Chapter 28

11.3K 234 0
                                    


  Triton's POV

MALAKAS na sigaw ni matilda ang bumalot sa buong salas kasabay ng pagliyab ng kanyang katawan.

Mabuti nalang at tila di nakakahawa ang apoy sa katawan nya- pero di ko maintindihan, bakit sya nagliliyab?

Tinignan ko ang kaninang pinaglalagyan ng bolang apoy. Wala na ito dun!

Fuck!

"matild-" isang malakas na sigaw mula sa kanya ang nakapag panic sa amin lalo.

"SASHA! GUMAWA KA NG PARAAN!"

"OO PERO WALANG PANGONTRA DITO!"

Nasasaktan ako habang pinagmamasdan ang katawan nyang balot ng apoy.

Pati ang mga mata nyang nagliliyab!

Fuck! Anung gagawin ko?!

Natigilan ako ng makita ang tyan nya na tila balot ng apoy.

Ilang sandali pa ay muli syang sumigaw ng mas malakas kasabay ng paglakas ng kung anung nagliliyab mula sa tyan nya.

"MATILDA!" napabuntong hininga ako ng masalo ko sya "matilda, mahal ko? TAWAGIN NYO SI ANDREA!" hinimas himas ko ang mukha nya "mahal ko, ANO BA?! NASAAN NA SI ANDREA?!"

Pero wala man lang pumansin sa akin kaya tinignan ko sila ng masama at handa na sana akong sumigaw sa galit nang makita ko ang mga itsura nila.

Nagtataka man ay dahan dahan ko pa ding tinignan ang naging dahilan ng pagkakatulala nila.

Maski ako ay nanlaki ang mga mata!

P-p-panung may puting lobo dito?

Alam kong lobo ito pero di ko alam kung sino ito.

Agad kong kinuha si matilda habang nakatingin sa ginto mga mata nito na tila naghahamon.

"dylan, puntahan mo si andrea kailangan ni matilda ng tulong" saka ako nagtungo sa kwarto pero agad akong napahinto "kung sino ka man, umalis ka na sa pamamahay ko. Dahil di mo gugustuhin kapag ako ang magalit" saka ako nagpatuloy.

--
Karma's POV

HANGGANG ngayon di padin ako makapaniwalang nanggaling kay mama yung lobong yun!

Napatayo ng bumaba muli ang lobo- halos kasing laki ito ni papa kapag nagwolf form sya, tapos nakasuot ng kalasag na kulay ginto at ang buntot nya ay pinaghalong pula at puti.

Marahil naintindihan nya ang gusto ni papa kaya agad syang bumaba pero bakit sya nanggaling sa tyan ni mama.

Naupo ito sa tapat ng hagdan at tila nag aabang sa pagdating ni mama.

"guardian" napatingin kami kay lola "para sa isang kagaya ni mama nyo, ay swerteng may guardian sya.."

"ano po ang guardian?" tanung ni reina

"yun yung hinahanap ng guidance counselor kapag may nagreklamo sayo" sagot ni kaitou

"hahahaha sanay na sanay ka ah?" biro ni kuya russel

"syempre, labas pasok ako dun dati eh hehehe" napailing nalang ako, talagang pinagmalaki pa nya yun?

Kapal talaga.

"hahahaha" nagtawanan silang tatlo na tila nakakatawa ang bagay na yun.

"lola, para po saan ang lobong yan?"

Ngumiti si lola "yan ang guardian ng mama nya, ang alam ko ay level 1 guardian palang ang isang yan" sabi ni lola saka ipinakita ang libro nya na may mga larawan ng mga guardians na meron ang mga tipo ng witches.

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon