Kabanata 17

16.7K 555 37
                                    

Kapalit

I blinked a few times to make sure that I’m not dreaming. Humarang si Ic sa aking harapan para matakpan ang news report sa tv.

“Lavie, make it stop,” Aniya.

Agad naman sumunod si Lavie at pinatay ito. Natulala ako sa dalawa at namayani ang katahimikan.

“Please tell me it’s not real!” ani ko sa dalawa.

Humugot ng malalim na hininga si Lavie bago ako nilapitan.

“It’s been going on for a while now. Your brothers tried to stop it but since tatakbo si Tito Mon sa susunod na eleksyon ay hindi pumayag ang mga kamag – anak niyo.”

Fuck me.

“The media is a mess but the good thing is wala naman silang sinasabing masama sa’yo…” Ic shrugged.

Pumikit ako at ilang beses huminga ng malalim para kumalma.

All I want to know right now is kung ano ba talaga ang nangyari. Kung tama ako ay dalawang araw na ako dito sa hospital at hindi ko pa rin alam ang totoong nangyari sa gulo na nangyari sa Tagaytay.

“What’s really happening out there?” frustrated kong tanong sa dalawa pagdilat ko.

Mabuti at dumating sila dahil bukod sa hindi maka-usap ng ayos ang mga kapatid ko, nag – aaway lang sila kapag nandito.

Paano ako makakakuha ng impormasyon sa ganong klaseng sitwasyon?

Nagkatinginan sila bago ako binalingan ni Lavie.

“Well, the security outside is super tight courtesy of your Tito Mon. As I’ve said, the news about your heroic stunt has been going on for a while now... Here, you should see it for yourself…”

Nilabas niya ang cellphone at ibinigay sa akin. Kunot noo ko iyong kinuha at binuksan.

“Jail, you’ve been the number one trending topic on twitter since yesterday,” Si Ic.

Nanlaki ang mata ko.

“What the hell? Paano nangyari ito?” gulantang kong tanong nang makita nga ang pangalan ko sa social media.

My followers on Instagram and Twitter boomed.

“I bet ubos na ang stocks ng Jailed Cosmetics. You should call Monique now.” Tumawa si Lavie.

Binato ko siya ng masamang tingin. Umirap lang siya at ngumisi.

“Seriously, you should just chill. Kagaya nga ng sinabi ni Ic ay hindi naman masama ang mga sinasabi sa’yo, you should be flattered," Aniya.

“Sira, she’s worried about her privacy!” Si Ic.

She’s right pero bukod don ay marami pa akong dapat isipin.

Isang video ang pinindot ko. It was an interview of my Tito Mon outside the senate.

“Ano po ang masasabi niyo sa kabayanihan na ginawa ng pamangkin niyo, Senator Ramirez?” tanong ng isang reporter.

Lumiwanag ang mukha ni Tito at humarap na sa camera. Wala naman talaga akong issue sa kanya but knowing him, alam kong gagamitin nga niya ito para mas bumango ang kanyang pangalan.

“Well, I’m proud of her but I’m really worried. Iyong batang ‘yon talaga. Hindi iniisip ang sarili basta para sa iba, manang mana sa akin…” tumawa siya, pati ang ilang reporters sa kanyang paligid.

Napairap ako. Sarkastikong natawa rin sila Lavie at Ic.

“Kamusta na po siya? May balita na po ba kayo sa kalagayan niya?” tanong ng isang lalaking reporter, pamilyar siya dahil mukhang sikat na reporter ang isang ‘to.

Just One Night [ Isla Azul Series #2 ]Where stories live. Discover now