Kabanata 4

18.4K 535 57
                                    

Caught

I woke up hearing the sound of my ringtone. I immediately reached for my phone to stop it from ringing.

Sobra pa akong inaantok at hindi ko pa kayang dumilat. My phone starts to ring again and I swear it’s the most annoying sound ever! Sino ba kasi ang tatawag first thing in the morning!

I grunted and opened my eyes to see who's calling. It’s a video call request from Lavie, my best friend. Without thinking I accepted it right away.

“Make sure it’s worth it Lav, you’re disturbing my sleep!” I hissed. Ang mga mata ko ay muling bumagsak.

“Uh, excuse me?” Narinig ko ang pagkalito sa kanyang boses. “It’s not like we have the same time zone,” Depensa niya.

“Why are you sleeping in this hour ba? It’s too early," Aniya.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig, damn it! Agad akong dumilat para harapin siya. Nakataas ang kilay niya habang pinagmamasdan ako.

“Sorry, I just took a nap. Can I call you back? I’ll just fix myself.”

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis pinatay ang tawag.

Geez, muntik na ako mahuli!

“Sino ‘yon?” rinig kong tanong ni Saint.
Nag angat ako ng tingin sa kanya, kagagaling niya lang sa walk in closet.

Nakapag shower na at handa na para sa trabaho. He looks so fresh and very handsome. Ugh, napakaaga pa para purihin siya!

“My friend, ang alam niya ay nasa New York parin ako. I almost got caught,” Paliwanag ko.

I watch him as he fix his tie. I didn’t know how to do it, dapat ko bang aralin iyon? Kumunot ang noo ko, seriously Jail para saan? Umiling ako para mawala ang mga naiisip.

“Bakit hindi mo agad ako ginising? Sabi mo last night I need to go with you."

Kinuha ko ang unan at niyakap habang pinagmamasdan ang bawat kilos niya.

Napalunok ako habang sinusuot niya ang kanyang relo, hindi ko alam kung bakit sobrang ganda sa paningin ng ginawa niyang ‘yon. It looks good, and hot too.

Bumaling ang tingin niya sa akin at agad na nag init ang pisngi ko dahil nahuli niya ang panunuod ko sa kanya. His jaw tightened before giving me a small smile.

“I don’t want to disturb you. Come, let’s have breakfast,” Aya niya.

Tumango ako. Medyo nag panic ng maalala na kagigising ko nga lang pala. Malamang ay mukha akong patatas habang siya ay sobrang gwapo. It must be the reason why he smiled at me!

Mabilis akong pumunta sa bathroom para maligo na.

I fell asleep waiting for him last night. Pagkatapos kasi namin kumain ay nagpaalam siya na may aasikasuhin lang sa office niya sa baba.

Hindi ako sigurado kung natulog ba talaga siya sa tabi ko dahil natulog at nagising ako na wala siya. I was too nervous last night to the point na nakatulog ako! well it’s okay dahil hindi na ako nailang.

Una kong nakita ang luggage ko pagpasok ko sa walk in closet pero nanatili ang tingin ko sa mga damit na sabi ni Saint ay akin.

Sa totoo lang kasi ay duda ako sa mga damit na ‘to. Dalawa ang konklusyon ko, sa tingin ko ay kay Mallary ito pero dahil ako ang nandito pwede ko na gamitin tutal ay mayaman naman si Saint.

Pangalawa at mas tingin kong dahilan, since mag papanggap ako na fiancé niya at kasama niya ako palagi, kailangan ko magmukhang presentable at hindi magmukhang basura para hindi siya mapintasan.

Just One Night [ Isla Azul Series #2 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon