Chapter 33

755 25 1
                                    

Louis Rafael's POV

"...ano pa bang gusto mo?!"

"IKAW!..." napatigil ako sa sinabi niya, "AKO?" Pagkatapos ay tinignan niya ako, "OO, IKAW! Anong gusto mo? Makita ka nilang ganyan ang itsura?"

Napatahimik ako, akala ko naman kung ano na. Okay, medyo assuming ako don.

Mga tatlong oras na biyahe, nakarating na kami sa isang malaking bahay, "Wooowwww! Ang gandaaa. Nasaan tayo?" Hindi niya ako sinagot. Talagang napakalaki at napakaganda ng bahay, ni hindi ko nga alam kung bahay ba talaga to o kung ano.

Nakatulog ako buong biyahe, hindi ko tuloy alam kung paano kami nakarating dito.

May ganito palang lugar, napakaganda aakalain mong hindi nag eexist ang lugar na to sa sobrang ganda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May ganito palang lugar, napakaganda aakalain mong hindi nag eexist ang lugar na to sa sobrang ganda.

"Good afternoon, Ms. Dapat po tumawag kayo para napasundo po namin kayo." Kabadong-kabado yung babaeng lumapit samin.

Hinawakan ni Eureka yung balikat nung babae at nginitian ito, "Wag kang kabahan, okay lang. Pakikuha na lang yung first aid kit, alam mo na kung saan dadalhin."

Sinunod naman nung babae si Eureka. Pumasok na si Eureka sa loob, sinundan ko lang siya. Manghang-mangha pa rin ako hanggang ngayon.

May ganito sa likod ng bahay nila? Grabe, napakaganda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

May ganito sa likod ng bahay nila? Grabe, napakaganda. Kahit ako di na ako aalis dito. Pinaupo ako ni Eureka.

Habang nag-aantay kami, "bahay niyo ba to?" Hindi ko talaga mapigilang hindi itanong sa kanya. "Wag kang matanong." Pagsusungit niya.

"Bakit mo ako dinala dito?" Pangungulit ko. "Isipin mo na lang nakajackpot ka ngayon, bukod sa ikaw pa lang ang dinadala ko dito sa lugar na to, solong-solo mo ako ngayon. Imagine, napakaraming lalaki ang magagalit sayo dahil sa inggit." Pagkatapos ay nagtawanan kami pareho.

"Ms. eto na po yung First aid kit." Umalis na rin agad yung babae pagkatapos ibigay yung first aid kit kay Eureka.

Nilagyan ni Eureka ng ice pack yung mga pasa ko, "Aray." Mas lalo pa niyang diniin nung narinig niya akong umaray. "Ano masakit ba? Yan ang mapapala mo sa pakikipag-basag ulo." Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siyang gamutin yung iba kong sugat, medyo nahihilo rin kasi ako.

Maingat niyang nililinisan yung mga sugat ko, "aray, aray, aray." Pagkatapos ay hinawakan ko yung kamay niya. Masakit baka itulay niya yung paglilinis kaya hinawakan ko kamay niya para patigilin siya.

Grabe napakalapit ng mukha namin sa isa't isa, bakit ba kasi ako nagkasugat malapit sa labi. "Sorry" bulong niya at pagkatapos ay tumingin siya sakin. Nagkataon na nakatingin din ako sa kanya kaya nagkatitigan kami, matagal kaming nagkatitigan, lalo siyang gumaganda habang tinititigan hanggang sa hindi ko namalayang nakadampi na pala yung labi ko sa labi niya.

Tinulak niya ako, "bakit mo ginawa yon?" Hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon, hindi ko alam kung paano ako magpapaliwanag sa kanya. "Ah...eh... s-sor..." hindi ko na naituloy yung sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan, hindi ako makagalaw hanggang sa magsalita na siya, "Sorry, nadala lang a..." Kumikinang ang mga mata niya habang nagsasalita siya, hindi ko na narinig ang iba niyang sinasabi basta ang alam ko lang she's a good kisser.

Nung nakita kong unti-unti siyang lumalayo sakin, hinili ko siya papalapit sakin at niyakap, ramdam kong kumakawala siya sa yakap ko kaya hinigpitan ko pa yung yakap ko. I can't let her go, not now Eureka. Nakita kong pumikit siya kaya pumikit na lang din ako. Hinayaan ko ang sarili ko na halikan ulit siya, hinalikan niya rin ako pabalik hanggang sa "LOUISSSSSSSSSSSSS!"

Unti-unti kong minulat ang mga mata ko, nagulat ako ng makita ko yung Daddy ko. "DAD?!"  Napabalikwas ako, "Nasaan ako?" Lumingon ako sa paligid, bahay namin to ah? Asan si Eureka?

"Buti naman, nagising ka na. Kanina ka pa tulog na tulog, may naghatid sayo ditong isang babae tsaka isang lalaki na malaki ang katawan. Sabi nila galing daw kayong boxing gym." Pagkatapos ay inakbayan ako ni Daddy, "I'm very proud of you son, akala ko talaga na-bakla ka na, pero hindi pala." Pagkatapos ay ginulo-gulo yung buhok ko. "Bumaba ka na ha, kakain na tayo ng hapunan."

Hapunan? Ano yon? Gabi na? Kanina nasa bahay ako nila Eureka, ngayon nasa bahay na namin ako? Paano nangyari? Boxing gym? Oo nga galing nga kami don kanina tapos nakatulog ako sa biyahe... teka lang. All this time, nananaginip lang ako? Bakit ko siya napanaginipan? And worst hinahalikan ko pa siya.

Biglang pumasok sa isip ko si Bea, nako po. Dali-dali kong binuksan yung cellphone ko, at tinignan yung picture ni Bea at kinausap yung picture niya, wala akong pakialam kung magmukha akong tanga.

Bea I'm sorry, patawarin mo ako, nagkasala ako. Napakadumi ng utak ko. Nanaginip ako Bea, sorry talaga hindi ko sinasadyang humalik sa ibang babae. Sorry Bea, patawarin mo ako. Hindi ko na uulitin, promise.

January 7 na, regular class na. Hanggang ngayon hindi mawala sa isip ko yung panaginip na yon, parang makatotohanan kasi. Habang naglalakad ako papuntang room, nakasabay ko si Eureka. Jusko naman, bakit siya pa nakasabay ko.

"Kamusta pakiramdam mo?" Pagtatanong niya sakin. Hindi ko alam ang isasagot ko, ang awkward ng nararamdaman ko ngayon. "Tulog na tulog ka pagkatapos mong makipag-suntukan ah. Hahahaha." Tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko siya tinatanong. "Eureka, wag ka sanang magagalit sa itatanong ko. Pagkatapos ba sa boxing gym, nag-ano ba tayo?" Hindi ko mabanggit yung word na kiss, nahihiya ako. Baka isipin nito manyakis ako.

"Nag-ano?" Pagtatanong niya. Bahala na nga, para rin sa ikatatahimik ng isip ko to. Kaya mo to Louis, isipin mo na lang open minded siya. Huminga muna ako ng malalim bago magsalita, "nag-kiss ba tayo?" Grabe nakakahiya tong tinatanong ko, parang gusto ko ng magpalamon sa lupa. Lupa, lamunin mo na ako please.

Tinignan ko siya, seryosong seryoso ang mukha niya. Nire-ready ko na ang mukha ko sa posibilidad na baka sampalin niya ako. "Tayo? Nagkiss?" Seryoso ang mukha niya pagkatapos ay "HAHAHAHAHAHA! Seryoso?" Napakalakas niyang tumawa, sumagot na lang ako ng "OO." Tinignan niya ako at saka tumawa ulit ng tumawa hanggang sa sumeryoso ulit ang mukha niya, "In your dreams." Pagkatapos ay nauna na siyang maglakad papunta sa room.

Sabi ko nga, panaginip lang yon. Kaso, nakakahiya talaga, tinanong ko pa talaga siya.  Pero, okay na rin yun, atleast matatahimik na ako ngayon.

When Ms. Piggy Turns To Ms. Sexy (COMPLETED)Where stories live. Discover now