Kabanata 3

19.9K 570 70
                                    

Arrangement

Saint didn't say anything after that.

Hinayaan niya akong manatili sa kanyang office para kumalma at mag isip habang siya ay nagta-trabaho. I can't still believe it.

All I know is that nagbago na ang posisyon ko sa sitwasyon na ito, this isn't about the company or my feelings anymore. Naglaho na ang pakialam ko para sa mga bagay na 'yon, all I care about right now is my brother's safety.

Naalala ko ang mga sinabi ni Kuya Raia tungkol kay Saint at lahat ng nabasa tungkol sa kanya sa report ni Archer. He's beyond capable to do that. Wala lang sa kanya ang hiling ko.

Ang gusto ko lang malaman sa ngayon ay kung kamusta ang dalawa ko pang kapatid. May alam ba sila sa nangyayari kay Kuya Ry?

Naisip ko na pwede akong humingi ng tulong sa mga relatives namin. I'm sure Kuya Raia can help too. Makapangyarihan parin ang mga Ramirez, I'm sure hindi nila kami pababayaaan right? Kahit na mas makapangyarihan nga si Saint, kaya parin naman ng aming pamilya iyon diba?

Magulo parin ang isip ko. Alam ko na nakapag desisyon na ako, that I need Saint's help at talagang wala akong choice kundi ang gawin ang pinapagawa niya pero hindi nawawala sa akin ang kaisipan na baka mayroon pang ibang pagpipilian.

Kaya nga lang, kung talagang masasamang tao ang mga nautangan ni Kuya Rylan, paano ang safety ng mga relatives namin? Sobrang nakakahiya! Ayoko naman na pati sila ay madamay sa problema namin.

I sighed. Saint's offer is still the best option. Lalo na ngayon at hindi ako sigurado kung may alam ba ang mga kapatid at mga pinsan ko.

I have so many questions. Gusto ko ng tawagan si Kuya Raia pero paano kung hindi niya alam? Kapag nalaman niya ay paniguradong tatawagan niya agad si Kuya Ry. It will all lead to me kapag nangyari iyon. Dapat ay walang makaalam na nasa Pilipinas ako. Shit, I really don't know what to do...

Nag angat ako ng tingin kay Saint at naabutan ko ang titig niya. He looks so furious na para bang alam ang aking iniisip.

The sun is already setting behind him. Really, gaano na ba ako katagal nag - iisip dito?

Tumayo na si Saint, bumilis ang tibok ng puso ko sa ginawa niya at halos murahin ko ang sarili ko. Sa simpleng galaw ay nagkakaganito ako! What the hell!

"Let's go," He said.

Agad akong tumayo at sumunod sa kanya. May kung ano siyang pinindot sa glass door at agad bumukas iyon.

Nakahilera agad na nag iintay si Adelle at Luz paglabas namin. Behind them, may tatlong naka unipormeng lalaki, all of them are wearing black. Malalaki ang katawan nila at lahat ay may ear piece. Napansin ko ang titig ng tatlo sa akin.

Saint cleared his throat dahilan para bumaling ang tatlo sa kanya. My eyes settled in his broad shoulders, I feel so small behind him.

Hindi ko nasundan ang instruction niya sa kanyang mga assistant, puro tungkol lang naman sa trabaho at walang kinalaman sa akin.

Pagkatapos ay nilingon niya na ako. Nag angat ako ng tingin sa kanya at napansin ko agad na mas iritado siya ngayon.

It makes me wonder why, pakiramdam ko ay sobra ang galit niya sa'kin. Simula kasi ng tumungtong ako sa kanyang office ay hindi na nawala ang pagkakairita niya.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko pagkatapos ay bigla na siyang naglakad. Sa bilis niya ay nahihila niya na ako! Damn it! Kinakailangan ko tuloy bilisan ang lakad ko to keep up with him!

Pagpasok namin sa elevator ay medyo hiningal ako sa bilis niya. Napansin ko ang tatlong bodyguards na nakatingin muli sa akin. Uminit ang pisngi ko ng maisip ang kahihiyan.

Just One Night [ Isla Azul Series #2 ]Where stories live. Discover now