Chapter 6

15K 308 0
                                    

Triton's POV


"BAKIT ba minamadali mo ang kasal?" napalingon ako sa nagtanung si Dylan, isa sa mga beta ko.

"para magawa ko ang plano ko" sagot ko habang tinatanaw si matilda na nanunuod sa mga batang lobo.

"alam mong di matutuwa si maxine kung nandito sya-"

"eh ang kaso, pinatay ng ama nya si maxine"

Huminga ng malalim si dylan "di naman nya kasalanan ang kasalanan ng ama nya"

Humarap ako sa kanya "akala ko ba, kagaya ko ay iniibig mo din si maxine? Bakit tila pumapanig ka sa taong yan?"

"pero matagal nang patay si maxine" giit nya "at ang babaeng yan ang nagdadala ng supling mo, alpha, alam mo kung gaanu kahirap magbuntis ang mga babaeng lobo panu pa kaya ang tao?"

Napangisi ako "sa tingin mo ba magtatagal ang buhay nya? Kapag nalaman ng konseho na tao ang pinakasalan ko, kukunin sya at pahihirapan hanggang sa mamatay. Habang ako nagsasaya... Lalo na kapag nalaman ni Dencio na ang ama ng taong yan ay ang pumatay sa kanilang anak"

"kahit ang anak mo di mo man lang aalalahanin?"

"para saan pa? Eh si maxine lang ang nais kong maging ina ng aking mga supling" saka ko sya iniwan, sakto namang madadaanan ko si Danielle na kakambal ni dylan, na syang isa ring beta.

"sana nga ay di mo pagsisihan ang lahat sa huli, alpha." saka ako nilagpasan.

"pagsisihan? Kamatayan nya ang tangi kong hiling.."

-- -- -- -
"triton.." ngumiti ako para maipakitang masaya akong makita sya- kahit pa kinasusuklaman ko sya!

"kumain ka na ba?" tanung ko saka hinimas ang tyan nya, sa totoo lang ay natutuwa akong malaman na di lang isa ang dinadala..

Dahil alam kong mas isusumpa nya ang mga yan.

"di pa nga, nagugutom na nga ako eh.."

"halika" wika ko saka inakay sya

"good afternoon po" pagbati nya kay dad, na simula makita sya kaninang umaga ay di na sya muling pinapansin.

Kapag maikasal kami, plano kong pahirapan sya saka ko sya ibibigay sa konseho para sila na ang pumatay sa kanya.

"a-ahhh" mahinang daing nya, tsk, wala pang isang buwan yan ha, nasasaktan na sya..

"ang sakit ng tyan ko, okay lang kaya si baby?"  

   "oo naman, kain lang."

Isang sumpa para sa mga babaeng lobo ang pagdadalang tao ng higit sa isa.

Dahil ang lobo ay kinakailangan ng lakas kaya puro bagong karne ang kinakain nila at dugo ang iniinom nila. Dahil ang mga pagkain, kinakain namin upang pantawid gutom ay di sapat.

Kailangan nyang kumain ng isang buong baka para mabusog dahil kung hindi laman loob ng ina nya at dugo nito ang uubusin hanggang sa mamatay ito.

"kain ka pa.." kaya puro cereal ang pinapakain ko sa kanya- para unti-unti syang patayin ng mga anak nya.

"ija" napatingin kami kay mom "may papagawa ako"

"a-ano po?" dahan dahan syang tumayo

"sumunod ka!"

Kahit nasigawan sya ni mama at natakot "oi, dun muna ako ha?" tumango lang ako

Anung balak ni mommy?

Matilda's POV

"ANO pong-" di ko na nagawang tapusin ang tanung ko ng makitang patungo kami sa kwadra "a-ano po-"

Alpha's Babies (FOR EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon