Chapter 29

433 13 0
                                    

Pagpasok na pagpasok namin sa school, nagsimula na agad ang bulungan. Nakasumbrero ngayon si Jace

*Akala ko ba ikakasal si Angelo sa iba?*
*Akala ko rin ganun! Pero look! Magkasama sila!*
*Fake news ata yun eh*
*Bakit, sure ba kayong si Angelo yan?*
*May iba pa bang white haired dito?*
*Like duh! Neron noh! Konti nga lang sila, like yung isang prof dito.*
*Prof?*
*Oo! Nakita namin sya 8months ago nung late na kaming umuwi! Grabe!!! Sobrang gwapo!!! Pero long haired yun.*
*So si Angelo nga yan!*
*Kasama nga nila yung faerie oh, dba best friends sila?*

Hindi yun Fake news, kailangan ba talagang kami yung pag-usapan? Why don't they mind their own business?

"Sikat nyo talaga Jacky."mahinang sabi ni Nathan.

"Yeah right, ganyan lang naman sila kasi alam nilang anak kami ng legendary Sky and Angel."

"Hahaha! Napagkamalan pang si Angelo si Jace."Nathan

"Mas mabuti na yung ganoon.."Jace

Dumirecho kami sa office ni Jace at puro libro yung nandito, nakakalat pa ang mga ito.

"Nice place."sabi ni Nathan.

Dali-dali nyang tinanggal ang mga librong nakapatong sa upuan doon.

"Need help?"Nathan

"No.. No.. Sorry hindi ako nakapag prepare, hindi ko naayos ang mga kalat ko. I didn't imagine a day would come that I could invite people inside my office." He placed the books that his holding above another pile of books. "Please sit. Want some milk, juice, or tea?"

"No thank you."

Nag-usap silang dalawa ni Nathan.

I gazed around the office, and my eyes caught a picture frame on his table. Pero nakababa ito.

"Jacky.."rinig kong tawag ni Nathan kaya napatingin ako sa kanila.

"Hmm?"

"Kanina pa tinatanong ni Jace kung gusto mo ba raw ng cake."Natha.ln.

"Oh.. Ahm.. Yes pls.."

"Okay, kukuha lang ako."sabi nya tapos lumapit sya sa isang mini refrigerator dito sa office nya at binuksan ito. "Wala na pala akong pagkain dito, pupunta lang ako sa kitchen ng school."

"No need. Okay lang wala."

"Kukuha din ako ng stock ko ng pagkain. Hehehe."Jace

"Pwede bang sumama? Gusto kong makita ang loob ng kitchen sa cafeteria. Hahahaha!"Nathan

"Sure.. How about you Jackilyn?"Jace

"Dito na lang ako."

Tumango sya at umalis na.

Pagka-alis nila, tumayo ako at tinignan ang nakakulob na picture frame, it's Jace with medium length hair, at napapagitnaan sya ng isang babaeng blond hair and lalakeng may red hair.

This girl must be his sister. Sino naman 'tong lalake?

Ibinalik ko sa dating pwesto yung picture frame at tinignan ko naman ang mga librong nakakalat. It's all about the history, about different creatures. Well, sya din naman ang professor sa history and creature subject namin.

Umupo ako sa sahig at nagsimulang magbasa, flipping each page and see if there's something about a mark.

As I was scanning the book, biglang bumukas ang pinto kaya napatingin ako doon.

"I can't believe na may mga daan doon! Wow! Secret doors!"sabi ni Nathan at tumawa ito.

Close na agad sila? Or sadyang palakaibigan lang talaga si Nathan?

Black Wings: Raven Heart (Book 3)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora