Kabanata 11

16.7K 499 13
                                    

Bumawi

“You mean you’ve been avoiding him for a week now?” hindi makapaniwalang tanong ni Lavie.

Ngumuso ako at tumango.

“Don’t you think you’re just being too emotional about it?” dagdag ni Ic.

Personal, rather…” tumaas ang kilay ni Lavie.

Bumuntong-hininga ako at nagkibit balikat.

Isang linggo na nga ang nakalipas simula ng iwasan ko si Saint at hindi parin namin napag – uusapan ang desisyon niya.

I still stand in my opinion though, sa tingin ko ay hindi parin ako ang dapat niyang isama sa kasal ng matalik na kaibigan.

Nga lang, hindi naging maganda ang takbo ng isang linggo na pag – iwas ko dahil bumuhos sa akin ang alaala ng nakaraan.

It reminded me of the truth, it reminded me how painful it is to let go of someone I really want.

“You know, tama naman si Saint. Hindi mo na dapat isipin ang kapakanan nila pagkatapos ng lahat ng ito dahil I’m sure wala ka dito kung hindi naiintindihan nung Mallary ang sitwasyon,” Lavie explained.

Alam ko naman ‘yon, sa loob ng isang linggo ay napag isipan ko na rin ng mabuti ang sitwasyon.

Nang muli kong naalala ang nakaraan doon ko nakuha ang sagot kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit ako masyadong defensive, kung bakit ako umiiwas.

I’m just scared, natatakot ako na bumalik ang lahat ng nararamdaman ko.

Nakakatakot dahil alam ko na sa bawat oras na nakikita at nakakasama ko siya, baka gustuhin ko ulit ‘yung matagal ko ng pinakawalan.

Malinaw parin sa akin ang lahat at sa totoo lang kahit na nakakaramdam ako ng panghihinayang para sa amin, hindi ako nagsisisi sa desisyon ko.

Look at him now, he’s successful. Kung hinayaan ko na mahalin niya ako noon ay siguro hindi siya ganito ngayon.

But if this is the price that I have to pay for letting him go, okay lang dahil ito lang naman ang gusto ko. Makuha niya kung ano ‘yung deserve niya, at hindi kailanman magiging ako ‘yon…

“Going back, I still can’t believe it! Noong nabalitaan ko ang tungkol kay Saint four years ago. Hindi ko inaakala na darating ang araw na magkikita kayo ulit, I mean alam namin ang nangyari,” si Ic.

Tumango si Lavie at ibinaba ang juice na hawak.

“Hindi namin sinabi sa’yo kasi alam namin na kinakalimutan mo siya, akala namin hindi na importante. We just didn’t expect this,” aniya.

Saksi ang dalawa sa paghihirap ko noon dahil sa pagpapalaya kay Saint. Isang linggo pagkatapos ko siyang itaboy ay lumipad ako papuntang ibang bansa.

Madalas naman nila akong dalawin sa New York, somehow hindi nila nabanggit ang kahit ano tungkol dito sa Pilipinas.

Hindi naman sa bawal, iyon lang siguro ang nakita nilang paraan para pagaanin ang loob ko nung mga panahon na ‘yon.

“Nga pala, say thank you to him for us ha!” paalala ni Ic. “Kausapin mo na later, magpasalamat ka at pinayagan kami na dalawin ka.”

“Okay,” sagot ko.

Medyo nakaka guilty rin ang hindi ko pagpansin sa kanya. Normal parin naman ang routine namin, sinasama niya parin ako sa kanyang office, napansin ko na mas humigpit ang security, ang kaibahan lang talaga ay ang hindi naming pag – uusap.

Just One Night [ Isla Azul Series #2 ]Where stories live. Discover now