Simula

37.4K 689 33
                                    

Simula

I took a deep breath while staring at the city lights.

"What do you think, Jail?" tanong ni Kuya Raia sa kabilang linya.

"I want to think about it more," sagot ko.

I heard him sighed.

"C'mon Jail, I can just say no to him..."

Nilingon ko ang kontrata sa aking tabi. Nabasa ko na ang bawat detalye na nakalagay doon, ang pirma ko na lang talaga ang kulang.

Hinilot ko ang aking sentido.

Kuya Raia was right. I could just say no and the deal was immediately off, but what about our company, then? Anong susunod ko na hakbang para mabawi 'yon?

Napailing ako. I didn't know what to do. Alam ko na hindi ako pwedeng maging makasarili sa bagay na ito. This wasn't just about me, this was also about the legacy of my parents and the hard work of my brothers.

"What about other options, Kuya Rai?" I asked after some time.

Ang pag - asa na may iba pa akong pwedeng pagpilian ay hindi namamatay sa akin.

"What do you mean?" walang ideya niyang tanong.

"Let's say...bibilin namin ang shares niya para mabawi ang kumpanya..."

Narinig ko ang sarkastiko niyang tawa, napa - irap naman ako. My suggestion was not that ridiculous, naman!

"Paanong bibilin kung baon nga ang pamilya niyo sa utang?!" he exclaimed. "If only Rylan agreed to be married with Sol Gualtierre, sana ay tapos na ang problema," dagdag niya.

Nanlaki ang mata ko.

Shit. I think I just got an idea!

"What if...What if ako ang magpakasal sa isa sa mga Gualtierre?" nabuhayan kong tanong.

Yes, magandang ideya 'yon, right?

Bata pa lang ako ay kilala ko na ang mga Gualtierre. We were all friends. Sa tingin ko naman ay hindi magiging problema sa akin kung isa sa kanila ang magiging asawa ko.

Narinig ko ang mura ni Kuya Raia.

"Saan mo ba kinukuha ang mga ganyan mong ideya?" his voice was laced with irritation.

"We're talking about your future here. We don't know his plans yet but I'm sure it's just a job, pero lifetime ang gagawin mong other option? The hell is wrong with you, Jail!"

Napakagat ako sa aking labi. He was right , again, but I'm running out of ideas here!

"Isa pa, how sure are you na papakawalan niya lang nang ganon kabilis ang kumpanya. He has enough money, hindi niya kailangan ang pera mo, Jail." He sighed. "Don't tell me hindi ka pa nakaka - move on kaya ayaw mo?" he accused.

What the hell was he thinking!

"You know the answer to that. Ayoko lang magalit ang mga kapatid ko," seryoso kong sabi.

"I'll call again tomorrow, dapat ay may desisyon ka na, by then," aniya pagkatapos ay pinutol na ang tawag.

Ugh, so frustrating!

I inhaled sharply as I stared at the moon. In times like this one, I needed its reminder for me, that I am still whole regardless of what situation I am facing today.

Pumikit ako at ilang beses pang huminga nang malalim.

My parents taught me to be brave, hindi man nila ako tinuruan maging masaya, at least, tinuruan nila akong maging matapang. At nung nawala sila, tinuruan naman nila akong maging malakas.

Just One Night [ Isla Azul Series #2 ]Where stories live. Discover now