sya!

Sht! Dinudugo na sya!

"STOOOP!!!!! TAMA NA!!!!!!!!!" malakas na sigaw ko at nang muli kong buksan ang mga mata ko ay nakapalibot na sila sakin at mukhang nagulat sa pagsigaw ko.

"mukhang wala na.." wika ni xian saka tinignan ang mga braso ko "malakas talaga ang bond na ginagawa ng moon goddess.."

"ano bang nangyari?" naguguluhan kong tanung "bakit masakit ang mga braso ko?"

"may nagpipilit na magtanggal ng lubid na nagtatali sainyo ng iyong asawa.." sabi ni dad

Agad kong tinignan ang mga braso ko at tinignan ang namumulang marka.

"kung sakaling pinagpatuloy nila yun, isa sainyo ni matilda ang mawawala" paliwanag pa ni dad "at halata naman kung sino sainyo ang mahina.."

"nakita ko sya.." bulalas ko "may kasama syang dalawang babae at may dinadasal sila. Habang nasa gitna sya at namimilipit sa sakit.."

"mukhang pinapatanggal na nya ang bond. Ang kaso may problema, dahil di 'yon matatanggal kahit kailan.."

Di parin ako makapaniwala...

Ang sakit...

Yung sakit na naramdaman ko ng makita ko syang dinugo ay higit na mas masakit sa naramdaman ko kanina.

Inis kong sinabunutan ang buhok ko - ano bang nangyayari sayo, triton?

Anak sya ng pumatay kay maxine na mate mo!

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon