Kabanata 16

15.9K 442 3
                                    

Truth

“Anong sabi mo?”

Isang malakas na sigaw ang narinig ko.
I tried to move, sinubukan ko rin idilat ang mga mata ko pero hindi ko kaya. 

“Tangina, bitiwan mo ko! I was just trying to get help!” sigaw naman ng isa.

I don’t know if my mind is playing tricks on me but these voices belongs to my brothers.

Sa pangalawang pagkakataon ay sinubukan ko muli dumilat. I catch a glimpse of a white ceiling but my eyes are betraying me. Nahihilo ako at hindi ko kayang dumilat ng matagal.

“Bullshit!” I’m positive that's Kuya Avery.

Even when I’m half awake, I’m wondering why they’re here.

Natapos ang pag – iisip ko dahil muli akong nawalan ng malay. Sa sumunod na gising ko ay mas nakaya ko na talagang manatiling gising.

The white ceiling and the white walls aren’t familiar. Napagtanto ko lang na nasa hospital ako ng sa aking gilid ay may nakasabit na dextrose.

Muli kong inalala kung ano ang nangyari. Naalala ko ang pag – alis ko sa rest house ni Saint sa Tagaytay, I remember going to Starbucks…and...shit

Nanlaki ang mata ko ng maalala ang tatlong lalaki na bumaril sa akin.

“Nurse! Nurse!” sigaw ng kung sino.

I am hyperventilating. Sobra ang takot ko at pakiramdam ko ay nandon parin ako.

Hindi ko nasundan ang nangyari pero nakikita ko ang ilang nurse na nagkakagulo sa aking harapan.

Nanginginig na ako sa takot. Bigla akong inantok at muling nawalan ng malay.

Nagising ako ulit at una kong napansin tanawin sa labas, madilim na. Ilang oras na ba akong tulog?

“Jail,” mahinahon ang boses ni Kuya Rylan ng lumapit siya sa akin.

“K-Kuya...”

Anong ginagawa nila dito?

What happened?

Tumango siya at ngumiti.

“I’m sorry…”

Hindi ko maintindihan kung bakit siya humihingi ng tawad.

Hinila siya ni Kuya Avery at inilingan siya. Pinalitan siya ng dalawa kong kapatid.

“Are you okay? Do you want to rest again?” nag – aalalang tanong ni Kuya Aaric.

Umiling ako.

“I’m done resting.”

Sinubukan ko tumayo pero biglang umatake ang sakit sa aking balikat. Napasigaw ako doon at muling humiga nalang.

“Shit, don’t move!” Si Kuya Avery.

Nilingon ko ang balikat ko na may bandage. I remember my hands covered with a lot of blood. Pumikit ako ng mariin at kinalma ang sarili ko.

I can do this. If I survive that gunshot, I can survive this too.

Ilang hingang malalim ang ginawa ko bago ako kumalma, all I know is that I need to recover from this trauma.

Nang sa wakas ay medyo ayos na ako,hinarap ko na ang tatlo kong kapatid. Lahat sila ay nag – aalala ang mukha.

“What happened?” tanong ko.

Kuya Aaric and Kuya Avery glanced at Kuya Rylan, I notice them throwing daggers at him na lalong nagpalito sa akin.

Just One Night [ Isla Azul Series #2 ]Where stories live. Discover now