Chapter 3

1K 37 1
                                    

Sinamahan nya ako sa clinic. Nandito lang sya nakaupo malapit sa bed habang inaasikaso ako ng doktor.

Binigyan ako ng icepack para sa mukha ko at nilagyan ng ointment ang sabog kong labi.

The doctor sighed at kinausap ako. The doctor's a guy by the way. He look so young.

"I won't ask you who did this to you dahil alam kong hindi mo na naman ito sasabihin, but please do take care. Ilang beses ka na bang napupunta dito sa clinic? A lot of times already. Naging suki na kita."

"Doc Ramon, ayaw nyo na ba akong makita?"then I pretended to frown.

"Who said that? Luna and I would be happy to see you basta wala kaming gagamutin sayo."sagot nya naman.

Tumayo na sya."Maiwan ko na muna kayo."

"Thanks doc." Sabi ng lalakeng naghatid sa akin dito. Tumango lamang si Dr. Ramon tapos ay isinara nya ang drape leaving me and this guy here.

"A-ahm.. Salamat sa paghatid sa akin dito."sabi ko sa kanya.

"Walang anuman. Mukhang nawawala na yung pamamaga ng pisngi mo, kaya mo na bang bumalik sa classroom? Sabay na tayo."sabi nya.

"K-kaya ko na pero mauna ka na lang, wag mo na akong ihatid. Hehehe. "

"Ha? Bakit hindi ka na sumabay. Magkaklase lang naman tayo."sagot nya ulit.

Magkaklase kami? Ba't di ko alam?

Siguro I looked confused kaya nagsalita ulit ito while holding his heart and pretending that it hurts.

"Ouch! Hindi mo ako kilala? Ka block section mo ako.I'm Angelo, Angelo Haides."sabi nya.

"Aah.. Narinig ko na ang name mo sa attendance."

He sighed,"Naka-upo ako sa ikalawang upuan said kanan mo."

"Aah.. Sorry talaga. Hindi ko kasi talaga kilala lahat ng mga kaklase natin except for those na lumalapit sa akin and I don't really talk too much."

"It's alright. I completely understand. Ganyang ganyan din ang parents ko, madaldal lang sila sa mga kakilala nila."sabi nya while smiling.

"Diba wala kang katabi sa chair mo?"dagdag nya.

"A-aah.. O-oo.."

"Lipat na lang ako doon, okay lang ba? Ang tangkad kasi ng nasa harap ko."tanong nya.

Tumango lamang ako.

Sabay kaming bumalik sa classroom, they were shocked nang makita kaming dalawang magkasama, lalo na sina Trisha, and she's glaring at me.

Habang itong kasama ko ay ngingiti-ngiti lamang, ako naman, kinakabahan sa posibleng mangyare.

Kinuha ni Angelo ang gamit nya sa upuan nya at nilipat sa upuan sa tabi ko.

Bakante parati ang upuan sa tabi ko at sa dalawang upuan sa harap ko at sa inuupuan ni Angelo ngayon.

Mas lalong naningkit ang mga mata nina Trisha.

Ano nga ulit ang tawag sa kanilang lima? FTs, Fabulous Ts.

Yumuko na lamang ako and pretended like I'm doing something para hindi na ako kausapin ng katabi ko.

Pero...

"Jacky, natapos mo ba yung pinapagawa ni Mrs. Murphy?"tanong nya habang nag sascan ng notbook nya.

"O-oo, natapos ko."simpleng sagot ko.

"Hayz.. Buti ka pa. Mamayang hapon ang deadline nito diba? Sana matapos ko agad to ngayon. Hindi na naman ako makakapag lunch nito (つд⊂). Si mommy naman kasi eh. Hayz.." sabi naman nya tapos nagsimula na syang magsulat.

Black Wings: Raven Heart (Book 3)Where stories live. Discover now