Chapter 19

476 13 0
                                    

↭Angelo↭

Hinila ako ni Jacky hanggang sa marating namin ang silid ko. Pumasok kaming dalawa at agad nyang nilock ang pinto.

Binitawan nya ako at tumakbo sya papunta sa kama ko, pumasok sya sa kumot at hindi na gumalaw.

Lumapit ako sa kanya. Umupo ako sa tabi nya, at kahit na nasa ilalim sya ng kumot ay niyakap ko sya.

"Okay what's wrong? Why are you so mean to them? At ano yung ini-explain nila sayo?"

"It's better if you don't know anything."Jacky

"What? Inaway ka ba nila? May nagawa ba sila sayong masama? Are they bullying you? May nakita ka bang hindi mo dapat makita?"

I felt her stiffened after asking her that last question.

"Oookay.. So tell me what you saw.."

"Ayoko.."

"Come on Jacky, tell me."

"Ayoko nga!"

"I'm gonna give you a deal. Dadalhin kita sa secret room nina mommy at Tito if sasabihin mo sa akin kung anong nakita mo."

Napabalikwas sya agad, napahiga ako sa kama at natakpan ako ng kumot.

"Secret room? Dito sa mansion? May hindi pa pala ako napupuntahan dito? Kuya? Nasaan ka?"Jacky

"Nandito ako!"tinanggal nya yung nakatakip sa akin na kumot.

"Sorry.."sabi ni Jacky at binigyan ako ng peace sign.

"Tsk.. Kung di lang talaga kita mahal.."bulong ko sa sarili ko.

"Anong sabi mo kuya?"

"Wala!"sabi ko tapos umupo na ako sa tabi nya.

She leaned on my shoulder kaya naman inakbayan ko sya."So anong nandun sa secret room?"tanong nya sa akin.

"Secret nga eh 'di ba?"

"Eto naman! Parang wala naman tayong pinagsamahan nyan!"reklamo nya while pouting.

I pinched her cheek, "sabihin mo na muna kasi sa akin kung ba't ka nagagalit kay Nathan at Margaret. Sa pagkaka-alala ko, mas paborito mo pa nga si Nathan kesa sa akin eh."

"Aaray! Ha?! Eh paanong hindi sya yung parati kong lalapitan, ang busy nyo kaya ni Margaret! Halos araw-araw pa talaga nandito yung babaeng yun!"

Nagseselos ba 'to?

Hahahaha! Ang cute lang!

"Kasama nya rin naman parati si Nathan na pumupunta dito. Sabi mo pa nga pakakasalan mo sya. Nagpromise pa kayo sa isa't isa."napailing nlang ako.

"Bata pa naman kasi ako nun, I always thought that you and Margaret will be together, kaya naman naisipan kong tama lang na kay Nathan ako mapunta."

"Abnormal ka ba talaga or what? Sa tingin ko nga kahit na nasa sinapupunan ka pa ni mommy eh lumalovelife ka na!"

Ba't ba napunta dito ang usapan namin? Magsasalita pa sana sya pero bumalik ako sa unang topic.

"So ano na? Sabihin mo na sa akin kung ano nakita mo."

"Ahmm..."

"I'm waiting Jacky."

Niyakap nya ang braso ko, "nakita ko sila na magkahawak kamay and they were about to kiss. Hindi ko na nakita kung naghalikan ba talaga sila since tumakbo na ako paalis. I can't believe she betrayed you. And he betrayed me."

Napakuyom ako ng kamao sa free hand ko after hearing what she said.

Nasaktan si Jacky sa nakita nya. Kung pwede lang bumalik sa oras na yun, I won't let her see that.

Black Wings: Raven Heart (Book 3)Where stories live. Discover now