Chapter 16

484 17 3
                                    

Habang naka-upo ako sa may bintana ng classroom habang nagmamasid sa mga studyanteng naglalakad, hindi ko mapigilang mag-isip at tanungin ang sarili ko kung bakit may mga pixies o faeries o ano man ang tawag sa kanila na naglalaro sa harapon ko.

At tignan mo nga naman, kumakaway pa sila sa akin.

"Jacky."sabi ni Angelo while tapping my hand.

"Hmm?"tapos nilingon ko sya.

"I'm really sorry about yesterday. Hindi na dapat ako umalis."sabi nya with teary eyes.

He looked so guilty and sad for leaving me yesterday. Hindi nya naman kasalanan yun eh. Alangan namang 24/7 dapat nasa tabi ko sya. Alam ko namang kailangan nyang umalis minsan.

Teka lang, ibang mga multo na naman ang nakasunod sa kanya.

Napatingin ako sa notebook ko at nagpanggap na nagsascan ako ng notes.

"I-it's okay Angelo. W-wala ka namang kasalanan."

Napansin kong kinuha nya ang phone nya at may tinitext ito.

Nag doodle na lamang ako sa notebook ko. Pre-final Exam na pala namin next week.

Makalipas ang ilang minuto, biglang dumating si Sky.

"Good morning Jacky, Skyla- I mean Angelo."bati nya sa aming dalawa with a warm smile on his face.

"Good morning."

"Morning. Nandito na po ang mga kailangan nyo."sabi ni Angelo and handed Sky a bag.

"Thanks. You're the best. I better get going. Bye Gelo, bye Jacky. You kids have fun."sabi nya then he waved at us nung palabas na sya ng pinto after wearing the bag.

At sumunod yung mga multo sa kanya.

Napatulala ako. Are they following that bag? Or si Sky?

"Jacky. Hui Jacky, okay ka lang?"sabi ni Angelo while waving his hand in front of my face.

"H-ha? O-okay lang ako. P-pagod lang ako."

"Matulog ka muna dyan. Gigisingin na lang kita pagdating ng teacher natin."Angelo

"T-talaga? Okay cge.."I rested my head at pinikit yung mga mata ko and pretended to sleep.

Sumunod kay Sky yung mga multo. Sasabihin ko ba sa kanila ang nangyayare sa kanila?

Baka isipin nilang nababaliw na ako.

Yung salamin ko. Kukunin ko na pala mamaya. Buti na lang makukuha ko na yung eyeglasses ko.

Lunch break na, at sabay kaming dalawa ni Angelo papuntang cafeteria.

After namin bumili ng pagkain ay kumain kami sa table sa sulok dito.

Pinagtitinginan ako ng mga tao dito.

Bakit kaya?

Pero sa akin ba talaga sila nakatingin o kay Angelo?

Napa iling ako. May mga oras talagang ang feeling ko. Feeling famous kahit hindi.

I chuckled kaya napatingin sa akin si Angelo.

"Ba't ka tumatawa dyang mag-isa?"Angelo

"W-wala, may naalala lang ako."

"Ano?"

Naku lagot! Jacky naman kasi! Ano ba isasagot ko?

"A-ahm.. Basta! Secret."

"Yow Gelo! Jacky!"biglang sigaw ni Nathan.

Nasa cafeteria sya kasama si...

Sino ba sya?

Kahawig nya sina Angelo at Sky. She's so pretty.

Magkahawak kamay silang dalawa papunta sa table namin.

Ai.. Teka lang..

"Marga? What are you doing here?"Angelo

Marga?

"Pinapunta kami dito ng mahal na prinsipe."sabi nya habang tinuturo si Nathan.

Mahal na prinisipe?

"Stop calling me that on public."Nathan

"Sorry naman! Hahahaha! By the way, where's Tita Angel?"sabi nung Marga.

"A-ahm.. Kasama sina Sky. By the way! Marga, this is Jackilyn. And Jacky, this is Margaret."Angelo

I offered my hand for a handshake while smiling, tinignan nya lang yung kamay ko.

Then suddenly...

Niyakap nya ako.

"Nice to finally meet you. I've heard a lot about you!"masayang sabi nya.

"Nice to finally meet you too.."

Napatingin ako kay Angelo at kay Nathan. Ano naman kaya ang sinabi nila tungkol sa akin?

Sabay kaming apat kumain. Tahimik lang ako at nakikinig sa usapan nila.

The three of them are really close. She keeps on looking at Angelo. ⊙︿⊙

Ano bang nangyayare sa akin?

"Oops! Kailangan ko nang umalis! Baka mapagalitan ako ni daddy. Lagot na! Hahaha! Bye Jacky!"sabi ni Marga at tumakbo na paalis.

"B-bye.."

"Tignan mo yung babaeng yun.. Kaya ayaw kong pumunta sa inyo eh.. Mas kumulit kasi sya. Ano bang pinakain mo dun?"Angelo

"Namiss ka lang nun.. Hahahaha!"Nathan

Hmmm.. :(

"Balik na tayo sa classroom."Angelo

Tumango lang ako at umalis na kami ng cafeteria.

Pagkatapos ng class namin, derecho na kaming umuwi. Kasama ko parin si Angel dito sa bahay.

I opened my window at nagsimula akong mag-aral.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Pakiramdam ko ngayon, parang lumulutang ako sa hangin.

Nanaginip ako, nasa gubat ako, naglalakad mag-isa. Tapos biglang may narinig akong tumatawag sa akin.

"Jacky. Dito!"sabi nung boses ng babae.

Oh! Si Colein pala tumatawag sa akin.

Sinundan ko sya. Tumatawa sya at parang naglalaro kaming dalawa.

Pero bigla syang nawala.

At may humawak ng kamay ko kaya nagising ako.

"Ja-jacky!"hingal na sabi ni Angel.

"Angel?"

Hinila nya ako at napa-upo sya.

Tumayo ulit sya at niyakap ako ng mahigpit.

After few seconds, dumating sina Sky, Angelo, Nathan, Ren, Alex, Marga, and....

Teka lang, sino si Sky sa kanila? May kambal pala sya?

Then she let go of me.

"Anong nangyare? Ba't kayo nandito?"

Teka nga. Nasaan ba ako?

Napatingin ako sa palibot. Napa-ikot para makita ko ang buong lugar.

Doon ko lang napagtantong nasa malapit lang ako sa bangin kaya agad akong napaatras.

Bigla akong kinilabutan.

"Na-nasaan ako? Anong nangyare?"

Napatingin ako sa kanila, and all of them looked so worried. What's happening?

Black Wings: Raven Heart (Book 3)Where stories live. Discover now