Chapter 37

368 12 0
                                    

Sinabi namin sa kanila lolo at Lola ang sitwasyon namin ngayon bago pa maka-alis si lolo.

Pumasok kami sa isang secret door sa isang wall sa corridor. May hinawakan lang si lola sa wall tapos biglang bumukas yung wall.

Madilim dito sa loob, then lola used a ball of fire from her hands to give us light. Torches suddenly lit up.

Bumaba kami sa isang napakahabang hagdan.

As we got deeper, lumalaki yung lugar, I can hear water droplets. This place is damp.

Saan ba kami pupunta?

"We're almost there."sabi ni Lola

Lumalapit sa akin Jace pero lumalayo ako sa kanya. Pinipigilan ko ang sarili kong maging katulad ng iba towards him. He trusts me, I know that he trusts me, kaya naman gagawin ko ang lahat para hindi ko masira ang tiwalang binigay nya sa akin kahit na nahihirapan na ako.

Pumasok kami sa isang kweba at the end of the stairs. And at the end of that cave is a door. May kinuhang susi so Lola sa hidden pocket ng gown nya at ginamit ito para buksan yung pinto.

Inside the door is a beautiful room that's full of bookshelves and books.

Wow ha, ba't sobrang tago naman ata nito?

"Umupo na muna kayo."sabi ni Lola sa amin.

Umupo kami sa isang malaking couch sa dulo ng kwebang ito.

Nasa dulo ako, malayo kay Jace. Nakadikit na ako sa dingding. Alam kong nakatingin sya sa akin, nakikita ko gamit ang peripheral vision ko.

"Ano? Wag mo nga akong titigan ng ganyan! Sabihin mo na ang gusto mong sabihin sa akin!"

"Sinong may sabing tinititigan kita?"sabi nya tapos bigla na lang syang lumapit sa akin.

Tinignan nya ang mukha ko, "Ba't mo ba ako iniiwasan?" Tanong nya, trying to make eye contact with me. Iwas naman ako ng iwas ng tingin. "Wag mong kalimutang huminga." Dagdag nya then he smiled at me.

Doon ko lang namalayan that I was holding my breath.

"Hmp! H-hindi kita iniiwasan noh!"

"Talaga?"tanong nya. "So ba't di ka makatingin sa akin?"

Tinignan ko sya sa mga mata nya, at iba talaga eh! Delikado!

Agad ko syang tinulak palayo sa akin, "Wag mo nga akong kulitin! Ang lapit-lapit mo kasi!"

Tumawa naman sya ng mahina.

Dumating na si Lola na may dalang malaking libro. Sobrang laki nito, gaya nung binabasa ni kuya dati.

"Heto, you need this book. Nandito lahat ang kailangan nyong malaman. Dito na muna kayo magtago."Lola

"Salamat po."

Dumating na si lolo at may dala syang mga pagkain.

Nakatingin sya sa aming dalawa, na parang may gustong sabihin. And then he finally spoke, "Can we really leave these two here Crystal? Alone?"

"Donovan, don't worry. They'll be safe here. Tara na... By the way iha, before we go, your brother may have a knowledge regarding your mark, he's been reading books from here."Lola

"Wala pong nakaka-alam tungkol dito. Si Jace lang, at ngayon, kayo po."

They left us here.

"Oh, eto kainin mo."sabi ni Jace, may hawak syang pagkain at nilapit nya ito sa bibig ko.

I opened my mouth at isinubo nya yung pagkain.

Ngumiti na naman sya kaya pinandilatan ko sya.

Anong problema ng lalakeng ito? Para bang he's doing it on purpose. Ako na nga tong lumalayo, sya pa tong lapit ng lapit na alam nya naman kung anong epekto ng kapangyarihan nya.

Black Wings: Raven Heart (Book 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon